apat lang kaming nagpunta sa engrandeng reunion
Though Ok lang naman, sayang lang kasi ang pagkakataon at magiging busy na ang lahat sa November to December sa mga Christmas at Yearend parties. Mahirap mag-organize at hindi ako umaasa na magkakaroon pa nito sa ilang mga taon kung sila sila mismo ayaw pumunta dito. Kung sino nalang ang makakasama at walang pilitan ang palagiang theme.
Ako, si Nap, Tina at Marlyn lang ang nagkausap-usap at reminisnce sa mga past events and experience namin sa kumpanya nina Oso at Mocha, pero sa totoo lang kahit strikto at medyo tinitipid nila ang empleyado nila. Masaya kami at walang kakikitaan ng inis at inggit sa bawat isa. Parang magkakapatid na kami rito at though kung meron mang kaunting tampuhan, nareresolve agad siya and at the end of the end, balik ulit ang tawanan ng grupo. Masaya kaming nagkakainan pag lunchtime, mga kwentuhan at asaran habang nasa work. Basta sa ngayon, hindi matutumbasan ang experience ko sa Intelligraph.
Napagusapan rin na ang susunod na meetups sa mga free eh sa Caramoan Island sa bandang Naga. Ginanap dati ang Survivor Sweden at yung Next Survivor US ata. Super ganda daw dun sabi ni Tina dahil last September lang eh andun sila. Malalapit lang ang mga isla at pwedeng lakarin daw pag low tide na lalo. Nakakatuwa naman kasi gusto naming i pattern sa said reality show at mag-aala survivor talaga kami. Kelangan paghandaan ito dahil hindi basta biro ang budget para dito at mag file na ng leave next year. Kanina lang sabi ng friend ko na imbes na Penafrancia ang sakyan eh mag Raymond Bus daw kami dahil merong diretsong byahe na doon. Either January or March ang plano namin depende parin sa itatagal ng taping ng Survivor US.
Umalis na kami sa Chef D Angelo by 10.30pm dahil malayo pa ang byahe namin. Ok naman ang food dun kaso masyadong maasim dahil na rin siguro sa kamatis at Italian style nga talaga. Sina Tina at Marlyn dumaan muna sa Shaw at si Nap nagpasundo sa parents niya. Buti at naabutan ko ang last trip sa terminal at ilang minuto pa eh bumiyahe na rin. Hindi ko na naabutan ang buong show ng Bottomline, kainis nga eh. Siguro panoorin ko nalang pag merong uploads na nito. Nakatulog rin ako agad dahil na rin sa pagod siguro. Kahit apat lang kami, enjoy naman kasi maraming past events ang naalala at napagusapan pa ang next trip.
Kinaumagahan naman, hindi na ako nakapag-jogging, kainis nga eh, baka bukas nalang siguro sa Undas mismo. Alas-9 na ako nagising, akala ko naman maaga rin magbubukas mga shop sa amin at take advantage ang weekend. Nag-antay lang ako sa wala hanggang sa tanghali at wala ring balita. Nitong hapon nalang ako nakapag-net. Kainis hindi ko alam kung laptop ba o DSLR ang bibilhin ko bilang gift sa sarili ko.
Katuwa naman ang mga dancing inmates na sumasayaw ng Sorry Sorry by Super Junior. Sir Rye kailangan kapag may team dance competition, eto ang sayawin natin at todo costume. Heto nga pala ang video dedicated sa supervisor kong Die Hard Super Junior Fan.
-Super Junior "Sorry, sorry" MTV
-Dancing Inmates version of Sorry, sorry!
may sorry2 din kami... nanalo nga yun sa school... hahaha
Anonymous
October 31, 2010 at 10:59 PMhaha. sampol sampol naman diyan!
Jinjiruks
November 1, 2010 at 10:55 AM