Tatlong araw na ang nakalilipas pero hindi pa rin pumapasok si Nanay Joydee (aka Te Bebe). Hindi siya mahagilap dahil ang contact numbers na iniwan niya hindi naman niya ginagamit. Hindi nga namin alam kung ano ang dahilan at hindi man lang siya nagpaparamdam sa amin. Sana naman Ok lang siya at hindi totoo yung mga naririnig kong balita na binugbog daw ng asawa. Lalo siyang mapapahamak at magiging AWOL na 'pag hindi pa siya pumasok pag nagbigay na ng Return to Work order ang company.
Si Te Bebe lang minsan ang kasabay ko mag-stroll sa kahabaan ng Makati pagkatapos naming kumain ng lunch (at 1am), marami kaming napaguusapan lalo na ang pangingibang-bansa. Of course Ok na ako sa job ko dito pero open naman ako sa possibility na umalis ng bansa. Mas gusto ko kasi ng tahimik at simpleng buhay. Dun sa lugar na hindi ako kilala, magagawa ko ang gusto ko nang walang mga matang laging pumupuna sa bawat kilos na gagawin mo. Si Te Bebe mukhang sa Europa naman ang punta pero hindi ko alam kung desidido na ba siya talaga pag bibigyan ng pagkakataon ngayon. Magaan ang pakiramdam ko kay Te Bebe kasi good listener siya at naiintindihan niya mga pinaguusapan namin, sinasabi rin niya ang mga raket at diskarte niya sa pang araw-araw na pamumuhay. Nag-aalala na ang lahat kung ano ba ang nangyari sa kanya at ilang araw nang wala ang aming Nanay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
sa dati kong trabaho meron din kameng tinatawag na Mommy, sya mdalas magbigay ng advice samin, pero mkhang nawawala sya sa tamang landas ngayon, dahil sa pagkabaliw sa lalake. hehe. wla lng nman, npdaan lng. :p
Kapitan Potpot
April 30, 2009 at 1:55 AMay ganon. mukhang ganun din ang kapalaran ng Nanay namin!
Jinjiruks
April 30, 2009 at 2:01 AMoh nainlove cya? hehehe! babalik un! magpaparamdam din un!
Turismoboi
April 30, 2009 at 3:07 AMbalita ko rin kasi parang rianna-chris brown thing. binubugbog.
Jinjiruks
April 30, 2009 at 3:26 AM