After work (Saturday morning), dali-daling umuwi sa amin. Pahinga lang nang kaunti then bago mag tanghali, umalis na ng haus para kitain si Jay, MP at Kuya Leon sa G4. Naunang dumating si Jay then MP. Nag-text si kuya Leon na sa harapan ng Glorietta na kami kitain. Dumaan muna ako sa foodcourt kung saan kikitain ko sina Jay at MP. Then meet si Kuya Leon bandang Ascott.
Sakay ng chedeng ni kuya, tinahak ang Robinsons Ermita. Makulimlim pero buti nalang at hindi natuloy. Inantay si XT sa mall. Tingin sandali ng phones and desktop PCs. Kumain sa Shakeys, though lagi akong dumadaan sa ganitong fastfood, first time kong kumain dito. Daming applicant sa labas. After kumain, paalam na si Kuya Leon dahil meron pa siyang aasikasuhin. Bait talaga ni Kuya Leon.
Bago umalis sa Rob Ermita, tumigin muna ng Lenovo desktop PCs para may idea ako kung ano ang pag-iipunan ko. Naglakad nalang papuntang Baywalk. Hindi na ako nagulat sa dami ng basura pero nagulat ako at nagkaroon ng buhangin sa area na puro bato lang dati. Biglang napag-isip habang tinititigan ang alon ng dagat. Dumaan sa US Embassy na ang laki-laki na ng sakop niya.
Hanggang sa makarating sa pagdarausan ng Milo Marathon kinabukasan. Kaunting pa-picture at dalaw sa runner's area. Excited na kami para bukas. Kumain saglit sa Mang Inasal para hindi na kina XT kumain. Dumating kina XT bandang 9pm. Ok din ang room niya, daming koleksyon. After ilatag ang mga gamit, nag-net kaunti sa kanyang laptop. Then naligo bago humiga, pahinga at matuloy. Tomorrow will be a big day for us. First time namin sumali sa ganitong marathon kaya excited. Hanggangs sa muli!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Bisita kina XT
Post a Comment