Kagabi kagaya nga ng inaasahan ko. Down pa rin ang system na ginagamit namin kaya nang bandang 3am. Napagdesisyunan na ng team na maaga nang umuwi dahil lagpas 4 hours na and mahirap kaya na nakatunganga ka lang. Sa akin kasi masyado pang maaga ang 3am at wala pa akong masasakyan na jeep pauwi sa amin sa ganun oras. Mga 4am na ako umalis kasabay ang isang officemate pero sa south siya at sa bandang norte naman ako. Mabilis naman akong nakasakay ng bus sa EDSA, 2nd time ko palang naranasan ang ganito na umuwi nang madaling araw. Ang una eh nung nasa Ortigas pa ako at Overtime naman iyon (extra project). Kaunti lang ang mga tao na dumaraan habang binabagtas ko ang kahabaan ng EDSA. Mga tao sa bandang Guadalupe mukhang hindi natutulog dahil marami pa ring tao sa lugar na iyon. Mga agents naman ang nagaabang sa bandang Boni at Shaw. Sa Cubao naman - mga galing sa probinsya ang makikita mo. Pagdating sa Circle hindi ko na naabutan ang mga kolboy na malapit sa NHA. Wala pang 30mins nakarating na ako sa aking destinasyon. Pero ito na nga ang problema kahit pa maaga akong nakarating sa bandang Litex, punuan pa rin ang mga jeep dito at mukhang matatagalan ako sa dalang ng tao na dumadaan at sumasakay. Kaya mula 5.15am - mga 6.30am na napuno at nakauwi.
Hindi ko naramdaman kanina na nag brownout pala, pero hindi naman ganun kalakasan ang ulan. Buti na lang at umulan at kahit papano napawi ang init ng hapon. Sarap-sarap matulog pero kailangan ko nang pumasok. Nakaka-miss ang ganitong mga pagkakataon - parang nanumbalik sa aking diwa ang buhay estudyante. Mga ilang minuto pa'y bumalik na ang kuryente. Kumain lang at naggayak. Tapos umalis na rin. Nakaka-manga ang eksena na nakita ko paglabas habang nag-aantay ng masasakyan. Ang ganda ng kabundukan na tanaw lang mula sa kinatatayuan ko. Animo'y parang sinaunang lugar na nababalot pa ng ulap na nakakadagdag sa pagiging misteryoso ng tanawin. Kung patuloy ang pag-quarry ng mga tao sa bundok na ito. Malamang hindi na makikita ito ng ilang susunod na salinlahi.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: EDSA at Dawn
Post a Comment