Parang Ondoy

Kagabi nakaranas na naman kami ng tuloy tuloy na paguulan. Akala ko matatapos rin siya pero nang magsimulang umabot na sa interior ng gulong ang baha na syang indicator namin na papasukin na ang bahay namin.

Nataranta na naman mga tao sa bahay dahil signos na naman ng tag-ulan at puyatan na naman sa paglilimas ng tubig baha. Pag ganitong sitwasyon, aantayin muna namin matigil ang pagulan para nde magsayang ng energy sa paglilimas ng tubig, kaso halos 2 oras na eh walang patid pa rin ang paguulan.

Unti-unting pumasok na nga siya at umabot pa hanggang binti ang tubig baha. Mga pusakal sa bahay eh nakatingin lang habang pinapasok kami ng tubig at biglang umakyat sa mataas na lugar. Inabot hanggang madaling araw ang kapatid ko bago tuluyang natuyo ang sahig namin at sa wakas eh humupa na rin ang delubyo na dala ng bagyong si Bebeng.\

Senyales naba ito na tapos na ang tag-araw dahil sa pagpasok ng bagyo sa bansa. Malamig nga pero kawawa naman kami pag tuloy tuloy ang paguulan. Shet talaga.

4 Reaction(s) :: Parang Ondoy

  1. hay! kakatakot.

  2. ako naman kahapon galing ng laguna, mabuti nalang nasa edsa taft na ako nun traffic ang tindi, nag laguna lake tour kasi kami , sbi ng mga mangingisda, delikado na daw .. kaya di narin natuloy ang day tour , bumalik na kami ng maynila.. di ko alam malakas na rin pala ang ulan dito... anyway be safe...

  3. im glad na youre safe kuya..
    amisyuuu!

  4. thanks po sa mga nag message, sanay na kami sa ganito. nothing new. parang ondoy lang kasi sa taas ng tubig pero humupa rin bandang madaling araw.