5am nang magising ako, medyo masakit pa nga ang katawan mula sa hike kahapon sa Tarak Ridge pero keri lang yan at ngayon naman eh merong naka sched na adventure kasama mga kababata at si Sir Cruz, mga bandang 6.30am nakarating na ako kina Angelo pero tulog parin siya, pinagising ko nalang at sinabihan na rin si Sir na tuloy kami ngayong umaga, dinaanan ko rin si Onik at nagpasama mula kay Jervin na hindi makakasama dahil may lakad daw siya. Umalis na kami bandang 8am na nang umaga at bumili muna ng kakailanganin kagaya ng hydration, trail foods at namili narin ng tanghalian sa bandang ibaba ng Wawa.
ang pagsisimula ng river trek pa Sitio Casili na kasunod ng Iligan bago mag Wawa kasama si Angelo, Onik at Sir Cruz
ang malawak na taniman ng talong habang tinatahak namin bawat Sitio
at nagsisimula nang maramdaman ang init ng panahon
hindi ko na rin mabilang ilang ilog ang tinahak namin na pakaliwa't kanan kami sa aming landas
ang mga nagkakalakal na pinapadaan sa pamamagitan ng gulong na nagsisilbing balsa sa mga paninda nila
napakaaliwas na tanawin, nakakaenganyo magpatuloy
pahinga muna sandali mula sa mahabang paglalakad
narating namin ang lugar na pinagpapahingahan ni Sir Cruz pag weekdays, nagprito at ihaw na rin kami ng isda, matapos higupin ang hitik sa sabaw ng buko, habang pinapanood ang mga bata na nagkakasayahan sa paglalaro ng football kung san naalala na naman namin ang aming kabataan na iyan rin ang aming nilalaro
dinaanan din namin ang lutuan ng ulingan, mabuti nalang at mga bulok na kahoy ang kanilang kinukuha at hindi yung kagaya ng iba na walang habas na pinuputol ang mga puno
pagala-gala lang ang baboy na ito
sarap maligo, kung marunong lang akong lumangoy, napaka payapa ng ilog
hitik ang ilog ng mga talangka na effortless lang na nahuhuli ng mga bata kaya nakakahiya sa amin
pagkakaiba ng tubig na mula sa Quezon (Tayabasan river) at sa San Mateo (Boso-Boso river) na kung saan nagsasanib sila para mabuo ang Wawa river
dinaanan namin ang iskuwelahan kung saan nagtuturo si Sir Cruz, kung saan apat lang ang silid-aralan, sana ay mapa-ayos ito at bigyan ng kaukulang pansin ng lokal na pamahalaan para marami ang makapag-aral na kabataan
mula sa Brigada Siete kung saan pinakita ang kalagayan ng mga estudyante sa Sitio Casili
mga 2.30pm na kami nagbalak na umuwi, matapos dumaan sa iskwelahan ay tinahak na namin ang daan pauwi, habang pauwi ay dinaanan muna namin ang mga kakilala ni Sir at malugod naming tinanggap ang mga saging na binigay nila sa amin, nakasabay rin namin ang ilang mountaineer na galing sa Istampang bato na ngayo'y sa Wawa dumaan para bumalik sa Manila, nakakapagod at halos half marathon na rin ang nalakad namin, pero sulit siya dahil bonding time ng magkakaibigan at paraan narin para mamalas at mahalin ang ating kalikasan, sana ay masundan pa ito at makasama narin ang iba ko pang mga kababata.
0 Reaction(s) :: River-trekking at Sitio Casili
Post a Comment