"Ang buhay ko, wala lahat sa plano ko. Kung kailan gusto ko na, kung kailan handa na ako. Nakalimutan kong hindi ko pala hawak lahat. Na dapat hindi lang ako…Magkasama tayo na nagplano. Nagmahal ako, namuhi, bumangon at umibig muli. Naniwala sa pag-ibig na walang hanggan…Naging saksi sa mga taong tapat kung magmahal. Kakampi nang mga taong gustong lumaban sa buhay. Nangyari iyon, dahil hindi malakas ako, kundi dahil pinakapit mo ako…sa paniniwala, sa pag-asa, sa pag-ibig. Ang sabi ni Dadoods may pagmamahal... kahit sa pagmamahal lang… Jackie, halos hindi na kita makita, at nararamdaman ko ngayon iyon. Kaya lahat nang pagmamahal, iniiwan ko sa iyo Jackie. Ayoko nang magdusa ka pa, nang masaktan pa nang matagal. Magpahinga ka na ha? .... Magmahal kang muli, mabuhay kang muli. ha, Jackie? Sige na po, Diyos ko…Isinusuko ko na sa inyo ang lahat. Maganap na ang inyong kalooban."
-Ely Davide, Maging Sino Ka Man (2006)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
panalo talaga ang mga writers ng channel 2. pero kapuso pa rin ako kahit mas maraming kapamilya shows akong pinapanood. hehe
Badong
June 11, 2009 at 7:14 AMwahaha. ganun. eh basta kung san ok dun ako. palagi lang kasi nanonood sa bahay ng kapamilya kaya iyon na rin napapanood ko.
Jinjiruks
June 11, 2009 at 8:13 AMMabuhay ang kapamilya shows..Sobrang gusto ko ang book 1. Ang galing ni Anne curtis dito. Sabagay powercast naman
bampiraako
June 11, 2009 at 10:43 AMmaging sino ka man! yeah... panalo, kahit yung tayong dalawa, sunod sunod ang twist ng istorya, hindi nakakaumay. gusto kong writer si ricky lee
Anonymous
June 11, 2009 at 11:18 AM@bamp
hehe. honga eh. mas gusto ko ang book1 kasi si anne the bitch thing at si I never said that I love you!
@anthony
oo naman!
Jinjiruks
June 11, 2009 at 8:39 PM