MYXJJJ family (Jason, XT, Jay, Jin, MP, Mami Yanah)
Maagang nagising, alas-4 palang ng umaga, naghahanda na kami ng aming mga gamit. Kaso ang problema walang tubig. Naubos ang tubig mula sa tangke, at hapon pa ata ng araw na iyon ang deliver ng tubig. Kung alam lang namin na masasaid na ang tubig, naging matipid sana kami sa paggamit nito. Maaga pa nun at tulog pa ang caretaker ng bahay. Kaya naman minabuti nalang namin na magpunas nalang at magbihis na kaagad. Kaunting pabango lang at ayos na.
Bago umalis, ginising na namin sina ate at nagpasalamat sa ilang araw na pagtira namin sa kanila. Pagpasensyahan na ang kaingayan namin at tawanan. Pagubos na rin sa tubig sa tangke nila at muntik nang sumabog na gas tank. Na-miss ko din ang pinapakain kong aso na nagaabang sa pintuan para antayin ang maibibigay kong pagkain sa kanya.
Hinatid kami bandang taas ni Mami bago nagpaalam dito at nangakong babalik ulit pag may pagkakataon and this time syempre sa Sagada na kami this summer. Malas lang namin at sarado pa ang Dagupan bus, maski ang Genesis eh nakaalis na daw ang biyaheng Cubao, at nasa kabilang terminal naman ang Cubao station ng Victory kaya naman sumakay ulit kami ng Taxi at dun na bumaba.
Nakatulog sa daan at ipinagpahinga nalang dahil may pasok pa ang karamihan sa amin mamayang gabi. Sa Cubao kami bababa ni Marc, si Jay at Jayson naman eh sa Ayala at si pareng Christian sa Pasay naman. Tanghali na at sobrang init nang bumama kami sa bus. Naghiwalay kami ng landas ni Mark dahil pa EDSA siya at biyaheng pa Aurora naman ako. Nanibago sa sobrang init na klima, mga ala-una na nakarating sa amin. Biglang tutok sa electric fan at sabay pahinga. Kaunting kwentuhan, nagpalipas ng oras bago naggayak para pumasok.
Sa work, nilagay na sa bag ang mga naiwang gamit noon Biyernes. Dahil sa walang tulog, eto inaantok at ilang beses nang nahuli na napapapikit. Hehe! Back to normal life ika nga. Ang saya ng bonding. Kung pwede lang nga ulit-ulitin ko ito hindi ako magsasawa. Naramdaman ko tunay na kasiyahan pag kasama sila. Walang plastikan. Simpleng totoo lang. Von Voyage nga pala kay Jason na aalis na sa bansa mga ilang araw nalang at sa susunod na taon pa ang balik.
0 Reaction(s) :: Baguio Reloaded - Day4
Post a Comment