Napagpasyahan ng inyong linkod at ng kanyang kapatid kasama na si Angelo na ubusin ang oras at gumala sa Quiapo. Sobrang init ng panahon. Pero Ok na rin kesa naman nag-uuulan.
Wala pa ring pinagbago ang Quiapo, kahit iang buwan or even year na akong hindi nakakadaan ulit sa lugar na ito. Linggo nun kaya maraming nagsisimba sa Basilika ng Nazareno. As usual yung scenery sa paligid ng simbahan, mga nagbebenta ng kung anu-ano lalo na ang mga agimat, kandila, rosaryo at iba pang may kinalaman sa relihiyon.
Tipo ko lang bumili ngayon ng pekeng DVD sa kahabaan ng Hidalgo, wala na pala ang pwesto ng binibilihan naming mga anime DVD sa 2nd floor ng isang building kung saan parokyano na kami sa tuwing napapadaan kami dun mga ilang taon na ang nakalilipas. Kaya ang nangyari sa iba na kami bumili at nag-ikot-ikot. Matagal ko nang balak bumili ng X-Files, Alias series. Dalawa sa mga paborito kong serye sa telebisyon.
Proud akong laking X-Philles, dahil dito lalong lumawak ang ideya ko sa mga pangyayaring paranormal. Mga government conspiracies, mga unknown. Alam ko namang kathang isip lang ito pero hindi natin masasabi na maaring hindi totoo ngayon ang ideya na ito pero makalipas ang ilang dekada o milenyo eh pangkaraniwang katotohanan na ito na may ebidensya at siyentipikong explanasyon. Isa ko ring paborito si Sydney Bristow sa palabas na Alias, masarap siguro maging kasama siya sa mga espionage mission dahil wala ka nang hahanapin pa sa kanya. Maparaan, matapang, mabilis mag desisyon, bonus na lang ang pagiging maganda at sexy niya. Iniisip ko rin minsan ang plot na ito na, papatayin ko ang aking character para lang makapasok bilang agent ng CIA o kaya kung anu pang organisasyon. High adrenaline adventure pero hindi ko alam kung makakayanan ko bang burahin sa isipan ang mga mahal ko sa buhay.
Tama na ang kwento, pagkatapos nun dumaan kami sa isang fastfood chain para magpahinga at kumain. Ngayon lang ulit kami sabay-sabay kumain at gumala ng kapatid ko at si Angelo. Ilang taon na rin ang lumipas mula nang ginawa namin ito. Masaya ako kahit kaunting sandali lang napasaya nila ako at nagkaroon ng satisfaction ang parte ng buhay ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
based!
mabuti naman at kahit konting saglit eh sumaya ka, masarap makasama ang pamilya sa paggala kahit paminsan minsan, kaya dapat dalas dalasan nyo ang paglabas..
hindi na ulit ako nakabalik sa quiapo mula simula nung natapos ang review namin.. nakakamiss din ang pumasyal at magsimba dyan..
Joel
June 29, 2009 at 11:43 AMhehe. saglit lang naman kami at tanghali kami nagpunta kaya alanganin!
Jinjiruks
June 29, 2009 at 11:44 AMDati gusto ko maging double agent katulad ni Sydney Bristow...
Pero na-realize ko double agent na pala ako all the while... kasi chick-boi LOLs!
Anonymous
June 29, 2009 at 1:11 PMhehe. ibang kaso naman iyon. pero ewan ko up to now. im still open to that idea na maging double agent kahit ill gonna risk my life. exciting kasi.
Jinjiruks
June 29, 2009 at 8:07 PM