Philippine Ragnarok Online. Ito pinakaunang online game na nilaro ko. Hanggang ngayon nakatago pa rin sa bag ko ang mga old game prepaid cards lalo na ang LevelUp card before the actual Ragnarok designs. Nabuyo ako ni Rene na maglaro nitong game na ito habang nasa kolehiyo pa ako. Playstation era pa kaya nagdadalawang isip ako kung tutuloy ko ba ang PC gaming lalo na't heto after ng Beta play eh may charge na aside pa sa PC rental sa netcafe na pinaglalaruan namin. Gusto ko mag Wizard kasi dati palang iyon na gusto ko fast kill at less physical. Di naglaon, umabot na sa post-beta at may charge na, naka-ilang cards din ako nun, umabot lang ng lv.69 ang character ko, while may hunter pa ako sa ibang server. Marami akong memories sa game na ito dahil kinarir ko ito mula kolehiyo hanggang sa maka-graduate ako. Game Status: MMORPG/Active/Current-Episode XXI, Account: Purged/Inactive/Retired.
Gunbound. Kasabayan lang ng Ragnarok mga ilang months later ang game na ito. If your a Scorch Earth fan, makakarelate ka sa game na ito along with Worms sa Playstation. Typical terrain based strategy game wherein you'll gonna play as a tank obliterating the opponents on your path. Bigfoot Jr. ang palagi kong tank, imbes na direct hit eh binabaon ko ang kalaban immobilizing them hanggang sa hulugan nalang ng bomb hanggang sa ma-deds. Hehe! Parang immigrant ang account ko na palipat lipat, kinuha ng Mobius mula sa Softnyx then iniwan na naman nila. Hanggang sa hindi ko na na-update ang account ko at tuluyan na siyang nawala. Last rank ko, double silver hammer. Not bad eh! Game Status: Strategy/Local-Inactive, International-Season 2, Account: Unable to migrate the account/Purged.
Khan Online Philippines. Actually accident lang ang pagkakakilala ko sa game na ito. Habang nasa World Trade Center sa Pasay City kami for the launch of Ragnarok's Episode V: Juno, merong booth ang Khan online dun, so might as well try it. Hula ko nga mga GMs ang andun, sana kinilala ko muna sila. Sa simula hesitant ako dahil nga may character na ako sa Ragnarok at ayoko ng maraming gastos. Pero nabuyo parin ako na maglaro since they're boasting na this is the first 3-D MMORPG game sa local market. Memorable sa akin ito dahil marami akong nakilalang kaibigan dito, iba ang community niya compared sa Ragnarok, mas madalas na magdaldalan kami habang nagpapa-level at damakmak ang mga events (Lucky Rasp anyone?), inaabot na nga ako ng umaga sa magdamagang paglalaro nito kahit post-beta na siya. And again Sorcerer ang class ko dito, damage wise at in-demand din sa party. Me chance rin ako makapunta sa Gamer's EB nito sa Greenhills. Kagaya ng ibang game, pag natigil ang pagdedevelop ng patch nito sabay na rin ang pagbagsak nito. Nakaka-miss ang gaming community nito, lalo na sa KhanPowerBoards ang pagspam namin ni necron. Game Status: MMORPG/Local-Inactive/Thailand-Active. Account: Purged
Tantra Online. Though hindi ganun katagal ang gaming exprience ko sa Tantra. Gameplay/Graphics wise, masasabi kong may edge ito over Khan na competitor nung panahon na iyon. Malawak ang area nito compared sa Khan, well defined ang mga areas at class. Deva or the male sorcerer's class ulit ang napili ko. Magastos lang ang game na ito at kelangan mag grind ka talaga para makabili ng mga in-game items. Meron mga hack issues ito at nagpapamigay ng mga GM stuff kaya na rollback siya for a couple of days. Kaya mula nun nawala na rin ang drive ko sa game na ito. Promising sana siya at mahirap talaga siyang solohin compared pag may guild ka. Kaunti lang mga nakilala ko dito at nagkaroon pa ng issue ito nang mag-post ako sa boards nila about saying goodbye to Tantra and hello to Granado Espada na bagong game ng Hanbitsoft nun. Game Status: MMORPG/Active/Server Manas unavailable. Account: Retired/possible Purged.
Maple Story. Hindi ko siya nilalaro nang madalas. Usually pag bored lang talaga at gusto balikan. Ok ang game na ito. Cartoony nga lang siya. Ang kulit ng environment at buhay na buhay ang market nito (tambay ako sa Basil Market). Though walang local server siya, hindi naman siya laggy dahil maraming rooms siya at hindi napupuno ang ibang channel. Syempre Mage na naman ang player ko. Kukulit ng mga mini-quest niya. Hindi ko lang ma gets talaga ang circuit quest niya at nangangapa pa ako sa mga boss fights. Bagal magpa-level unless may group ka. Kahit delikado sa high leveled area hahanap ako ng spot para pa-level. Game Status: MMORPG/Active/Maple NorthAmerica. Account: Active/Semi-retired.
