Leap, leap

0 Reaction(s)
Katapusan na naman ng buwan, minsan lang sa 4 na taon ang araw na ito, bukas panibagong buwan na naman at kagaya ng dati hindi tayo nawawalan ng mga plano kagaya ng mga gala at iba pang aktibidad sa mga susunod na buwan..

-Kelangan magpatingin na ako sa ospital para sa aking paa, para malaman kung ano ba talaga ito bakit masyado siyang sensitive at kaunting apak lang sa matulis na bagay eh parang pako sa sakit, kaya naman nung nag cave connection kami eh todo ingat ako sa paglalakad na siyang kinabagal ko

-Hinay-hinay muna sa mga running events habang nasa consultation/pre-medication period ang aking paa, and open naman ako sa ibang outdoor activities like gala mode and hiking

-Need to upgrade na rin ang hiking/running gears whichever kung anong mauuna na isipin, marami pa kasing gastos kaya hindi ako makagalaw nang maayos at hindi ko alam kelan ako makakapag-upgrade, good luck nalang sa akin

-Sa work naman, no comment at open parin ako sa mga "paths" na inihanda ko sa aking sarili, mahirap na at kelangang manigurado, hirap ng situation na ganito kaya kelangan merong work life balance para hindi ko muna maisip ang mga ganyang bagay, bahala na si Batman ika nga

-Lovelife? Hehe, ano iyon, so far ilang months or years na nga na single pero happy naman kahit papano at walang iniisip masyado pero syempre hindi naman maiiwasan na malungkot at magisip ng makakasama sa buhay pero naniniwala naman ako na darating rin ang right person for me kaya eto antay lang at enjoy life to the fullest

-Sa temper naman kahit papano, pinipilit kong magbago and somewhat may improvement naman kahit kaunti, dati rati kasi mabilis maginit ang aking ulo at maiksi lang talaga ang aking pasensya, ngayon hinay at kalma kalma mode muna at hindi ko nalang pinapansin masyado mga bagay na nakakapag agitate or provoke sa akin pero minsan hindi mo talaga maiiwasan na umiksi ang pisi at maging emosyonal, kaya medyo iwas muna sa mga taong nakakapag provoke sa akin ng ganito

-Biyahe? Hmm. Marami akong nasa isip na puntahan, libutin at syempre ang walang kamatayang picture-picture na yan, goal ko nga eh makapag solo backpacking kaya ngayon pag may time todo research ako sa mga places na pwede puntahan, wala lang parang self-fulfillment din kasi at character improvement kapag natuto kang maging independent, pero syempre mas masaya parin pag kasama ang mga kaibigan mo at ma share mo sa kanila ang fun at thrill sa new places na pinupuntahan..

Iyon nalang muna at nag-open lang ako ng mga iniisip ko at mga plano sa buhay, pagpasensyahan na ang grammar kung merong mali man o hindi kasi type ko lang mga ideas na pumapasok sa aking isipian, hanggang sa muli. Happy Leap Year!

LSS: The Script - Breakeven

0 Reaction(s)


what am i supposed to do when the best part of me is always YOU.. :(

Jinjiruks turns 30 ^^;

2 Reaction(s)

Post-Sagada/Ifugao sidetrip

6 Reaction(s)
Feb. 26, Sunday

Maagang nag-breakfast, sarap ng tulog ko at hindi raw ako nag-hilik sabi ng mga kasama ko, hmm, pagod naman ako the whole day, siguro satisfied lang sa adventure kaya at peace. Prep and pack things sa pag-alis namin for our sidetrip sa Banaue.

Thanks Tita Dolor and Tito Irenius for your warm hospitality and accomodation. Fell in love with Sagada twice and i'm very sure na babalik ako dito next year to continue the Great Sagada adventure, marami pa akong hindi napupuntahan na area and magiging panata ko na ito na once a year makapunta rito.

 and specially kay Kuya Inug-Ay Busaing na naginjg guide namin for our 2-day Sagada adventure trip, hindi magiging awesome at super memorable ito kung wala sa pagtyatyaga, patience at local information mula kay Inug-ay, recommended SEGA (Sagada Environmental Guides Association) guide, next year or pag merong pagkakataon, aasahan ko po na kayo pa rin ang aming guide.

I SURVIVED SAGADA!

Sagada-Bontoc trip at around 8am, nag-antay pa kasi ng ample amount of passengers bago umalis, then from Bontoc, nauto naman kami agad na sumakay sa Van imbes na sa bus na nasa itenerary namin, Php150 ang fare, pero habang nasa loob eh maraming aberya ang nangyari at muntik na kaming hindi makapunta sa Banaue dahil parang nagkaproblema sa makina. Pero buti nalang at nakarating rin kami by noon sa target spot.

After lunch, nag-arkila na kami ng tricycle para puntahan ang mga viewpoints around Ifugao and Chango viewpoint ang isa sa mga ito, sayang nga lang at tapos na ang planting season kaya medyo brownish na ang terraces. :(

Aguian viewpoint, kung saan ung terraces sa Php1000 peso bill natin

"Spearfight" with an Igorot native

part of Banaue Rice Terraces, sorry naman ito nalang ang nakita kong may tanim hehe!

