"Mahigit 3 buwan na din pala tayong magkaibigan. Masaya ka ba na nagkakilala tayo? Ako kasi sobrang masaya. Paano nagkaroon ako ng pagkakataong maging totoo sa sarili ko at saka ang dami kong natutunan sa'yo. Nagkaroon din ako ng mga kakulitan dahil sa'yo. Pero lam mo, minsan nahihiya pa rin ako. Ganun talaga siguro, hindi ko masasabi lahat at alam ko na naiintindihan mo yun. Basta once a week, dadalawin kita. Ang bilis ng panahon ano? July na, kalahating taon. Tuloy napapaisip ako: Naging maayos ba ang unang anim na buwan ko? Pagbalik ko, pag-uusapan natin yan."
-Parekoy, Dan's MoronMe
"Di ba ang sabi mo, hindi naman mahalaga kung anong makikitang repleksyon. Dahil ang mga salamin ay dekorasyon lamang. Ang imahen na ipinapakita nito ay bahagi lamang ng iyong sarili...hindi ang iyong kabuuan..hindi ang iyong pagkatao. Pero bakit ngayon, muli kang nagpapaalipin at nabubulag sa iyong nakikita? Hanggat patuloy kang matatakot at maduduwag sa iyong imahen, hanggat patuloy kang magpapaalipin sa iyong sariling salamin... Hindi kakikitaan ng ngiti ang iyong mapupulang labi.. Kaya habang may panahon pa, basagin mo na ang sarili mong salamin. Dahil baka masugatan ka pa kapag ito ay winasak ng iba habang ikaw ay nanalamin. "
-Salamin, Dan's MoronMe
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
i miss him.
Yas Jayson
July 9, 2010 at 1:35 PMlahat tayo bunso, na-mimiss na agad siya, ganun siguro talaga. na lalo nating nakikita ang kahalagahan ng isang tao pag wala na siya sa piling natin.
Jinjiruks
July 9, 2010 at 7:56 PM