Kagabi sobrang busy ang team para sa preparation ng mga applicants naming officemate para sa urgent hiring ng isang function na under sa department namin. Todo asikaso supervisor namin para magkaroon ng idea sila tungkol sa kung ano ang typical na ginagawa doon, culture at mga expectations na rin.
Nagkaroon ng kaunting participation sa urgent project na ito. Kasama sa mock interview. Pinakinggan ang mga pointers at nagbigay na rin nga mga set of questions. Pati mga feedbacks after ng interview. Then nagbigay rin ng endorsements sa applicants. Super busy at dami ng meeting na hindi na nakapag-process sa new function.
Kaya resulta super pagod at antok. Lalo na nung pag-uwi, hindi ko namalayan nakatulog na pala ako at labas ng kaunti ang ulo ko sa bintana ng bus. Maski sa jeep headbang rin. Paguwi naman sa bahay. Hindi rin nakatulog agad. Kumain pa kasi nang kaunti. Nakatulog. Tapos naalimpungatan sa brownout na hindi ko alam kung may kuryente pa sa amin.
Sobra ang init, grabe. Parang nasa pugon ka talaga. Kaya hindi ako nakatiis at naligo ako at pumasok na nang maaga at dito nalang sa office magpalamig. Around 6.30pm nandito na ako sa office. Kain nang kaunti. Check ng mail. Update ng leaves since May 3 eh holiday (yay!) kaya maliligtas na naman ang isang araw na vacation leave ko.
Kawawa naman si AMD at naiwang mag-isa sa kanila. Hindi ko naman mapuntahan dahil may work din ako. Pero kaya naman niya ang sarili niya at andun naman ang relatives na kapitbahay lang niya. Miss na po kita. Tagal pa bago tayo magkita ulit. Happy monthsary po. 5254!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: 04.28 Wallpost
Post a Comment