Pinunantahan, namili at picture ulit sa Strawberry farm. Grabe ang mahal ng strawberry dahil na nga sa off-season siya, ang dating nabibili lang ng mga 35-40/kilo ngayon, umaabot na sa 300-400/kilo. Kawawa naman si Jay, gustong makatikim ng strawberry pero alanganin kaya pikit-mata nalang siyang bumili ng isang box na worth 100 (na 70 lang sa palengke). Bago magtanghalian, nakabalik na kami sa Burnham, kumain saglit then sumakay na papuntang PMA.
Strikto masyado ang bantay sa labas nang huling nagpunta kami ni Marc dito, hindi pa rin nagbago hanggang ngayon. Nag surrender ng ID at gusto pang bawat isa kami eh hindi nakapagdala ang iba dahil alam namin na isa lang eh pwede na. Nagsimula lang mag-init ang camera kaka-flash sa mga kasama kong cam-whore. Hanggang sa military relics gaya ng tangke at hindi pinatos. Halos mag-alas 2 na kaya napagpasyahang umuwi na matapos makarating sa picnic area. Grabe ang sarap talaga ng enviroment sa PMA. Tahimik at sariwa ang hangin. Pagdating naman sa bahay, dumating si Yanah at pinilit kami na ipagpabukas na ang paguwi namin pabalik sa Maynila.
loob ng isang relic tank, sad na vandalized na masyado!
war tanks na ginamit noong world war II
mga cam whore pose agad sa entrance ng PMA
pahinga sa picnic area, sarap ng hangin
Matapos ang ilang pilitan moments, napapayag niya din ang mga ito. Sa pagod, nakatulog maghapon at sa lamig na rin ng panahon. Gabi na nang nagising, bumili ulit ng gagawing hapunan. Pagkatapos kumain, hinatid ulit si mami Yanah, gaya ng kinagabihan. Nakakatakot talaga dahil umaambon, madilim at daan.
Naalala na naman namin nang inabot na kami ng gabi sa dalampasigan ng Cabra at nilakad ang madilim na kalsada na kung anu-ano na ang pumapasok sa aming isipan, na saka lang namin na kakahatid lang sa burol ang isang taga-baryo nila at dun dumaan ang nitso papuntang sementeryo. Kaya naman seryoso at tahimik ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung anu man ang makita ko sa alanganing oras na iyon lalo na't nag-uuulan pa. Kaya ako na ang humawak ng ilawan para kumalat ang liwanag. Maluwalhati naman kaming nakabalik at wala namang nakitang kakaiba. Matapos ang ilang kwentuhan, we just called it a day. At maaga pa kami magiging kinabukasan.
0 Reaction(s) :: Baguio Reloaded - Day3
Post a Comment