Mula sa mahabang bakasyon, kelangan re-configure ulit ang mindset. Back to reality ika nga. Tapos na ang panahon ng pag unwind at stress-free environment. Balik na ulit sa buhay sa mabangis na lungsod kung saan "survival of the fittest" ang palaging tema ng buhay.
Nanibago lang ulit pagbalik sa trabaho. Kelangan habulin ang mga araw na lumipas. Pag review sa mga updates na nangyari lalo na sa mga critical procedures. Pagdating sa office, pansin agad ang paninibago ng kulay ng aking balat.
Binasa mga tambak na messages (140 lahat), hinanda ang mga reports na kailangan. Then start na ng work. Dahil na rin sa hindi ako nakatulog nang buong araw mula nang umuwi ako. Dun tumama sa office ang esfiritu ng antok at hindi ako tinantanan nito. Resulta - bagsak ang prod at sana hindi makaapekto sa quality.
Sana next week maka recover na ako ulit at makahabol sa stats ng team. Andaming activities ang aking na-miss. Ang potluck o group kainan minsan sa isang linggo. Ang group competition tuwing may meeting. Tapos ang planong team building a Marinduque next week. Grabeng bakasyon na ito. Kada linggo ata eh umaalis ako. Baguio/Sagada then Mindoro at ngayon sa Marinduque naman.
Hanggang sa muli. Sana mawala na ang skin rashes ko sa batok, sakit sa throat. At ngayon slight fever at cough. Huhu! Consequences ba ito ng sobrang pagsasaya sa bakasyon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
sana hindi spam
Jinjiruks
May 9, 2010 at 5:43 PM