Maganda siguro pag kakatanim palang ng rice dito.

One of the Wooden scooter na inimbento sa Ifugao

Yuqi, one of the Chinese nationals we encountered during our trip to Banaue, hanga ako sa kanya at 21, kahit walang alam sa Pinas eh nagpunta pa rin siya at solo-backpacking mode, kakainggit, magagawa ko rin yan pag nakumpleto ko na mga gamit ko.

Left Banaue at 7pm, puro imported ang katabi sa bus, pero may amoy sila at hindi pa naliligo kaya hirap huminga hehe, buti nalang at medyo nawala-wala nung pumasok na ang ibang mga natives.Arrived at Manila around 4am in the morning and arrived Home at 7am. Maraming Salamat sa pagdamay sa akin Roy, Roger and Jun. Sana na-enjoy nyo ang Sagada/Banaue adventure natin. 'Till next time.

SAGAda adventure (Day 2)

0 Reaction(s)
Feb. 25, Saturday

Sarap ng tulog dahil super lamig pero may hot shower naman sa Inn kaya ok lang. Malakas daw ang hilik ko pero nakatulog naman ata sila. Breakfast sa mini resto sa baba ng Inn, pansit guisado and Hamsilog cooked by Tita Dolor. Kasabayan pa namin ang ibang tourist na Chinesde na kumain rin sa uest house, one of them was Kriscel Uy na dating employee ng company. Prep mode for the whole day adventure and 1st stop namin - Bomod-Ok Falls, supposedly sa Pongas kami pero si Inug-ay na guide namin na ang nagsabi na delikado ang route at merong ma area na matarik kaya napagpasyahan na mag Bomod-Ok nalang.

Sumakay sa Jeep mula town proper, 15 pesos fare to Bomod-ok. Ibang guide ang nagha-handle ng area na ito, NOSIGA. Nag-register muna then set expectations. Kumuha na rin kami ng bamboo as our trekking pole. Naki-join forces na rin kami sa ibang trekkers para makatipid, which eventually dwindle our expenses to 60 pesos nalang per head since 10 person kami na pupunta sa area na iyon.

Trek begins, on a sunny morning at 8am

Settlers near Bomod-ok

Planting season

With our guide, forgot to ask her name during the trek, pero kawawa naman si ate at lahat ng bottled water eh siya ang nagdala at panay ang request sa kanya for a group picture ng ibang trekkers.

Finally able to reach our destination, super ganda ng Bomod-ok falls, too bad nde ko feel ang maligo that time dahil alam kong napaka lamig ng tubig ngayon kaya inantay ko nalang silang matapos. Nakakapagod ang pagbalik dahil panay ang akyat niya, able to reach our basepoint around 12.15pm and hindi na namin naabutan ang 12nn trip pabalik sa town proper kaya nag-antay muna kami sa isang tindahan, getting to know each other then dumating rin ang jeep mga 12.45pm.

1st ko ring sumakay sa taas ng jeep, bonus na lalo ang scenery sa taas, green terraces, blue skies, everything is perfect here in Sagada, blessed by Nature!

After ng trek, lunch at Bana's

teh Cycle of Happiness

Bumalik sa George Inn after lunch, prep mode naman sa sightseeing tour for the afternoon, dinaanan namin yung Episcopal Church of St. Mary the Virgin, swerte dahil bukas siya unlike before na sarado at hindi ko nakunan ang looban niya, 90% of Sagadians were Anglicans dahil nauna ang mga misyonerong Amerikano na magpalaganap ng Anglisismo sa lugar na ito.

Echo Valley, maganda daw pumunta dito pag umaga, dahil malinaw ang alingawngaw niya dahil hindi masyado mahangin, ngayon ko lang ito napuntahan unlike before na hanggang view lang kami from afar.

Next, Underground River

Last, Bokong Falls, maganda rin daw pumunta rito pag umaga kung saan malinis pa ang tubig, blue green pa ang color niya, unlike pag dating ng hapon na muddy na siya since may nag-aararo sa taas ng falls kaya hindi maiiwasan na dumaan ang putik sa falls na ito.

Dinner at KimChi Resto, makikita ang influence ng Reggae music sa lahat ng mini bar dito sa Sagada.

SAGAda adventure (Day 1)

0 Reaction(s)
Feb. 24, Friday

Arrived at Baguio City at around 5am, nakaidlip nang kaunti sa Bus pero habang ini-enjoy ang free WiFi na minsan nakakakonekta sa tuwing tumitigil ang Bus sa mga stopovers. Sakay ng taxi headed to Dangwa Bus Station. Sarado pa ang ticketing office at mga 6am pa daw. Had breakfast at Good Taste Restaurant, famous for their generous servings of their specialty "Garlic Buttered Chicken", went to Lizardo Bus Line, sad nga lang at meron nang nauna sa amin na nagpa-booked at hindi kami naupo sa unahan, pero Ok lang at least nakahabol kami sa 1st trip.

