Pumunta naman kami sa ibang parte ng isla na hindi pa namin napupuntahan. Backtrack nga pala tayo nung a-uno ng Mayo, kinagabihan - pista sa sitio nila Jay at since huling araw ng pista sa isla (sunod sunod kasi ang pista sa mga sitio mula April 27 hanggang May 1). Masasabi kong hindi pa nakakapasok ang modernong panahon at patriyarkal pa ang pamumuhay dito.
Napansin ko sa kanilang programa ng pista. Puro sonata ng mga lumang tugtugin. Parang hindi lumipas ang dekada 70 sa islang ito.
ang mga sasayaw sa pista - Christian, Jay at si Ama
Balik tayo sa Mayo 3, kinaumagahan nagpasya kaming puntahan ang sitio Libis para maghanap ng bagong huli na isda. Masasabi kong hindi gaano pangingisda ang pangunahing hanapbuhay nila rito kundi pagaasikaso sa kabukiran. Kaya naman pahirapan ang paghahanap ng isda at may oras pa talaga kung kailan babalik ang mga namamalakaya.
landas papuntang sitio Libis
akalain mo may Grand Reunion sila ngayon
ang kakaibang tricycle na parang jeep dahil 4 seater siya sa likod
frontal view ng traysikol
nang kinahapunan, nanguha na lang kami ng mga shells sa dalampasigan dahil na rin at low tide
kung pwede lang pigain ang araw
0 Reaction(s) :: Cabra Adventure (Day3)
Post a Comment