baby Xylene's Christening
Saturday morning. Akala ko pa naman makakauwi ako nang maaga para sa binyag ng anak ni Raniel. Pero dahil na rin sa mga hindi inaasahang pangyayari, nakauwi na ako mga pasado alas-8 ng umaga. Kaya naman dali-dali akong kumain sandali, naligo (kahit kakauwi pa lang - masamasa katawan), bihis at umalis din agad. Kahit puyat sige biyahe pa rin ako. Around 9am na ako nakarating sa Commonwealth. SMS sina Arnold and company. Grabe ang traffic sa Regalado, ginagawa kasi ang kalsada (alanganin talaga kung kailan tag-ulan). Text sina Neri antay umalis na daw sila sa SM Fairview meet nalang daw sa Aristocrat malapit sa STI.
Then ayun nasa car na ni Bro kasama sina Neri, Tere at Charlene. Kaunting chit-chat. Past 10am na, hindi namin alam kung makakahabol pa kami sa binyag. Nag-desisyon na lang kami na diretso na lang sa reception sa Dencios' sa Capitol Hills. Ngayon lang ako nakapunta sa lugar na iyon. Mind Level-up! (sa Brave Fencer Musashi (PSX) kasi kapag nakakapag-lakbay ka sa unknown area, up sa Mind stats mo.) Nag-mesg kay Raniel na andun na kami sa reception. High-end talaga itong lugar na ito. Na-OP kami. Haha! Around 11am dumating na sila at mga bisita sa binyag. Chit-chat again kay Raniel at sa ibang mga classmates na nakita ko dun.
Habang kumakain, kwento lang sa mga buhay-buhay. Kung ano na ang updates sa kanila. Sa mag hiwalayan, panliligaw at iba pang buhay pag-ibig. Hindi namin naramdaman ang paglipas ng oras. Hanggang sa oras na ng pag-uwi. Hindi na kami nakapag-usap nang matagal ni Raniel dahil busy rin siya. May utang pa sa akin yang scandal na ilang taon na niyang pangako. Na-miss ko tuloy ang college days na kakulitan ko ito sa mga kamanyakan. Ngayong tatay ka na Raniel, malamang behave ka na ngayon at piliting matutunan ang buhay ng isang Padre de pamilya. Wishing you all the best sa career at family life.
Umalis at 2pm, napag-usapan lang na dumaan muna kina Mark para kumustahin. Wala siya dun pero antayin lang dahil pauwi na rin. Si Dexter ang naabutan namin, dumating ang parents niya, pinag-merienda pa kami. Dumating si Mark, unting chat, kinuha number niya. Good luck sa business nilang magkakapatid. Kaya nyo yan! Nagpaalam at umalis na rin. Mga 3pm dumating sa SM Fairview, humiwalay sandali. Grabe antok na ako at medyo nahihilo na. Bumili lang ng jacket, kaunting reward para sa sarili. Kinita ulit sina Neri para magpaalam. Dumating sa bahay mga 6pm na. Naligo after pahinga. Around 8pm knockdown na. Isang nakakapagod na araw pero sulit at masaya dahil nakita ko ulit mga college classmates.
Napag-usapan namin na hindi lang sa ganitong mga pagkakataon dapat kami magkita. Nakakasawa na ang puro house na lang palagi ang reunion. Bukod sa out of town trip na idea. We need to go extreme minsan. Lalo na sa mga babaeng kasama namin. Sila pa ang may ganang mag hiking, mountain climbing, spelunking at wakeboarding pag may pera at pagkakataon. Aprub ako sa idea na iyon. Para maiba naman paminsan-minsan. Bago man lang mawala sa mundo maranasan mga ganitong kakaibang experience.
by
Jinjiruks
July 26, 2009
11:51 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
cool!
kakatuwa naman. haay. miss my classmates too. :D
di ako nakakapag-update kuya eh.. pero naka-save email mo sa akin. next time, tawag ako senyo. :D :D
Yas Jayson
July 27, 2009 at 10:08 AMayos!!!. pero nagtataka lang ako bat ang tagal nilang magCR no? buti na lang tong kaibigan ko e magaling magisip ng dahilan. hahahaha. Green ka talaga
Raniel L
July 27, 2009 at 7:09 PM@yas
tumawag kna nga yas. mag reunion na kayo ngayon na
@raniel
haha. kaw ang manyak diyan. namaga nga daw dahil minadali ni tere yung dalawa.
Jinjiruks
July 27, 2009 at 8:56 PMhaysss mga manaic talaga kayo!!!! is fairness si jep laki na ng pinagbago!!!!
oist raniel magbago ka na tatay ka na noh!!! tandaan mo baby girl yan so better be a good father and for your wife a good husband!! raniel sana sa mga balak naming lakad makaextra ka!!!!
jep kelan na next? san tsaka anu reqs?
nerizaizai
July 28, 2009 at 10:37 AMneri nde ko gets. text mo nalang ako.
Jinjiruks
July 28, 2009 at 9:11 PM