Imbes na nakaalis na ako ng 5am, 30 minutes na ako nakaalis sa office at gahol na ako dahil may usapan pa kami ni Jay na magkikita sa MRT Cubao at hahabol na si Christian at Jayson. Hindi na ako nag-antay pa ng jeep at nag-bus na ako para mabilis. Alas-6 na ng umaga nang makasakay ako sa MRT sa Guadalupe, mula sa paglalakad at pagtakbo. Pagdating sa Cubao, nakita ko nalang si Jay na nakasimangot dahil isang oras na siyang nag-aantay sa akin.
Sobrang init ng panahon kahit umaga palang, pawisan na ako habang naglalakad sa kahabaan ng footbridge sa Aurora intersection. Hanggang sa makarating kami sa Victory Liner. Hingal at tagaktak ang pawis ko na parang tumakbo ng ilang lap. Halos sabay-sabay lang nakarating sina Marc, Christian at Jayson sa terminal. Nakakahiya talaga dahil parang basang-sisiw ako sa terminal. Pumili at nagbayad ng ticket, buti naman at nakahabol pa sa alas-7 na biyahe.
Pumuwesto na kami at nag-antay nalang ng pag-alis ng bus. Bandang 7.10am nang umalis sa terminal ang bus pa-norteng ruta. Bumili na kami ng makakain at inumin. Nakakatuwa tingnan ang mga first timers sa Baguio. Lalo na nang paakyat na ang sasakyan at namalas nila ang foggy environment sa Baguio. Gaya ng inaasahan halos ala-una na nang makarating kami. Napahiya pa nga ako nang dagliang bumaba dahil akala namin eh iyon na ang lugar na kikitain kami ni Yanah.
Kaunting kwentuhan at tawanan nang nagkita kami ni Mami. Ilang buwan rin mula nang bumaba siya para asikasuhin ang papeles niya papuntang Canada. Though pababa ang subdivision nila, parang nasa Forbes Park ka sa ganda ng mga bahay dito. Dahil nde kami pwede sa kanila eh dun kami sa transient haus na pinapaupahan nila kami lalagi ng mga ilang araw. Inayos agad namin ang mahihigaan hanggang sa nakatulog sa haba ng biyahe.
parang Bahay ni Kuya lang sa Baguio
0 Reaction(s) :: Baguio Reloaded - Day1
Post a Comment