Sunday morning. Jogging time. Kahit paputol-putol ang sleep ko kagabi at ilang beses rin nabitin ang mga ka-text ko sa pagrereply ko. Hehe. Pasensya naman. Hindi ko alam bakit hindi tuloy tuloy ang tulog ko, bandang ala-una akala ko nga eh umaga na, pasara palang pala ang tindahan.
Nakarating sa school oval by 5.30am. Madami nang nag jogging. Teh usual yung mga nakikita ko dun. Si Mang Floro at ang mga katoto niya na mga officer ng Montalban Joggers club. Kababata ko kasi mga anak niya at magkapitbahay lang kami nung nasa San Jose pa ako, kagaya na rin ni Mang Mar pero hindi kami ganun ka-close, kapitbahay naman siya ng tita ko dati.
Si manong na mataba, na same street lang nung nasa San Jose pa ako, yung lane ng mga mayayaman sa bandang south ng F. San Juan, katabi nina Mam Evangelista (retired teacher - Grade 6 teacher ko sa Filipino). Si kuya na maporma, kursunada ko ang brown jacket niya at yung signature na jersey shorts niya, buti pa siya may buhok ako wala. Huhu! Si kuya na may Bryant 24 sa shirt, naaalala ko pa dati yung dati nyang shorts na sobrang luwag na kailangan galaw-galawin pa niya ito, buti nga at napalitan na niya.
Si ate Mario red shirt with matching pink pants, this month ko lang napapansin siya, kasama siya sa Badminton club kasama ng mga red ladies. Yung 2 girl, hindi ko na napapansin every Sunday. Ano na kaya balita sa kanila. Yung mga beterano ng takbuhan, yung naka jersey ng 21k at 42k ng previous Milo marathon minsan sa highway ko pa nakikita. Yung bagets na, loose lagi ang shirt pag nag jogging at sobra ang stamina, hingal na ako ilang laps palang, siya sige pa rin.
Actually marami pa eh, kaso masyadong common sila para pansinin. Yung iba sa kanila, pensyonado na, mga matatanda na mag-couple, mga mag-pamilya. Hehe. Pasensya na kung marami akong napapansin, kagaya ko rin ang mga miron sa pader ng school na buong araw nanonood lang sa amin. Ewan ko anung trip nila.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Usual scene
Post a Comment