kapal ng fog na bumabalot sa buong village
zero visibility, parang nasa Silent Hill lang ako
to the unknown..
Ginala sina Jay, Jayson at Christian sa pinakabayan ng Baguio. Kumain sa pamosong Good Taste resto. Kaunting tawanan at kwentuhan at pa-picture. Napuntahan rin ang Mine's View park, The Mansion, Wright Park, Burnham Park at Botanical garden. As usual mga cam whore kong mga tropa, hindi maawat. Siguro naka-200 na picture sila sa araw na iyon.
gutom na ang tropa, yay! garlic buttered chicken ulit!
meteor garden, Baguio edition!
istorbo yang malaking ulo na yan sa view ng Mansion!
pose sa Baguio Cathedral
pahinga sa Wright park, kanina pa kasing lakad nang lakad
sa Botanical Garden..
Kinagabihan, napagpasyahan nilang mag-inuman at yayain si Mike na friend ni Yanah, kaunting videoke. Sumaglit at umalis din siya. Ako naman sa sobrang kahapuan ay napagpasyahan nang mauna na at matulog. Hindi na ako nakisama sa kanila dahil hindi naman ako nainom. Pero naalimpungatan lang ako at nakikinig sa usapan nila. Hanggang sa natapos na sila at pareho na kaming lahat na nahiga at natulog ulit.
0 Reaction(s) :: Baguio Reloaded - Day2
Post a Comment