Alas-9 pa ng umaga ang appointment ko for passport renewal sa DFA-Aseana. Since hindi ko alam ang lugar kaya nagpasama naman ako kay XT. Though maraming directions ang nakalagay sa ibang website mas sigurado na pasama nalang ako sa taga-doon mismo. Kung bakit kasi nilipat pa ang location at hindi nalang sa Roxas Blvd at baguhin nalang ang process.
Masyadong alanganin ang lugar pero malapit lang siya sa MOA. Sumabay pa ang manaka-nakang pagulan, kaya naman badtrip talaga lalo na't hindi ko pa dala ang aking payong. Ok naman ang lugar, alangan lang nga lalo na't hindi siya friendly dahil makikipagpatintero kpa sa daan.
Naka-ilang daan kami ng gate pero me kanya kanyang purpose ang bawat gate. Mahigpit sa loob at hindi ka pinapapasok unless may appointment kang dala na mapapakita sa kanya. Minabuti na naming mag-antay sa labas at palipas ng oras. Habang nagpapabasa sa ulan, inalo nalang namin ang sarili sa pagtawag sa kakambal ni XT na si Brine.
Hanggang sa dumating na ang 8.30am at kailangan ko nang pumasok sa DFA. Mahaba ang pila, pero gumagalaw naman. Nagpa-verify ako ng appointment. Pinapasok na ako sa loob. Naka-categorize ang bawat lane. Per benchrow ang mga nagabang ma process or renew ang passport nila. Mabilis naman dahil wala pa ngang ilang minuto gumagalaw ang pila.
Wala akong dalang ballpen nun kaya naman nanghiram nalang ako kay tatay. Kinakabahan dahil yung supporting documents baka kailanganin at hindi pa naman ako kumpleto. Hanggang sa na check na ang documents ko, buti nalang at Ok naman siya. Pumunta sa step 2 sa cashier na. Nakakalito ang mga signs sa loob, parang tanga lang. Kung hindi mo babasahin talaga maliligaw ka.
Umakyat sa stairs, pumila for the payment, hiwalay pala ang bayad sa delivery. 950 pesos na ngayon ang E-Passbook, ang mahal na niya considering na dati eh 500 lang siya. Signs of times. Tsk tsk. Humingi ng number for Step 3 which is encoding na ng passport details. 1420 ang nakalagay sa stub ko at 1300 palang ang tinatawag. Naupo muna, sightseeing sa mga nag apply din ng passport. Iba't ibang tao, merong madre, merong callcenter agent, mga ex-OFW, merong dala ang kanilang mga baby.
Mabilis naman ang processing, mga 10 minutes lang time ko na, pero bago iyon merong gumagalang mga nagaalok ng delivery services kaya dito na ako nagbayad para hindi na ako bumalik pa dahil hassle nga sa akin. Mabilis naman ang encoding ng documents, pa picture, medyo tabingi. Kainis nga eh pero hayaan na natin. May biometrics din sila for left and right thumb. Wow asensado na talaga sila ngayon at nag improved na ang security nila sa passport.
After that, dumiretso na ako sa delivery area nila para confirm ang address na nilagay ko para mail nila ang passport thru LBC. After that tapos na ang process. Less than an hour lang ang na-consume ko. Masasabi kong big improvement ito at 2 thumbs up sa DFA. Kahit papano nawala na ang mahabang queues at wala nang fixer at personal na nag apply ang mga tao sa kanila. Sana nga lang kagaya ng sinabi ko kanina, maging friendly sila sa labas. Lalo na't alanganin ang lugar, wala man lang shade kapag umuulan. San pupuwesto ang mga kasama ng nag apply ng passport nasa labas lang nakatunganga, parang pila ng sa isang gameshow.
Within 20 days ang regular processing niya and 1 day naman after ang delivery. Sa wakas nakapag pa-renew na ako ng passport ko. Yipee!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
eh kuya pano mo naman nalaman na call center agents sila? may plakard? ahihihii
wow.. ang dali ng magkapassportngaun.. organize na organize.. which reminds me kailangan ko na din pala magrenew....
Trainer Y
October 1, 2010 at 11:56 PMeh lakas ng bunganga ng isa eh, puro yabang lang. sobrang kadaldalan, hindi alam lagpas na pala number niya, sobrang hangin peste.
honga eh. isipin mo 45 minutes lang tapos na agad. unlike before grabe ang tagal.
Jinjiruks
October 2, 2010 at 9:38 AM