teh Fast and the Ferocious: Mt. Tarak Ridge adventure

Half day at work, prep up agad after magpaalam sa team. Will try to ride the 12.30am shuttle service of the company, buti nalang at nakahabol and nakasabay pa ang former teammate, panay ang sorry kay sir Ian at anung oras na rin kasi na supposedly 1am ang calltime na mga 1.30am narin ako nakarating sa Pasay Rotonda, hindi na rin ako nakabili ng hydration and trail foods dahil sa pagmamadali, mabuti nalang at naabutan pa namin ang bus bound to Mariveles, Bataan bago siya umalis sa terminal. Nakasabay rin ang ibang hikers nang dumaan sa Cubao terminal ang Genesis bus.

Hindi nakatulog sa biyahe and nakaidlip lang nang bandang nasa Alasasin, Mariveles area na around 4am, dali-daling nagpunta sa registration area sa barangay hall, then start ng jump off, buti nalang at dala ko ang headlamp na 1st time magagamit (thanks Jannet sa wishlist).


Medyo madilim pa talaga at nangangap pa kami sa aming dinaraanan, natatakot lang ako sa mga kaunting kaluskos at ayoko nang nagugulat ako. Clear ang sky at malinaw ang mga stars sa taas namin. Good sign. A few more minutes, nasa base na kami kung san sinalubong kami ni Aling Cording at ng anak niya. Nagregister kami at pinaunlakan ang kapeng handa nila at nagpahinga nang kaunti hanggang sa makarating ang susunod na grupo at umalis na rin kami para maagang makarating sa taas.

Viewing deck part kung saan inaanyayahan kami ng trail na ito na sumugod

ang pagbubukang liwayway

ang Papaya river, tanda na nasa bandang gitnang parte na kami ng aming pag-akyat, binati ang ilang hikers na nag setup ng camp sa lugar na iyon

one of the numerous trail marks around the ridge

flora and fauna

after almost 500 meters of cardiac assault na super effort sa pag-akyat at matapos marinig ang ilang gunshot na nagpa-stress sa amin, was able to reach the campsite at 8am, naakyat namin ang ridge for 3 hours which is fast already compared to normal 5-6 hours, tried to contact the officials about what we've heard pero sabi nila eh baka firecrackers lang at may pista daw kasi

view of the summit from the camp, grabeng hangin na parang signal#3 ang bumabayo sa kabundukan na ito na halos nakagilid na ang mga damuhan sa lakas

sir Ian leading the way

Conquered

the famous dead tree market at the summit

majestic view of the surrounding mountains

met a couple of mountaineers as we descend, next time ko nalang babalikan ito pero kelangan may tent na

back at Papaya river, where we decided to rest for awhile

sobrang clear ng mini falls area na makikita mo ang ilalim niya

Medyo nagka-problema na nang pababa na kami, dahil na rin siguro sa kulang sa tulog and ubos na rin ang water namin kaya nakaramdam ako ng cramps sa both legs, at first papitik pitik lang siya at nawawala naman pero habang nagtatagal eh, ramdam ko na ang sakit na nagpabagal talaga sa amin. Sobrang bagal ng lakad at  umabot sa point na hindi na talaga ako makalakad at kelangan magpahinga nang mga ilang minuto. Little by little pinilit ko talaga bumaba kahit mahirap lalo na sa terrain na steep siya kaya parang kalbaryo ang nangyari sa akin, nakakahiya lang kay Sir Ian at inaantay nya talaga ako, salamat nalang at narating rin ang baba bandang 1pm kung san nagpahinga kami ulit at uminom ng buko juice. Kaunting kwentuhan kina Manang tungkol sa issue nila sa Barangay hall na parang nililigaw sa ibang trail ang ibang hiker at hinaharangan nila para lang mangolekta ng fee na hindi mo naman alam kung saan napupunta. Nagpaalam na rin kami bandang 2pm at naglakad pa hanggang sa kalsada.

Nakapagpahinga rin sa loob ng bus at muni-muni sa bintana. Natanaw ko pa ang trailer trucks sa bandang Limay kung san eh dito nagtratrabaho si Ama kaya pala napatawag siya kanina para tanungin kung saang banda ako. Mga 4 na oras pa ang nakalipas ay nakarating narin ako sa Manila at dito nagpaalam sa isa't isa kay Sir Ian na nagsilbing guide at mentor, Hanggang sa muling pag-akyat at harinawa hindi na maulit ang nangyari na aberya sa akin, hindi lang siguro sanay sa mahabang akyatan kaya bumigay ang paa ko. Mga 8pm na nang makarating ako sa amin at nakatulog matapos maligo at makapagpahinga. Sa susunod sana kasama na sina Mark at Roy para ma experience rin nila ang Tarak.

0 Reaction(s) :: teh Fast and the Ferocious: Mt. Tarak Ridge adventure