Pareho kaming apat na excited. Si Jay dahil sabik na niyang makita ang kinalakhan niyang bayan. At kami naman, first time din makapunta sa Isla nila sa may Mindoro. Nag-antay pa ng ilang oras. Bandang 9.00am nagkaroon na ng signal na pwede nang sumakay sa barko (M/V Nikki). Ang huling sakay ko sa barko eh nung mga 2 taong gulang pa ata ako kaya wala akong naaalala kaya masasabi kong first time ko ito na makasakay.
Umakyat na kami at hinanap ang seat number na binigay kasama sa ticket (Php 599 Manila-Lubang (economy)). Bed #67, pumasok sa aircon (deluxe) area, tinarayan pa kami ng babae na hindi raw kami dito at sa deck 3 daw kami (kotable kots pa). Nagtawanan lang kami nang isinasadula namin ang pangyayari iyon. Sobrang ang katarayan ni Ate kasi.
Christian, Jay at Jin (M/V Nikki, Pier 6 Manila North Harbor)
Jay and Jin with marinong Jayson
Patuloy pa rin ang pa-picture sa mga tanawin sa loob at labas ng barko. Pinagmasdan ko ang malawak na karagatan. Namangha sa pagbabago ng kulay nito. Mula sa madumi at basurang tubig mula sa Manila Bay, naging green, blue-green at bughaw habang lumalayo kami sa Maynila. Pinanood na rin ang mga dikya, dolphins at ibang pang dagat hayop na nakakasalubong namin sa aming paglalayag papuntang Mindoro.
Kaunting usap-usap, kain, usap ulit. Pagkatapos ng 5-6 oras, nakarating na rin kami sa Port of Tilik, Lubang Island, Occidental Mindoro. Medyo mabilis nang kaunti ang biyahe namin dahil walang aberya na nangyari. Sumakay ng jeep papunta sa mga bangka na maghahatid sa amin sa Isla ng Cabra. First time kong sumakay ng bangka. Natatakot ako kasi, hindi ako marunong lumangoy at malalim ang dagat.
Pasalamat kami at sa mga panahon na ito ay kalmado ang karagatan. Todo ang kapit ko sa banka at natatawa sila dahil parang nagdarasal daw ako at nakapikit. Sabi ng kapatid ni Jay na si Ria, tataob ang banka kakakuha namin ng mga pictures.
Ang ganda talaga ng Pinas, namangha na naman ako sa linaw ng tubig at kita ko ang ilalim ng karagatan. Mga ilang minuto ang lumipas atnarating na rin namin ang Isla ng Cabra (According to the local people, when Spanish soldiers first landed in Cabra they saw herds of goats, the majority being females. Thus the island was called 'La Isle de Cabra' - cabra being Spanish for a female goat - source).
Dumaong kami sa Isla mga bandang ala-5 na ng hapon, lowtide. Ang ganda ganda ng tanawin. Gusto ko mga ganitong lugar, hindi matao. Secluded. Tahimik. May peace of mind. Makakapag-unwind ako kasama ng aking mga kaibigan. Kukuha pa sana ako gn starfish kaso sa ibang araw nalang siguro sambit ko sa sarili ko.
Sumakay kami ng tricycle (na parang jeep ang itsura) at nakarating a bahay nila Jay mga 5.30pm na. Sinalubong kami ng kanyang Ama at Ina na sabik makita ang kanilang bunsong anak na si Jay, mga tatlong taon na rin kasi nang huling magpunta si Jay sa kanilang bayan kaya ganun nalang ang pagkasabik nito na makita at mahagkan siya.
Todo hospitality ang inabot namin sa pamilya ni Jay. Pinaghanda agad kami ng makakain. Naligo saglit. Then saka nag-usap usap ulit sa mga pupuntahan lugar. Naki-kumusta sa pamilya niya, ang buhay-buhay nila. Hanggang sa lumalim na ang gabi at natulog na kami. Big adventure starts tomorrow.
0 Reaction(s) :: Cabra Adventure (Day 1)
Post a Comment