Ilang araw na ang lumilipas, apektado pa rin ako at malungkot sa nangyari kay Dan. Unang beses ko palang kasi ito mawalan ng isang kaibigan. Ganito pala ang pakiramdam, naiintindihan ko na ang pinagdaraanan ng ibang tao at maging sa mga napapanood ko sa mga pelikula. Dagdagan mo pa ng guilt ko na kung bakit ngayon ko lang nalaman ang nangyari sa kanya. Na hindi man lang ako nakadalaw sa hospital hanggang sa wake at cremation niya. So much to tell yet so little time. Kung alam ko lang na ganyan ang mangyayari sana we could spend more time with him at kahit papano napasaya siya sa pag-stay niya rito kasama kami.
Naiisip ko siya sa tuwing napapatingin ako sa kalangitan tuwing umaga pag nakasakay ako sa bus pauwi na mula sa trabaho. Kinukumusta siya kung Ok lang ba siya dyan at kung gaano siya kasaya siya ngayon sa taas. Na sana bantayan niya kami palagi at wag kalilimutan kasi ganun din kami sa kanya. Kahit sa maiksing panahon na pagkakakilanlan natin marami akong natutunan sa iyo at humahanga sa iyong sakripisyo at pagmamahal sa pamilya mo, na handa mong ipagpalit ang sarili mong kaligayahan para lang guminhawa at mapasaya ang pamilya't kaibigan mo. Saludo ako sa iyo Dan. Mawala ka man dito sa lupa pero ang iniwan mong alaala ay mananatili sa puso't isipan namin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Klatch
Post a Comment