Sa loob ng ilang taon na pagpasok ko, hindi pa ako nagkaka-late. Di baleng maaga basta wag lang late. Iyon lagi ang nasa isip ko. Pero kanina dahil walang MRT at late na ako umalis sa amin. Confident kasi ako na makakasakay agad ako. Pagdating sa may Commonwealth, umandar na naman pagka-choosy ko sa mga sasakyan. Yung tipong gusto ko kaunti lang ang tao para makapamili ako ng mauupuan. Pinalagpas ko na ang unang bus na dumating kasi occupied na lahat yung sa right side malapit sa window. Lumipas ang 10minutes, sumunod ang 2nd bus pero hindi pa rin ako sumakay dahil standing position na sila dun. Pasado 7pm na pero andun pa rin ako sa lugar na iyon. Nainis na ako sa sarili ko kung bakit mapili ako sa pagsakay kaya eto tingnan mo nangyari mukhang male-late kapa sa ginagawa mong yan. Para na akong paranoid nung oras na iyon nung mga 7.30pm eh wala pa, almost an hour na akong nag-aantay dun pero walang dumadating na LRT/Leveriza na bus. Buti na lang at may dumaan at nakahinga ako nang maluwag. Moral lesson. Wag choosy baka mapag-iwanan ka sa biyahe.
Added pa sa kamalasan ko, kahapon nadukutan pa ako ng coin purse at MRT card. Buti na lang kamo at piso lang ang laman nun. Sana binato na lang niya sa akin pabalik kasi kelangan ko ng wallet kahit yung piso sa kanya na iyon at ung card. Bibili na naman tuloy ako nito. Mag-2 taon na pa naman ang purse na iyon. May sentimental value na sa akin. Huhu!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
*&^% magnanakaw yun haha
Nash
April 11, 2009 at 6:00 PMhehe. welcome sa blog ko nash!
Jinjiruks
April 12, 2009 at 9:20 AMchoosy rin ako sa mga PUVs.
pag bus kelangan hindi overcrowded... at kelangan me space sa likod para makaupo. pag jeep, dapat walang nakaupo sa dulo or sa unahan. pag taxi dapat hindi Kia. yun lang naman criteria ko. ehehehe.
deejay
April 18, 2009 at 6:29 PM