Mula work umuwi muna para kunin ang bagahe para sa Cabra Island adventure. Tanghali na ako nang umalis. Sobra ang init. Pawisan na naman ako. Kikitain ko sa Jay at dun matutulog sa kanila sa Taguig para diretso na kami papuntang pier bukas ng umaga.
Kinita namin ni Jay si Kuya Leon (dala kanyang car) sa may Glorietta. Kumain at bumili si Jay ng damit at kakailangin. Nakipagkita kay Christian sa Mall of Asia bandang hapon. Bumili ulit ng mga abubot gaya ng sunblock etc. Dumaan din sa Baclaran, nagsimba. Namili ng bag na at ilang damit. Nakatawad pa ng todo si Christian kay Aling Arlene sa 2 travel bag.
Dapit hapon na nang maghiwalay kaming apat. Bumaba na kami sa EDSA ni Jay at sumakay papuntang Taguig. Puro pedicab ang nasa area nila Jay. Nagbabaya ang pagbagsak ng ulan at makaraan ang ilang minuto - bumuhos na rin siya. Tumagal ng ilang oras. Nang tumila dumaan muna sa SM Bicutan. Sale ng araw na iyon kaya madaming tao.
Ang daming binili namin ulit para naman sa Ate ni Jay. Sumakit ang paa ko kakalakad. Mga past 10pm na nun nang makauwi ako. Pahinga kaunti. Usap-usap. Maaga pa ang biyahe namin bukas para hindi ma traffic. Good night to all.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Pre-Cabrian Period
Post a Comment