Friday morning, nagkaroon ako ng pagkakataon na makadaupang palad ang mga ka-batch kong officemates. Na miss ko ang pang-umaga, lalo na ang biruan at tawanan during deadtime kagaya ng alas-dos ng hapon. Yung tipong game sa biruan ang bawat isa.
Isa na rito si Diane aka Balat. Wag nang tanungin kung bakit balat, hehe! Siya ang katambal ko sa kalakohan tuwing umaga hanggang sa paguwi namin. Lagi kasi kaming nali-link sa isa't-isa nung kapanahunan na iyon. Lagi kaming tinutukso. Mabuti nga at game rin itong si Diana at sinasakyan rin. Nagtitirahan kami sa tuksuhan lalo nat Balat at Panot ang tawagan namin. Wala lang sa kanya kung binu-bully na siya at pagsasabihan ng kung ano. Kaya naman ang saya-saya ng team lalo na't gagatungan pa ng ibang kasama namin.
Mabait si Diane at hindi pikunin. Madaling mapatawa at minsan gullible masyado. Kagaya ko nagiging maingay lang siya pag may katabi o may kausapan. Madalas kami pa ang pasimuno sa mga kalakohan, hanggang sa sumakit sa tiyan kakatawa ang mga kasama namin at pati na rin ako. Kapal muks din ito, pero laging positive, lagi niyang sinasabi na ubod siya ng ganda, model ang katawan at prinsesa at pantasya ng mga kalalakihan. Haha! Lagi niya sinasabi fling lang niya mga lalaki niya (pati na ang current boyfriend niya) at sinasabi katawan lang daw ang makukuha namin pero ang puso niya hindi. Hehe!
Na-miss ko talaga siya nang magkausap kami at magkabiruan nung Biyernes, parang nanariwa ang nakaraan at nabuhay ang mga masasayang sandali. Sa gabi kasi kadalasan tahimik ang palagid na parang sementeryo, manaka-naka lang ang tawanan. Kaya seryoso at focus mode ako. Hayz, mami-miss ko ang aking prinsesa. Hehe! Kita-kitz sa kasal.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: missin my Balat princess
Post a Comment