Last Monday. Nagsimula sa pagtingin sa aking sirang digicam. Hindi ko pa napapaayos kasi. Napansin kong ang daming kalat na nakalagay sa paper bag na kasama. So nilinis ko siya at inalis na ang mga abubot na nagdadalawang isip pa ako kung aalisin ko ba o hindi. Then yung box naman ng P1i ko, then yung paper bag naman ng mga old anime cd na pinahiram and eventually naging akin nalang daw. Salamat Pyongyang (IGN - Mukamo Forum Moderator) sa mga pamana sa akin.
Medyo sinisipag ako at pati ang lumang bag kung saan nakalagay ang lahat ng "personal stuff" ko mula pa nung nag-aaral ako ay binulatlat ko at pinagtatapon na ang ilang wala namang significant sentimental value sa akin. Nag reminisce naman nung nakita ang mga grades ko kada trimester nung nasa kolehiyo palang ako. Mga cheats na nasa papel pa nun nakalagay at talagang personally nai-compile ko naman ang mga iyon nung mga panahong napaka-mahal ng Internet (50-100/hr pa siya nung pagsisimula pa ng Net era). Eh hindi naman kasi kumpleto ang EGM (Electronic Gaming Monthly) kaya dun kami nag-rerely. Most mga cheatcodes dahil may GameShark ang inyong lingkod. Then ang Ragnarok Online prepaid game cards, nabawasan na nga siya at dati talo pa ang prepaid load para sa cellphone sa dami.
Mukhang nainggit ata sina Papa at sa kanyang part naman, sinumulan niyang ayusin ang interior ng mountain bike para magamit naman iyon. At pagkatapos naman ay inayos at nilinis nila ang tindahan. Lalo na ang mga gamit malapit sa drum. Nilipat ito at nilagay sa dulo ang depektibong ref namin at naglinis ng mga kalat. Pati na rin ang Sto. Nino sa taas ng tindahan ay pinalitan ng cover dahil maraming alikabok na. Hindi na ako nakatulong pa dahil hapon rin at may pasok pa. Nakakatuwa lang isipin na kaya naman pala pag lahat gumagawa, kelangan pang may magsimula para malinis ang bahay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Klining Awt
Post a Comment