Went to SM North by 4pm to meet an officemate, taga P'que pa nga siya eh pero gusto niya talaga pumunta sa malayo sa extreme north from down south eh so pinagbigyan ko na. Nagkita kami sa may McDonalds then we went a Trinoma kasi hindi pa daw siya nakakapunta sa place na iyon. Maski naman ako hindi naman nalalagi sa area na iyon, siguro twice lang ako nakapunta sa mall na iyon kasi sa may Quezon Ave. naman ang uwi ko kapag nag-MRT.
Umakyat na agad kami since nagyaya siyang na manood ng sine at matagal na naming pinaguusapan na panoorin ang Friday the 13th. Huli kong punta pa ata sa sine eh nung kasama ko ang aking mga kabarkada at nanood kami ng Silent Hill that time eh ang tagal-tagal na nun. Maski day or nightshift wala na talaga akong social life, talagang panindigan ang pagiging anti-social character. Balak sana namin sa may SM North na lang manood kaso wala sa list nila ang movie kakainis nga. Sa Trinoma kasi parang Gateway mall kasi na once ka lang pwedeng manood and you have to vacate the seat after. Sayang naman kasi ang movie ticket niya kaya ginamit na lang namin sa Trinoma.
5.40pm pa naman ang next showtime kaya bumaba muna kami at kumain sa Chowking - nag-halo-halo lang kami tutal busog pa naman kami. Kwentong chat lang tungkol sa nangyari last week sa kanila. Then umakyat na kami. Parang kagaya rin ng Robinsons Moviehouse ung area, iyon nga lang alphanumeric coordinated ang mga seats. Panget ang lugar na naupuan namin kahit pa kaunti lang ang tao paano kasi na sandwich kami ng katabi naman left and right. Nakalimutan na naming lumipat at no choice naman.
About the film, parang naumay na kasi ako sa typical American bloody/gore thing kaya hindi na ma-appeal sa akin ang effects na ito. Nadaan na lang sa sound effects ng gulatan kaya nagkaroon ako ng motivation para ituloy pa ang panonood. Alam mo na yung usual na alam mo na ang mangyayari pero andun pa rin ang thrill kung saan lalabas at mangsasaksak si Jason sa mga teenagers. As expected hindi na naman namatay si Jason at balak pang ituloy ang pang 13th movie franchise ng series na ito. Tanga kasi kung bakit hindi na lang nila pinugutan ng ulo si Jason para hindi matapos na ang series niya sa mundong ito. Hehe! Next time na panonoorin na naman namin (as usual horror/thriller/suspense genre) The Haunting in Connecticut - tiwala ako na maganda ang movie na ito since Lionsgate ang nag-produce na well known sa mga gory movies.
After watching gumala muna kami sa mall. Parang siyang flower na merong alleyway kada corners nito. Kaya lahat naman ng boutique eh pinuntahan na namin. Naghanap ako ng bathroom scale sa Landmark and nagulat na lang ako na out of stock na daw. Whoa. Ganun ba ka in-demand ang item na iyon at naubos agad siya or obsolete na at pinapaubos na lang nila. Another thing was yung denim jacket ni Oliver (officemate) na kursunada ko. Halos lahat nalang ng stall nila sa department store pinuntahan ko na, talagang out of stock rin at pinaubos na raw last year mga ganung item. Sayang nga eh, astig pa naman ang jacket na iyon at maganda ang design. Siguro maghahanap nalang ako ng iba or aantay ko na lang magkaroon ulit sila ng supply.
After that kumain ulit kami sa Chowking and siya naman nanlibre this time pero sobrang dami naman binili niya na hindi ko alam kung mauubos ko ba siya. The chat pa rin tungkol sa office updates kung ano na ang balita sa kanila at sa iba pang tao sa office. Wala lang tamang daldalan lang sa buhay-buhay. Then at 9.30pm we decided to left the mall and umuwi na, sa bandang south pa siya kaya hinatid ko na muna siya bago ako umuwi sa amin. Around 11pm na ako nakauwi sa amin. Ang nauna na umuwi sina mama sa akin na galing pa sila sa kamag-anak namin sa Tanay.
Kaninang umaga lang, nagulat ako sa dami ng prutas na dinala nila sa bahay. Mga pakwan, buko melon at mangga pati na rin bigas at uling. Mukhang mapapadalas ang pagpunta nila sa Tanay para bumili ng mga ganung bagay since libre namang nakukuha at pwedeng mabenta pa namin sa iba. Nagkwe-kwento nga sila kung paano kaganda at asenso ang pamangkin nila regarding sa mga livestock at prutas sa lugar na iyon. Almosty 500k square meters ang sakop. And gusto nga nila Mama na mag-business na lang dun kagaya ng sa kanila na babuyan, manukan at pagtatanim ng gulay at prutas. Sinabi ko nga sa kanila bago ako umalis na magtanong kung may nagbebenta sa lupa sa area na iyon kasi kapag nakapag-ipon or hiram ng capial eh payag rin ako na bumili na rin dun. Hindi ko alam kung kailan pa mangyayari iyon. Para maiba naman siguro toxic at stressfull kasi ang worklife na para kahit papano every weekend balak ko magmuni-muni muna sa area na iyon and enjoy the countryside.
P.S.
Kaka-text lang sa akin ng ka-officemate ko. Opo nag-enjoy po ako at nabusog. Thanks po at sa uulitin. Binabasa niya kasi itong entry na ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
mas nakakapagpasaya talaga ang mga simpleng bagay sa buhay! :)
Aris
April 12, 2009 at 2:18 PMhehe. oo naman kuya aris. balak ko na nga manalagi sa kanayunan para sa tahimik na buhay. peace of mind is all i want.
Jinjiruks
April 12, 2009 at 2:25 PMNagulat naman ako doon sa sinabi mo jin, na pagkatapos mong manood ng sine sa Trinoma o sa Gateway u have to vacate the seat.. ngayon ko lang nalaman.. pramiz!hehe.. Nasanay ako sa SM na pwedeng ulit-ulitin until na magsara...hmmm
Ken
April 12, 2009 at 5:05 PMpayak/simple man na maituturing, pero hindi maikakaila na punumpuno ng saya ang blog entry na ito.
Eben
April 13, 2009 at 12:15 PM@ken
iyon na nga eh. kaso un ang rules nila eh kagaya rin sa gateway
@eben
asus, ikaw talaga yung mga banat mo sa akin - kasi po ngaun lang ulit ako naging tao na makalabas sa lunga at manood ng sine
Jinjiruks
April 13, 2009 at 9:03 PM