hindi niya ata gusto ang ginagawa ko sa kanya
nakasakay na rin sa kalabaw, pers taym!
Kaunting trivia lang, akalain mo - meron palang dapat sambitin para lumapit ang mga pang bukid na hayop na ito sa iyo. sa Baka - beee beee beee, sa kalabaw - oinkk oinkk oinkk at sa baboy - yikkk yikkk yikkk. Salamat kay Ama at may natutunan na naman kaming bago, sinubukan nga namin at lumapit nga ang mga ito.
Pagdating ng hapon punta ulit kami sa beach para sulyapan siya sa huling pagkakataon. Inabot na kami ng gabi sa daan at talagang nakakatakot siya compared sa nakaraang araw na ginabi rin kami. Kasabay pa naman ng araw na ito ang libing ng ka-nayon nila at dun sa mismong daan pa kami naglalakad.
Kakatakot kasi, walang ilaw. Tanging liwanag lang ng buwan ang aming guide. Sobrang dilim. Maraming kwento sa lugar na iyon na nanunukso ang mga engkanto. Kasabay na rin ng punong Balete na tumutubo sa lugar na iyon. Akala namin naliligaw na kami dahil halos magkakapareho ang kalsada na aming tinatahak. Kung alam niyo lang kung gaano ang kaba na aking nararamdaman nung mga oras na iyon. Naka-ilang Ama Namin ako, tinakpan ng tuwalya ang kanan tenga ko at todo hawak kamay kami ni Jay para lang maibsan ang sobrang takot na nararamdaman.
Buti nalang at nakita rin namin ang liwanag ng unang streetlight sa nayon at saka kami nagmadaling naglakad patungo dun. Pagkadating sa bahay saka namin naikwento sa kanila ang nangyari sa amin. At sinabi nila na ganitong oras wala nang nagtatangkang maglakad sa daan na yaon. Nagutom kami sa sobrang takot. Kumain ng isdang salisi na pinabili namin at nagluto pa ng buto ng kasoy si Ama para panghimagas namin.

Mahangkig beach, takipsilim
other mini cave formations, sayang at walang na kaming oras para explore ang lahat ng mga ito
sea urchin, ang dami dami nila sa mga sulok at butas
sea slug, wala lang - kahit malaki, harmless naman
0 Reaction(s) :: Cabra Adventure (Day4)
Post a Comment