Bago umuwi dumaan muna kami ni Garry sa 12/f para bisitahin mga kasama naman (maaga sila ngayon para makauwi rin nang maaga), nadatnan ko agad si Mami Tek as usual yung pandesal niya. Then nakita ko sina Len, Angie, Robert, Ate Vivs, Tess at si Diane. Kumustahan lang naman. Hindi na kami nakapag-kwentuhan nang matagal since nagremit lang ako ng pera sa bumbay. Hehe! Akala namin wala nang jeep sa Ayala kasi ang daming tao, iyon pala mga Bus lang inaantay nila. Kami kasi sa EDSA na kami bumama para dun sumakay. Ilang minuto pa eh nakasakay na si Garry sa biyaheng Monumento at since iba way namin kahit 2 lang kaming Northbound, sa SM Fairview naman ako.
Actually no choice kasi walang MRT kaya naman nag-bus ako (tuwing ganitong holiday lang naman), pero Ok na rin kahit medyo napapamahal ako sa pamasahe. Natutuwa lang ako kasi iba kasi ang view pag nasa MRT ka compared pag andun ka sa kalsada mismo ng EDSA. Yung mga nagbebenta ng pirated DVD, mga sapatos sa Guadalupe. Mga nag-aaway na mag-asawa at mga taong nagmamadali sa pag-uwi sa may Shaw. Ang ibang billboard na mas pansin dito sa baba kesa sa taas. Ang walang kupas na Farmer's Plaza na hindi nawawalan ng tao. Ang mga nagjo-jogging sa Quezon Circle.
And ngayon nag-eestimate ako kung anung oras ako aalis sa bahay. Mga 5.30pm na ako umalis at 6.30pm nakarating sa Commonwealth. Eto na naman ang sakit ko na namimili na naman ako ng masasakyan. Gusto ko kasi ung kaunti lang para makapili ako ng masasakyan. Nagugulat lang ako sa mahal na ng pamasahe papunta compared sa pauwi eh same route lang naman ang pinupuntahan. Kaya kahit masakit sa loob ko eh nagbayad na ako para lang makapasok. Hehe! Maaga naman akong nakarating sa office (mga 7.30pm), eto update lang sa mga files, ayos ng system.
Kahit Holy Week hehe, sige trabaho pa rin. Ewan ko gusto ko magpahinga pero sayang naman ang double pay. US Holiday lang ako nakakapagpahinga talaga. Regarding naman sa Wawa na outing ng berks, mukhang madaming tao nagpupunta kaya nag-SMS na lang ako sa kanila na maganda na next week na lang gawin para kaunti na lang ang tao. Wala pa silang reply bout this. Ang hirap talaga mag-text sa mga taong hindi naman nagrereply sa iyo. Kakainis minsan. Kaya nakakatamad mag-load. Happy nga pala ako kay Ace at nakahanap na siya ng partner niya. Ako kaya kelan pa o kung may darating pa ba. Ewan. Hindi ko na iniisip mga bagay na yan masyado. Sumasakit lang ang ulo ko kaka-daydream sa mga taong hindi naman talaga nage-exist.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
mhrip tlga magtxt sa mga taong ayaww magreply
Turismoboi
April 9, 2009 at 10:28 PMhonga eh. welcome back sa Pinas CJ!!
Jinjiruks
April 9, 2009 at 10:43 PMJust dropping by.
Kapag nagko commute ako, tamang moments din ako sa paligid
Its a way of reflection about life in general.
Vlad
April 10, 2009 at 4:55 AM@vlad aka moon
welcome po sa aking blog. salamat sa comment.
Jinjiruks
April 10, 2009 at 8:52 AM