manok, pista at telebisyon

KANINA..
nakakapagod talaga kahapon. galing ako sa may glorietta kasama ang friend ko. wala lang. gala lang naghahanap ng target. (hehe) andaming cuties lalo na mga korean at jappy. kumain kami sa may food court at sa world chicken. amp. ok mga pagkain. kahit ayoko ng chicken talaga. napakain tuloy ako. sulit na sya for 135 pesos. me pasta, mashed potato at chicken with the gravy of your choice. talagang pang-mayaman lang ang mga pagkain. ako nga 40 pesos lang ginagastos ko sa pagkain ko pag may work. grabe na itong pagtitipid ko. bago umuwi eh dumaan pa ako sa haus ng ka-berks ko. pista kasi sa kanila. medyo gabi na kasi ako nakauwi.. marami pa sana akong classmate nung high school na pupuntaan.. (makikikain sa pista. haha) pagkauwi. higa agad ako at knock down agad. sige bukas na lang ulit.

NGAYON..
kanina. nde ako makatulog kasi alam mo na pagh Linggo wala naman pahinga ang TV. kanina naloko ako ng Survivor amp. Palau pala akala ko Cook Islands.. kaya pala wala ang hinahanap ko na 2 Fil-Am na sina Brad at Jenny. epekto na yan ng pagiging pang-gabi. nde ka na updated sa mga palabas. salamat na lang at tuwing monday ng umaga ang amazing race. sana manalo yung Chinese brothers sina Godwin ata. kelan kaya magkakaroon ng local version ng Amazing Race at Takeshi's castle sa Pinas. laking stress reliever talaga pag nangyari ito lalo na pag mga contestants eh mga "common tao". waa.. nagpa-straight ng buhok ang inyong lingkod. pers taym ko magpagupit sa isang beauty parlor. naasiwa talaga ako lalo nat tingin nang tingin yung mga alam mo na doon.. huhu.. nde ko alam kung bagay sa akin. mukha kasi sa scary movie yung naka wheelchair na panot. hehe. joke.



tag: , , ,

11 Reaction(s) :: manok, pista at telebisyon

  1. sarap naman niyan...bakit ayaw mo ng chicken ha?

  2. ahehe. ako din, sumosobra na pagtitipid ko. makunat na ang tingin sa akin. kuripot na in short. hehe. pero ayus lang, nakakatuwa naman kasi natututo na ako magtipid. nasa makati ako nung oct. 6. la lang. naishare ku lang. nabigay ku nas # ni zord.

    -http://ja-mezz.blogspot.com

  3. wah..bat ayaw mo ng chiken?? heheh.. :)

    wag ka nang maging kuripot.. hehehe.. sa susunod, kain lang ng kain.. masarap kaya ang kanin!

    wag na daw maging makunat,.. hehehe

  4. pareho tayo
    ayaw ko rin ng manok
    except kung lechon o prito.

    40pesos?
    mahal p anga yun eh.
    sa lerma 27pesos busog ka na.
    :)
    kaso may free hepatitis.
    :)

  5. anung meron sa chicken!?

    puro tipid nalang talaga ngayon. sabi nung nakasabay ko sa jeep, kaya nga daw nagtra2baho para magastusan yung sarili. its not bad naman daw kung minsan-minsan, gumastos.

    sa iba knalang magtipid hehe wag lang sa pagkain!!

    http://rockchq21.blogspot.com

  6. kuya meron na pong Amazing Race Asia. kasali po yata dun si Aubrey Miles and her sister. Nagkaron po kasi ng Promo Tour ang AR sa Mall of Asia. la lang. share lang po.

  7. wow chicken... madalas ka ba glorietta? ako hinde, hehe.

    ginutom mo naman ako, buti na lang kakakain ko lang sa KFC ng rice bowel... este bowl.

  8. nung linggo ako rin nagwaldas sa pagkain.. sa eastwood kami ng mga frends ko.. 270 sa isang pagkain.. ahahahahaha.. :)

  9. Nyehehehe. Ayos ah. Kaso I like chicken. Yun nga lang allergic ako. Kaya to the rescue ang aking Celestamine.

    ----

    Naiilang? Aba, hustler ng mga joding! Nyehehehe

  10. cute nga mga koreans,ang galing pang pumorma tas ang puputi

  11. NA MISS KO ANG MGA COMMENT NA ITO!