"Sa seminaryo ko unang nalaman ang kahibangan ng pag-iwan sa mga bagay na itinuturing kong mahalaga upang magbigay daan sa pagtanggap ng iilang bagay na mas mahalaga. Ito rin ang aral ng mga manlalakbay, hindi mo dapat dalhin ang laman ng buong bahay sa daan. Ito din ang natutunan ko sa mga mga dormistang nakilala ko sa Espanya.
Dahil sa daan natin makikita ang mga kailangan natin at sa daan din iiwan ang mga ginamit. Pagkat lahat ay uuwi at uuwi ring walang pasalubong na peanut brittle o walis tambo maliban sa mayamang karanasan at aral. Ang oras ay nauubos pero katulad ng system loss shit ng meralco, binabayaran mo pa din ito. Kaya talo ang hindi matututo."
-The Unperfect Oblation, Elias' Cacoethes scribendi
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: He says
Post a Comment