Sunday afternoon. Supposedly magkikita kami ng 4pm ni Chris, isa sa classmate ko nung elementarya. Para tumambay at pagusapan ang ilang beses nang naudlot na reunion. Malakas ang ulan sa Commonwealth kaya na-delay ang pagpunta niya sa Montalban. Pasado alas-5 na nang dumating siya sa tapat ng parokya ng San Jose. Nanghiram agad siya ng motorsiklo kay Gani (isa sa mga nag-aruga sa kaniya nung nasa elementarya palang). Wala na kaming pinalagpas na sandali dahil halos palubog na ang araw at mahirap maglakbay sa kadiliman lalo na't liblib ang lugar na pupuntahan namin.
Actually dry run (the repeat) lang itong ginagawa namin. Ang unang attempt na magkaroon ng reunion eh mga 3-4 taon na ang nakakalipas kung saan ako at si Lani ay nagbahay-bahay sa aming mga kaklase para lang makapunta sa reunion. Kaso ang nangyari, kaming lima lang ni Donna, Jervin, Kenneth at kami ni Lani ang nakapunta at nag-enjoy lang sa damakmak na pagkain na inihanda noong panahon na iyon.
This time tama na ang pa-diplomasya mode na ginagawa namin ni Lani at si Chris na ang haharap sa kanila at kausapin. Ilan sa mga concern na naisip kasi namin, siguro eh dahil na nga halos 15 taon na ang nakakalipas, nagkakahiyaan na ang iba - yung iba may trabaho na kasi, samantalang ang iba ganun pa rin kagaya ng dati. Naging haggard na ang iba sa dami ng anak, yung iba naman nahihiya dahil ilang taon na sila wala pa ring syota o asawa dahil napag-iiwanan na ng biyahe. Yung iba naman dahil sa schedule ng work kaya hindi sigurado kung makakapunta. At marami pang ibang dahilan kaya mahirap pagtapat-tapatin ang schedule kung kelan libre at willing na mag-attend ng reunion.
Una naming dinaanan ni Chris eh si Lani, ang aming punong abala noong nakaraan attempt sa reunion, hindi nga lang namin naabutan dahil may practice daw sa choir ng religion nila at gabi pa daw makakauwi. Dumaan naman kami sunod kina Frendy pero malas at kakaalis lang daw kasama ang gelfren at magsisimba daw at baka gabihin na. Maski si Jennalyn ay hindi rin namin nakita dahil umalis daw kasama ang asawa niya nung kinaumagahan. Minamalas na naman kami talaga, buti nalang sa susunod na lakad namin ay andyan ang pakay namin, nakita ko si Francisco na kababata ko at nagbatian lang saglit, nakipag-usap sandali kay Jordan, kaunting kumustahan. Medyo dumidilim na at napagpasyahan na namin ipagpaliban ang iba pang mga dapat puntahan at napagpasyahan na sa susunod na mga araw na lang at aagahan niya ang pagpunta sa Montalban para maraming makausap na kaklase.
Kumain kami sandali sa isang burger chain. Kaunting usap lang sa buhay-buhay bago sumaglit sa isang computer shop malapit sa taong nag-alaga sa kanila nung kabataan pa niya. Akala namin makakapag-net na kami pero patok ang lugar, puno at may naka-reserve pa daw na limang tao bago kami, kaya naman minabuti nalang namin na tumambay nalang sa labas ng shop sa may kahoy na upuan at dun nagpahangin habang tanaw ang tapat lang na bahay ni Dylan na classmate rin namin noong elementarya. Marami kaming napag-usapan ni Chris noon nakaupo palang kami.
Kinuwento niya ang tungkol sa trabaho niya, kung paano siya madaling ma-bored pag sa office lang at sinubukan na rin niyang mag sideline kagaya na maging sekyu o kaya construction worker. Iyon eh trip niya lang at na-bored din siya kaya balik sa dating trabaho. Kung paano niya na-eenjoy ang mga field project niya dahil na nga nakakapaglakbay siya at unwind na rin. Kung paano niya pinakasalamuhanan ang mga Aeta sa Zambales, kung ano ang nakagisnan nilang kultura dun. Kung paano siya makibagay sa ibang tao lalo na pag nasa probinsya siya, kung paano maging koboy at mamuhay ng simple. Marami akong natutunan kay Chris sa maiksing panahon na nilagi niya sa dating bayan na nakagisnan niya. Pareho kaming masaya dahil ngayon lang ulit namin naranasan ang ganito. Ang makipag kwentuhan sa dating kaklase. Ang sariwain ang nakaraan.
Sana nga at harinawa umusad ang gulong sa plano naming reunion (ulit). At this time. Gagawin namin ang lahat matuloy lang itong kaganapan na ito na nag-antay pa ng 15 taon bago matuloy.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Elementary Reyunion [isang pagtatangka..]
Post a Comment