Saturday. Akala ko pa naman may ok na mangyayari sa araw na ito. Same old boring day pa rin pala. Sat ng umaga kasi start ng rest day ko kaya hindi ako natutulog agad, diretso agad ako sa computer shop para mag-update sa forums, social networks at iba pang kalokohan na hindi ko na-updated within the weekdays. Balak ko humiram ng DVD sa high school classmate ko pero ilang beses na ring hindi natuloy dahil naunahan na naman ng katamaran at hindi ko alam kung san sila nakalipat ngayon. Hindi ko naman ma-contact si Angelo dahil na-snatch ang I-Mate phone niya na matagal ko nang pinag-iinteresan. Nasasayangan ako dahil Windows (at hindi Symbian) ang OS niya. Asa pang mababalik yun sa kanya.
Sunday. After mag-jogging (after a lapse of 2 weeks), dumaan na ako kina Angelo para maglaro sa kanila ng Angels Online (since matagal naka-install na sa PC niya at ilang weeks na rin siyang naglalaro nito). Yung isang sup kasi namin naglalaro rin at pinilit kaming maglaro at bibigyan kami ng money/items online. Naka-register na kami dati iyon nga lang sa ibang server (Forcast server) pero nasa Havoc yung sup ko kaya lumipat na rin kami since hindi pa naman ganun kataas ang level namin. Ayoko na mag-mage kahit pa ito gusto kong class, kaya pinili ko 2nd malapit sa puso ko - Archer. Para long range na rin pero dealing both physical/magical damage.
So far ok naman ang Angels Online although hindi naman siyang kasing ganda kagaya ng ibang MMORPGs to date. It's still the community pa rin, since niyaya na ni Angelo iba pa naming berks na maglaro nun kaya na-engganyo na rin ako. Nakakatuwa kasi nasa macro na yung parang bot in-game pero hindi naman siya nakaka-apekto dahil marami pa namang real players online. Tinalikuran ko na ang Cabal Online at magsisilbing "dagdag sa game roster" ko na lang sa gaming career ko. Dahil diyan nagkasiraan kami ng friend ko na mabuti na lang hindi ko nakausap para ganun pa rin ang friendship status namin. Kung magkakaaway lang kami, anu pa ang silbi ng paglalaro ko kung hindi naman sila makakasama ko at ibang tao na hindi ko pa kilala. Medyo nagsisimula na akong mag-enjoy sa game na ito at excited na ako sa next-weekend para maglaro ulit.
Monday. Napagusapan namin na this weekend, punta sa Wawa Dam sa aming mahal na bayan. Although taga dito kami napaka-dalang na pumunta kami sa area na ito lalo na sa Avilon Zoo. Siguro dahil busy lang at walang budget kadalasan. Pero ngayon since si Angelo na ang nagyaya - kung sino na lang ang makakapunta at kung ano na lang ang pwedeng madala. Maganda sana na weekdays punta para kaunti lang ang tao pero iyon lang kasi ang araw na maraming makakapunta. Excited na ako mamangka sa ilog at pa-picture na naman and being one with Nature again. Sana nga lang hindi maulan para hindi masayang o re-sched. Eto nakakapag-update ako kasi down na naman ang system namin (sana nga pinauwi na lang kami).
Lovelife? Ayoko nang pag-usapan ang bagay na iyan. Meron akong nililigawan for almost 3 months na. Up to now hindi ko pa rin alam ano ang lagay ko sa kanya. Ayoko ng ganitong pakiramdam na nakabitin ako sa ere na hindi ko alam kung b abagsak ba ako o lilipad pataas. Hindi ko naman siya masisisi na gusto niyang makilala pa ako nang personal hindi iyon sa text lang kami nagkakausap. Hirap kasi hanapan ng oras lalo na't nightshift ako at pang-umaga naman siya maski sa weekends naman hindi naman siya pwede dahil up to Sat may work siya at pag Sunday naman pahinga niya kaya baka ma-istorbo ko lang siya.
Pero minsan na libre kaming dalawa saka naman pumasok ang tatay niya na may sakit na babantayan niya sa hospital. *sigh* Ewan ko ba kung ayaw talaga kami ng tadhana kaya pilit kaming pinaglalayo. Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako sumusuko sa kanya. Pakiramdam ko kasi mga ganitong tipo ng tao ang dapat mahalin dahil sa ugali nila at isang malaking challenge sa akin. 2 beses na akong nawalan ng loob magpatuloy pa pero ewan ko kung bakit binubulong sa akin na pagsubok lang yan at tiyaga pa nang kaunti. Napapagod na kasi ako. Anung assurance na magiging kami, maski appreciate man lang niya ginagawa ko, hindi ko maramdaman. Martir na ba ako. Pero umaasa pa rin ako sa sinasabi niya. Ewan. At isa pang ewan. Tanga mo Jeff.
MRT. Nakakainis bakit kaya kaunti na lang ang sumasakay pa-southbound sa MRT tuwing past 7pm. Hindi kagaya ng 7am ride na siksikan na. Hindi ko na tuloy magawa yung mga extra-curricular activities ko pag masikip. *naughty* Kagaya kanina na lang. Me nagpaparamdam, kaunting push lang kelangan nito para bumigay. Ika nga kelangan niya lang ng signal. Kaso dahil kaunti lang ang tao, hindi pwede - lalo na iyong isang malapit sa amin na nakamasid. Gaganti sana ako sa kanya na bukas ang zipper niya pero hindi ko na tinuloy. Wahaha! Ang bad ko talaga. Na brought-up ko lang kasi more than twice nang me nagparamdam na hindi ko lang pinapansin. Ang lamig ng panahon sayang at hindi niya ako nabigyan ng init.
Work. Eto kaya nakakapag-extend ako ng blog entry ko dahil system down pa rin at mukhang aabutin pa ito ng madaling-araw pero ok lang. Minsan lang naman ito mangyari. Kaya kahit anu-ano na lang ang napaguusapan namin magkakasama lalo na ang sup namin. Me panahon pa ako makabasa ng mga balita online. Makapagbasa ng blog ng iba. Makapag browse pa sa ibang site that interest me. Hindi naman makagala sa labas kasi umaambon. Hindi ko alam kung ano magiging future ng function namin lalo na't maraming halimaw sa team. Mahirap magbigay ng forward looking statements lalo na't hindi mo hawak ang pag-iisip nila. Sana lang nga makayanan ko ang everyday work at pakikisama sa mga officemates. Ika nga sa quote "Don't pray for easy life, pray how to be a stronger man.."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
nakatamad din ang wlang gngwa.. wahh yaw ko dito sa pwesto natin
grazzielle
April 21, 2009 at 2:38 AMKung gusto may paraan... kung ayaw may dahilan...
Yun lang masasabi ko sa date mo.. hehehe
gillboard
April 21, 2009 at 5:35 AMhaha. isang malaking ewan sa aking buhay.
Jinjiruks
April 21, 2009 at 8:04 AMnaughty boy sa mrt haha..
Joel
April 21, 2009 at 11:23 AMhindi kaya. sila kaya ang nauuna.
Jinjiruks
April 21, 2009 at 8:48 PMEssenceRO na lang kasi eh.
Zweihander
April 22, 2009 at 1:29 AMsawa na ako sa RO maiba naman. hehe! loyal pa rin ako sa WOW!
Jinjiruks
April 22, 2009 at 4:38 AMweeee! angels online, international? ok ang community? boring yan di ba?
Anonymous
April 26, 2009 at 4:31 PMahehe. nde naman ako masyado naglalaro anthony.
Jinjiruks
April 27, 2009 at 10:30 PM