Patuloy na dumadami ang mga participants habang naguumaga. Merong matatanda, bata, mag syota, barkada, pamilya.. All under one cause, to give a pair of shoes for the children and at the same time promotes camaraderie and bonding with your friends and loved ones. Tama lang ang tema this year.. "Kaya mo yan!", na nagpapa-motivate sa amin na tumakbo.
Then at the gunsignal from Mayor Lim, nagsimula na kaming tumakbo, sa simula palakad-lakad lang then finally nung nagkaroon ng space saka kami nagsimula mag-jogging and eventually tumakbo na talaga just like the other guys. Kakatuwa na nakakasabay mo ang maraming tao sa ganitong event, it's actually our first time kaya please bear with us kung hindi kami masyado nakaka-catchup sa leader of the pack. Wala kasing practice kaya sa simula palang ayun hingal na hingal.
Merong mga water stations and even Gatorade kaya sinamantalaga namin iyon. Patigil-tigil minsan para antayin ang mga kasama. Sana nga lang makahabol kami sa 1hr quota designated for the 5k fun run. Ok naman ang pagbabantay ng mga marshalls, iyon nga lang marami pa rin ang nandadaya sa karera at sumasampa sa kabilang lane. Sana next time hindi ganito. Pag U-turn namin, kumuha ulit ng drinking water kinuha ang race ribbon.
Nakasabay pa namin ang AirForce runner kaya may running chant sila para hindi mapagod ang ibang runner, sumabay kami sa kanila. Ilang minuto pa ang lumipas, malapit na kami sa Finish line sa Quirino Grandstand, grabe ang hingal na namin. Hindi kasi sanay tumakbo nang ganito kalayo. Kahit ako na every weekend nag jogging sa school oval namin eh malapit nang sumuko and trying hard to catch our breath. Then ilang meters na lang at finish line na, so inubos ko na lahat at tinodo ko na sa huling run to the finish line. We managed to stay beyond the designated cut-off at nakarating nang sabay-sabay around 52 minutes with seconds interval for the four of us.
We grab our certificates, binigay ang race barcode na nasa bib sa organizers na nag-aantay sa finish line and nagpahinga na along with other runners. Grabeng pagod pero masaya. Hindi na muna namin dinala ang phone/digicam dahil as expected, nagkaroon nga ng aberya sa baggage counter bout nawawalang mga gamit at yung iba ay inapak-apakan lang, though me pinatago kami pero it's just the race kit sa envelope. After a couple of minutes pa-picture mode na kami sa loob ng runner's area sa Grandstand. Umuwi bago mag 10am, sakit ng hita at paa. Pero Ok lang, kaya pa naman.
After mag refresh sa haus nina XT, we decided na mag-lunch muna at Karate Kid sa Robinsons Manila, nakita pa namin sina Jayson dun kasama si Rubi. We parted ways pagkatapos kumain. Si XT eh magpapahinga nasa kanila tutal nilalakad lang niya ito. Sabay pa kaming nag-LRT na tatlo, humiwalay na si Jay pagbaba ng LRT-EDSA. Kami ni MP sabay sa MRT, bumama siya sa Boni then ako naman sa Quezon Avenue. Tanghali na nang umuwi ako sa amin. Ka-text ko ung isang friend ko and sinabi nga niya na nakita nga sila sa TV ang marathon maski sa bahay, naabutan ko pa ang balita.
Ayaw pa nilang maniwala sa bahay na sumali ako sa marathon kaya naman inuwi ko ang race bib at singlet ko kaya napa-oo nalang sila. After mga ilang minuto, nakatulog na rin ako at gabi na nagising ulit. Thanks Milo for the experience. Makakaasa kang andun ako sa 35th edition niyo and this time handa na kami and we might even try the 10k challenge.
the 5k route map
posing with our race certificates
napagod sa pagtakbo
sana nga lang may laman ito
with the running shoes mascots
sa Kilometer Zero at the start area
seryoso ah, asan na ang soccer ball
jay, xt, jin and mp, job well done!
0 Reaction(s) :: Teh 34th Milo National Marathon [kaya mo yan..]
Post a Comment