Cabal Online. After a couple of months sa pagsesemi-retire sa paglalaro. Nagbalik ako para maglaro ng Cabal Online. Si Rene ulit as usual ang nagbuyo na naman sa akin. Full 3D Environment ang promise niya. Maiba naman at Force Archer ang nilaro ko, kasawa na ang puro mage pero heto long range pa rin naman. Kagaya ng Ragnarok, kinarir ko ang game na ito up to the point na bored na naman ako dahil kagaya ng ibang Korean-based games, puro grind lang ang ginagawa at walang gaanong quest na nakakatulong or brought some zest sa game. First time kong bumili ng premium item dito gaya ng pet etc. Nakasama ko pa dito sa Aryeh, college classmate na dahil dito eh umabot sa pagkakasiraan namin hanggang sa unti-unting bumalik ang pagkakaibigan. Gulat nalang ako nang na delete ang account ko, wala akong sinisisi dahil pinamigay ko na naman ang account na ito sa guild. Hindi ko lang sure kung na-purged o intentional ang pagkakabura ng character ko. Sayang iyon at halos lv.120+ na rin. Game Status: MMORPG/Active/ Current-Secrets of Radiant Hall. Account: Purged/Deleted.
Pirate King Online. Sandali ko lang nilaro ito. Mga ilang buwan lang kasabay ng Gunbound. Sa simula akala ko maganda pero habang tumatagal. Nauumay ako dito. Explorer ang class ko, using Coral as Energy sa mga skills. Siguro sa impluwensya ng OnePiece kaya nagoyo ako maglaro nito. Hanggang lv.20+ lang ako nito at tinigilan ko na rin ang paglalaro. Singapore ang server niya, paminsan-minsan lag, pero Ok naman generally. Sa mga mahihilig sa mga chibi type na games recommended ito kagaya ng Rose Online. Hindi ko na ma-access ang account ko dahil hindi ko na alam ang PIN number niya. Huhu! Pero palagay ko i won't bother going back to this game na rin naman. Game Status: MMORPG/Active-Singapore based. Account: Unknown.
Angels Online. Si Angelo at ang supervisor ko dati ang nagyaya sa akin na maglaro ng Angels online, kagaya ng Rose at ng Pirate King Online, chibi rin ang game na ito. Ilang weeks ko lang siya nilaro then give-up na ako dahil kaunti lang kakilala ko, less interaction sa ibang players (International lang kasi that time at hindi localized). Though pasalamat ako kay Sir Floren sa pag build nang kaunti sa character ko pero eventually hindi ko talaga siya nagustuhan kaya itinigil ko na siya. Hindi ko na rin alam ang account info sa game na ito. Game Status: MMORPG/Active. Account: Unknown.
Final Fantasy Online. Wala talaga akong account dito. Part siya ng trabaho ko as a Powerleveller nung nasa GamePal pa ako (sigh, those were the Days). Unlike ngayon, medyo hindi pa ganun ka smooth ang graphics engine ng game na ito. Pati na rin ang movement eh parang less gravity mode. Hindi pabor na mag solo sa game na ito dahil once pagtuntong mo sa Level10 eh kelangan makisali ka na sa grupo. Dahil once na hindi mo kinaya ang mga kalaban eh susundan ka nito hanggang sa home city mo which is kinda odd na dapat eh restricted siya dun sa labas lang. Hindi ka titigilan hanggat hindi ka namamatay. Iyon ang panget sa game na ito that time. Hindi rin malinaw ang mga quest, magulo ang pinaka-inn area mo, auction system worse. Pero well defined ang quest at talagang may progress ka sa story mode niya. Played as a Dragoon sa Alexander server kahit papano na enjoy ko rin naman ang game na ito. Though super bagal talaga niya laruin literally. Game Status: MMORPG/Active/Current - Wings of the Goddess. Account: N/A
World of Warcraft. One of the best MMORPG in the world. Hindi ka mabo-bored sa game na ito. Hindi puro hack and slash thing gaya ng mga Korean games. US based siya gawa ng Blizzard. Aside sa maraming class na pagpipilian per race marami siyang quest at lugar na ma-eexplore. Over 12million players worldwide. 220+ US servers. San ka pa? Wala nga lang local server siya at kadalasan sa US nakiki-connect ang mga Pinoy (lalo na sa Bonechewer server kung san maraming Pinoy naglalaro), kagaya ng FF Online, part rin ito ng trabaho ko sa GamePal. Masyado lang siyang mahal at account ang binibili mo dito aside pa sa monthly subscription rates to maintain the site. Since wala pa ako ganun kadaming resources para maglaro sa live server, nag-resort na lang po ako sa private server at sa ngayon semi-retire mula nang magsara ang shop ng friend kong si Angelo. Tauren Druid ang character ko. Kinakarir ko talaga ang build nito, tumitingin pa ako sa mga builds ng ibang player kung anu ang maganda. Siguro pag tapos na ako sa aking mga obligasyon saka na ako makakapaglaro nito Live. Game Status: MMORPG/Active/Current-Wrath of the Lich King/Soon-Cataclysm. Account: N/A/Private Server only.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Jinji's Online Gaming Portfolio
Post a Comment