KANINA..
nakakapagod talaga kahapon. galing ako sa may glorietta kasama ang friend ko. wala lang. gala lang naghahanap ng target. (hehe) andaming cuties lalo na mga korean at jappy. kumain kami sa may food court at sa world chicken. amp. ok mga pagkain. kahit ayoko ng chicken talaga. napakain tuloy ako. sulit na sya for 135 pesos. me pasta, mashed potato at chicken with the gravy of your choice. talagang pang-mayaman lang ang mga pagkain. ako nga 40 pesos lang ginagastos ko sa pagkain ko pag may work. grabe na itong pagtitipid ko. bago umuwi eh dumaan pa ako sa haus ng ka-berks ko. pista kasi sa kanila. medyo gabi na kasi ako nakauwi.. marami pa sana akong classmate nung high school na pupuntaan.. (makikikain sa pista. haha) pagkauwi. higa agad ako at knock down agad. sige bukas na lang ulit.
NGAYON..
kanina. nde ako makatulog kasi alam mo na pagh Linggo wala naman pahinga ang TV. kanina naloko ako ng Survivor amp. Palau pala akala ko Cook Islands.. kaya pala wala ang hinahanap ko na 2 Fil-Am na sina Brad at Jenny. epekto na yan ng pagiging pang-gabi. nde ka na updated sa mga palabas. salamat na lang at tuwing monday ng umaga ang amazing race. sana manalo yung Chinese brothers sina Godwin ata. kelan kaya magkakaroon ng local version ng Amazing Race at Takeshi's castle sa Pinas. laking stress reliever talaga pag nangyari ito lalo na pag mga contestants eh mga "common tao". waa.. nagpa-straight ng buhok ang inyong lingkod. pers taym ko magpagupit sa isang beauty parlor. naasiwa talaga ako lalo nat tingin nang tingin yung mga alam mo na doon.. huhu.. nde ko alam kung bagay sa akin. mukha kasi sa scary movie yung naka wheelchair na panot. hehe. joke.
tag: chicken, festival, food and dining, TV programs
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
sarap naman niyan...bakit ayaw mo ng chicken ha?
jef
October 8, 2006 at 12:38 PMahehe. ako din, sumosobra na pagtitipid ko. makunat na ang tingin sa akin. kuripot na in short. hehe. pero ayus lang, nakakatuwa naman kasi natututo na ako magtipid. nasa makati ako nung oct. 6. la lang. naishare ku lang. nabigay ku nas # ni zord.
-http://ja-mezz.blogspot.com
Anonymous
October 8, 2006 at 2:23 PMwah..bat ayaw mo ng chiken?? heheh.. :)
wag ka nang maging kuripot.. hehehe.. sa susunod, kain lang ng kain.. masarap kaya ang kanin!
wag na daw maging makunat,.. hehehe
Anonymous
October 8, 2006 at 6:50 PMpareho tayo
ayaw ko rin ng manok
except kung lechon o prito.
40pesos?
mahal p anga yun eh.
sa lerma 27pesos busog ka na.
:)
kaso may free hepatitis.
:)
Anonymous
October 8, 2006 at 7:44 PManung meron sa chicken!?
puro tipid nalang talaga ngayon. sabi nung nakasabay ko sa jeep, kaya nga daw nagtra2baho para magastusan yung sarili. its not bad naman daw kung minsan-minsan, gumastos.
sa iba knalang magtipid hehe wag lang sa pagkain!!
http://rockchq21.blogspot.com
Anonymous
October 8, 2006 at 10:22 PMkuya meron na pong Amazing Race Asia. kasali po yata dun si Aubrey Miles and her sister. Nagkaron po kasi ng Promo Tour ang AR sa Mall of Asia. la lang. share lang po.
Anonymous
October 9, 2006 at 9:39 AMwow chicken... madalas ka ba glorietta? ako hinde, hehe.
ginutom mo naman ako, buti na lang kakakain ko lang sa KFC ng rice bowel... este bowl.
Billycoy
October 9, 2006 at 1:39 PMnung linggo ako rin nagwaldas sa pagkain.. sa eastwood kami ng mga frends ko.. 270 sa isang pagkain.. ahahahahaha.. :)
Riker
October 10, 2006 at 2:43 PMNyehehehe. Ayos ah. Kaso I like chicken. Yun nga lang allergic ako. Kaya to the rescue ang aking Celestamine.
----
Naiilang? Aba, hustler ng mga joding! Nyehehehe
Anonymous
October 12, 2006 at 1:04 AMcute nga mga koreans,ang galing pang pumorma tas ang puputi
Anonymous
October 19, 2006 at 3:27 PMNA MISS KO ANG MGA COMMENT NA ITO!
Jinjiruks
July 23, 2010 at 3:58 AM