Akalain mo since 2000 pa pala naka register ang blog ko at 2006 lang ako nagsimula maging active, dami ko pang kakaining bigas dahil rank 2m palang ako.
Relative demography. Ibig sabihin ba nito "in" pa ako dahil around 18-24 age group ang dumadaan sa site ko. Puro mga nasa graduate school pa, nagpapakadalubhasa sa pag-intindi sa mga sinusulat kong kalokohan sa blog. Mas madalas na sa work tumitingin kesa sa bahay. Mas popular pa rin ako sa mga girls at malamang single pa mga ito dahil halos walang mga anak. Hehe!
Hmm. Sa dami ng blog visits sa akin nung kasal nina Jay at Sarah Jane parang mas marami pa ata ang nagpunta dito kesa sa kasal nila. Up to know sa statcounter ko, yung mga page visits naka-link pa rin sa wedding pics nila, samantalang forwarded lang naman sa mail ang mga iyon. Pero salamat na rin sa kanila at umarangkada up to 50k hits ang aking blog. Pero hindi ako mamimihasa na gawin lagi ito. Nagka-interest lang ako sa kasal nila at no-way na puro celebrity na lang ang ilalagay ko dito or kung sinong pulitiko diyan. Bihira mong makikita na maglalagay ako ng post sa mga current events. Ang buhay ko ang balita at hindi sila.
The progress report ng aking blog/website for 3-months, maganda mood ko dahil puro green nakikita ko despite na hindi ganun ka-active ang blog ko and im writing for myself lang at bonus na lang ang pag-view ng mga kaibigan natin sa blogosphere at sa iba pang mundo.
0 Reaction(s) :: Jinji loves Alexa
Post a Comment