Ang daya mo!

"Pero ang daya mo. Hindi ka man lang nagsabi. Wala ka man lang pinagkatiwalaan."

Ang hilig mo manggulat. Gusto kitang intindihin. Ang dahilan ng pananahimik mo pero nahihirapan ako. Siguro, hindi ka naman sasagot kung tatanungin kita. Ipipilit mo na hindi ka maiintindihan dahil magkaiba tayo ng daan na nilalakbay. Pero sana binigyan mo kami ng pagkakataon na pakinggan ka. Narito kaming lahat. Hinahanap ka ng mga pamangkin mo. Buo na naman ang angkan.

"Wala na siya"


-----------------------------------
Namatay si insan sa edad na 26 sa sakit na Leukemia. Biglaan ang pangyayari dahil walang nakakaalam ng kanyang karamdaman. Saan man siya ngayon, nawa'y maging mapayapa ang kanyang paglalakbay. Nakakalungkot isipin na nagkakaroon lang ng malaking pagtitipon sa panahon na may aalis. Paalam, Insan!"
-Maligayang Paglalakbay, Dan's MoronMe


Dan,

Parang inulit mo lang ang ginawa mo sa pinsan mo. Pero this time ako naman ang sasambit ng mga salitang ibinigkas mo noong panahon sinusulat mo ito. Ang daya mo.

2 Reaction(s) :: Ang daya mo!

  1. :(

    kadaya talaga nito.

  2. madaya talaga siya