Hindi kagaya ng dati ang setup ng Bus na kahit san pwede, numbered na rin siya at nagpasikip pa eh yung extra seats na nasa gitna. Iba't-ibang nationals ang kasama sa bus at French couple ang nakatabi ko, pero syempre hindi ko nalang siya pinansin at nag sight seeing nalang habang paalis ang bus at 6.45am. Nasa center isle kasi ako kaya hindi ko na rin nagawang kumuha ng pics, sobrang tagal ng byahe at ang sikip pa kaya hindi ako medyo kumportable lalo na't 6hours again ang byahe. Pikit at kwentuhan at tawanan ang ginagawa namin ni Jun na katabi ko para lang lumipas ang oras.

Around 12.15pm na nakarating sa Sagada, registered sa Municipal Hall, Php35 for environmental fee

Thanks again Sir JB for our reservation at George Guest House and super bait ni Tita Dolor na imbes na sa annex kami mag-stay eh sa Main kami pinapunta para na rin mas malapit kami sa Town proper.

Lunch at Salt and Pepper (Jun, Roy, Jin and Roger)

After lunch, prep muna sa George's then, nagaantay nasa amin ang guide namin na si kuya Inug-ay Busaing, 1st adventure namin, Lumiang-Sumaging cave connection

One of the few coffins na nasa entrance ng Cave, according to their culture, deathwish na nila kung saan nila  gusto malibing either dito sa Cave or sa public cemetery.

Unlike 2 years ago na Sumaging cave lang ang napuntahan ko, masyadong technical itong Lumiang cave and halos lahat ng daanan eh vertical descent ang kelangan gawin kaya sobrang challenge ito sa akin lalo na't hindi ako prepared sa ganito na kelangan i stretch mo talaga ang mga paa mo at gaya nga ni Jun literally magiging apat ang paa mo sa pagbaba sa cave.

Matapos ang ilang descent, ahaha! Super pagod at dumapa nalang.

Hindi maiiwasan lalo na't sa kweba na merong tubig sa lower part niya, optional naman siya sa mga spelunkers pero syempre dahil hindi naman palagi kaming pumapasok dito eh sinuong na rin namin ang mga ganitong "baha" and umabot pa ng hanggang chest ang water level sa cave kaya basang sisiw kaming lahat.

Picture-picture sa isa sa mga rock formations sa loob ng cave!

After more than 5 hours, finally - we survived teh Cave Connection, pagod, hirap, takot, anxious, halo-halo nang emotions ang naramdaman namin pero super awesome ng experience.

SAGAda adventure (Day 0)

0 Reaction(s)
Feb. 23 Thursday

After ng Wednesday shift, pahinga saglit then impake na ng mga gamit. Texted Abundio, Roger and Roy na  magkita nalang sa Victory Liner Cubao around 9pm.

Excited masyado at mga 8.30pm eh nasa Victory na at inaantay dumating ang mga kasama. Nagpa-book narin ng ticket and 10.45pm trip ang nakuha namin. Naunang dumating si Roger then Roy and last Abundio na nagpa high blood sa akin nang kaunti pero hindi naman niya fault dahil nde na niya natanggap ang mga SMS ko sa kanya na imbes na 11pm na trip eh mas maaga ang nakuha ko.

Around 10.30pm sumakay na ng bus for a 6 hour ride to Baguio City.

The Devil Inside

0 Reaction(s)

Wrong Way

0 Reaction(s)

Wagas!

0 Reaction(s)

Happy 4th Anniversary Recollex Wave 2!

0 Reaction(s)

On Moving.. [On]

0 Reaction(s)

Moving on is the next process. Acceptance is important to move on. Accept the fact that your other-half is not in your side anymore. Accept your mistakes and learn from it. It just takes time to move on and you feel empty and broken but you will used to it.
-What I've learned about love, Empoy's Kol Me Empi

One Week to Go!

2 Reaction(s)
Yay! Excited na ako sa aking pagbabalik sa isa sa mga pinakapayapang lugar at mararamdaman mong close and being One with Nature.. Sagada

nabitin kami last time dahil half circuit lang kami before, pero ngayon, "full" circuit  at kasado na!

time constraints din kaya nde kami nakapunta sa "Big" falls..



and kina Sir JV at Ms. Cristina, from PinoyExchange see you sa Sagada and hopefully ma-meet namin kayo..


PS Boys anu na?

0 Reaction(s)
Palagi nalang sina Michael, Cyril, Thomas at Rene ang nakakausap ko madalas, minsan naman sina Abundio at Emer pag may time sila, ano na balita sa inyo Angelo at Billy. Paramdam naman kayo. Wala nang nangyari sa ating plano na magkaroon ng reunion ulit. Anu bang balak nyo, kung saan at kailan. Gusto nyo ba sa HQ natin ulit at mag reminisce sa ruins ng shop nina Cyril. Hehe! Miss you guys!

Not your ordinary [Race]

0 Reaction(s)

I'm a Goblin!

0 Reaction(s)


took a test from World of Warcraft Personality Quiz.. tsk. tsk.

Natural breeding ground

0 Reaction(s)

Nayong Pilipino sidetrip

0 Reaction(s)