The Week that was

Puro adjustment ang theme ng week na ito. Adjust sa bagong pwesto, sa bagong kapitbahay, sa bagong ingay ng mga nasa research, at pagdalaw ng mga nagtatapon ng basura malapit sa area ko.

Simula nang magkaroon ng memo tungkol dyan sa pag browse ng mga sites na yan, napilitan nalang ako na mag browse either sa Google News, sa Weather Forecast, Latest Earthquakes thru USGS, Office of Presidential Affairs at NatGeo. Lahat na pakialaman wag lang ang pinagbabawal. Ang hirap hirap kasi, paguwi mo sarado pa ang mga shop at hindi ka makapag-update. Kung may nag comment ba sa latest entry mo, kung meron kang gustung isulat na hindi makapagaantay ng ibang araw. Mga ganung bagay.

Buti nalang at may OC, kahit papano naaliw ko ang sarili ko sa pagbebenta ng aking sarili sa ngalan ng pagpapatawa sa mga ka-officemate, sabihan ka na ng panot, matanda, manyak pero syempre gwapo naman at isa sa Eigenmann brothers, hindi na nawala ang usapang pagisip sa tampulan ng asaran ng team mates ko. Kung hindi ka sasakay sa issue at mapikon, ikaw ang talo. Ganun ang usapan namin, wag kang sasali kung alam mong hindi ka handa sa ka-okrayan ng mga babaeng kasama mo sa office.

Halos twice a week nalang akong mag-uupdate siguro sa blog, ayokong bumili ng taptap, kasi merong mas priority akong bibilhin kesa dyan (hello DSLR camera). Pero naka-schedule naman ang ibang post just in case na hindi makapag-update ako, pero syempre either music or funny post etc ang mailalagay ko. Hayz, ayoko ng ganito, hindi ko ma-express at the current moment ang nararamdaman ko at minsan nakakalimutan ko na siyang ilagay.

Kagaya nalang nung nainis ako nung isang araw. Maaga akong nagising, kainitan ng tanghali habang sa bahay, palipat-lipat ng channel 2 at 7. Umalis ako para subukang makapag-update ng blog pero tingnan mo ang nangyari, walang Internet connection lahat ng shop sa area namin. Nakailang ikot na ako, napawisan, napagod at nasunog ang balat all for nothing. Crap. So sinubukan kong matulog nalang pero hindi ako makatulog, kumanta nalang at sinabayan ang MP3 sa cellphone kahit sintunado, ganun talaga ang buhay, kelangan ilabas ko itong hidden talent na ito. Nyahaha. Na-stressed out si Mama kakakinig sa akin, at sinabing pumasok na ako para tumahimik ang bahay.

So far, kahit papano, kahit antok na talaga minsan dahil sa kulang sa tulog. Medyo Ok naman ako ngayon, merong mga paths na naka-open pa rin at binigyan ako ng ample time para makapag-isip kung susubukan ko ba siya or go sa alternate way or hiatus pa rin. Basta bahala na, ang daming pagbabagong mangyayari hindi lang sa office kundi sa sarili ko na rin at ang pakikipag-ugnayan ko sa iba. Hanggang sa muli.


And yeah, by the way, according to StatCounter.. this blog has been viewed..

100,000++ times

0 Reaction(s) :: The Week that was