Tatlong siyang na-miss ng kanyang magulang at eto aalis na naman siya para bumalik sa Maynila at maghanap-buhay. Pero may binitiwan kaming pangako sa kanila na kada taon ay dadalawin namin sila at ang buong isla. Ramdam ko kay Jay ang kalungkutan na kanyang nararamdaman. Umiyak pa nga ito pero hindi na niya pinakita sa iba.
Maraming salamat po Ama at Ina sa pagpapaunlak sa amin sa inyong tahanan. Salamat sa warm hospitality, paghahanda ng pagkain, pag-iigib ng tubig sa amin. Hindi po namin kayo mallimutan. Hanggang sa muli. Salamat na rin sa tuko sa bahay nila na gabi-gabi nalang eh nag-iingay.
Inabot na kami ng umaga sa pagtahak namin sa isla ng Lubang, nakikita namin kung paano lumiliit hanggang sa mawala ang hugis bayawak na isla na minahal namin sa loob ng halos isang linggo. Kalungkot pero masaya at salamat sa memories na binigay sa amin. Sobrang linaw ng tubig dito na makikita mo ang lupa sa ilalim ng dagat. Kailangan i-develop ang lugar na ito para maging tourist spot.
Nang marating na namin ang Tilik, Lubang Island. Nag jeep naman kami papunta sa port nito kung saan rin kami dumaong. Pinili namin na sakyan ang rutang Calatagan, Batangas para maiba naman ang aming biyahe. Kaunting pa-picture muna, bili ng pasalubong hanggang sa umalis sa port ang banka sa ganap na ika-9 ng umaga. Nakarating kami sa Calatagan Port by 11.30am. Sumakay ng bus pa Dasma at balak muna namin dumaan sa Cabuyao, Laguna para makita ang tirahan ni Jay.
Nag celebrate na rin kami ng kanyang kaarawan bukod pa sa isla noong ika-4 ng Mayo. Nagpalipas ng gabi at umuwi ng bandang ala-7 ng umaga sakay ang van rutang Cubao. Nakarating ako sa amin bandang 11am ng umaga. Nagpahinga at nakatulog. At dito nagtatapos ang aking kwento at karanasan sa islang hindi ko malilimutan sa buong buhay ko.
Salamat Jayson, Christian at lalo ka na Jay sa bonding experience natin magkakabarkada. Lubos akong nagpapasalamat at nakilala ko kayo. Mas malaya kong naipapahayag ang pagiging ako pag kasama ko kayo. Hanggang sa muling paglalakbay natin.
0 Reaction(s) :: Cabra Adventure (Day5) Farewell
Post a Comment