Pagkatapos ng Pasko

1 Reaction(s)
Kumusta ulit. Nagdaan na naman ang Pasko at parating na ang Bagong Taon. Krisis-mas ika nga nung napanood ko sa TV program na The Correspondents. Pasalamat pa nga tayo at kahit papano eh matitirahan at matutulugan tayong bahay, sapat na pagkain at kumpleto tayo; samantalang ang iba.. nasunugan, nasalanta ng bagyo at may namatayan pa; pero sa kabila ng mga trahedya ang mahalaga eh kumpleto at matatag ang pamilya sa anumang sakuna na dumating.

Sa Friday magkakaroon ulit kami ng reunion na magkakaklase. Sana nga every year magkaroon lagi nito. Sana yung iba makapunta rin. Si Joseph amp. Saan kna sa Laguna. Nagtatanim ka pa rin ba ng kamote o nakisama ka na sa mga NPA. Paramdam ka naman. Mapapagastos na naman ako nito. Sa akin ang ice cream. Makahanap nga ng mura lang. Hindi pa ako nakakabili ng exchange gift. Hoy Angelo asan na ang glass na pinapabili ko sa iyo. Lalaki na naman ang tiyan ko nito. Puro pagkain amp! Si Lester ata March pa daw makakauwi sabi ni Cha-Cha.. nde na naman sila magkikita dahil aalis na sya ng January 14.

Pusa at Opis

2 Reaction(s)
Kumusta na ulit. Isa na namang mainit na linggo ang dumaan sa opis. Hindi ko alam kung bakit hindi pa nilalagay ang AC sa loob ng opis, kulang na kulang talaga; napaka-init pa, everyday na lang lagi kang pawis. Kahapon nga eh pumutok na ang isang CPU na katabi ko. Iniisip ko bilang na ang araw ng mga CPU dito. Paano ba naman 24/7 nakabukas. Kahit man lang sana everyday bigyan ng 2 hours na pahinga mga PC dito or 1 day break. Hindi naman ako magsasalita kung ganun kainit sa loob. Kulang na lang mag sando ako or mag topless dun para lumamig ng kaunti. Sa totoo lang marami nang nag resign dahil hindi nakayanan ang init. Kung pang-gabi naiiniitan kami pa kaya sa umaga lalo na't pagdating ng tanghali. Kaya tuloy hindi makapag concentrate sa work ang focus mo sa init hindi sa ginagawa mo. Wala lang.. rant ko lang! Sana may makarinig ng reklamo na ito.

Kahapon pang nawawala ang 2 naming pusa, tuwing pagdating ko sa bahay sinasalubong nila agad ako para manghingi ng pagkain, na mimiss ko na ang meow nila.. ganun siguro pag matanda na ang mga pusa at malapit nang mamatay.. umaalis nalang bigla kagaya ng pusa naming si Makaw.. hindi ko alam bakit ganun ang behavior nila.. pinilit kong hanapin sila kagabi.. sumisigaw na ako kakatawag.. wala pa ring lumalapit. Ang naiwan lang sa bahay eh yung 2 kuting na anak ng isa. Saan kaya pumupunta ang mga pusang ito? Nagpapasagasa sa kalsada? O may sariling silang "club" sa mga oldies na pusa?

P.S.
24 years na akong hindi nakakatanggap ng regalo. Nasa probinsya kasi ninong at ninang ko. Paguwi ko kaya.. bahay at lupa na ang ibigay sa akin? Kaya hindi pa huli at lahat regaluhan nyo ako hanggang New Year. haha!

Merry Christmas to all!!

3 Reaction(s)
Sana happy kayo ngayong Christmas!

Christmas rush!

2 Reaction(s)
amp! talaga ang traffic kanina sa Cubao! kahit tanghali uber traffic. anung oras na ako nakarating sa MRT kanina. Tapos pagdating dun ang haba pa ng pila. Iniisip ko tuloy sa sarili ko sana nag Quezon Ave na lang ako; at least doon hindi traffic at walang pila. Maski sa mga terminal ng mga bus along EDSA, dami daming tao; sabagay Biyernes na naman at nagsisiuwian na sila sa kanilang mga probinsya. Ilang araw na lang Pasko na.. merry ba ang Pasko nyo?

Jin's Longest Week

2 Reaction(s)
Finally day off ko na sa company. Sana nga lang wag 2 days na sunod; kahit man lang may interval na 2 days. Isa talaga sa mga problema sa office eh sobrang init talaga. Hindi kaya ng AC kasi ang daming PC na nakabukas at yung singaw na init, hindi makalabas. Kaya ang resulta lutong-luto kami sa area lalo na sa "equator" (sa gitnang part kung saan eh concentrated ang init). Everyday na lang pinapawisan ka, imbes na suotin ang jacket eh ginagawang pamunas tuloy. (hindi naman ako nagdadala eh!). Pero sabi ni Boss Eric lalagyan nya ng additional AC para lumamig na at maging Alaska daw hehe! Nakaka-drain talaga ang work dito 10 hours of work at 2 hour break. Buti na lang at hindi ako nagkakasakit kahit init at lamig nararamdaman ko. Bago na ang system nila, na segregate na kami into groups. Kaming mga "newbie" sa low level accounts lang para daw ma master na namin ang level na iyon, ladderize sya; umaakyat ka habang master mo na ang levels na iyon. Maganda ang setup na ito, dati kasi dual accounts pa kami at mahirap talaga magpa-level. Hindi ko alam anung character ang uunahin ko. Pero sana mag improved pa ang company, tutal nagsisimula palang naman sila ulit. There is always room for improvements. Sige iyon na muna at pahinga muna ako. Bawiin ko mga araw na drain na drain talaga ako at pulang pula na ang mata kakaharap sa monitor. Teehee!

Farewell Party

2 Reaction(s)
Last week (Dec. 15) may xmas at anniversary party ang dating company ko. Inimbitahan pa rin nila ako at iyon kasi ang last day ko sa kanila. Sa may Discovery suites ginanap at around 10am in the morning. Bago kami pumunta dun eh nag practice muna kami ng number namin kahit papano; kakaiba nga eh kasi lahat ng DES staff eh nag participate unlike sa ibang department. Nasa pinaka top floor ang party. amp! ang tagal tagal ng elevator haha. As usual meron exchange gift, department presentation at pa raffle pa, sayang hindi ko nakuha yung electric fan (candy pa napunta sa akin swerte talaga!)

Sa loob ng 2 years na pag-stay ko sa company marami rin akong nakilalang mga bagong friends. Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa andyan sila. Hindi ako nakapag prepare ng speech (amp!). I just want to thank those people who really help me become what I am today (ano daw?)

Yus - naalala ko pa nung unang taon hati pa tayo sa ulam noon (sobrang tipid kasi!) good luck na lang sa kasal mo next month!

Miko - certified "Halers", adek na adek sa pagpapa-picture. Daming raket nito. Hindi ko pa nakita na nagalit ito.

Joel - si owel ng mukamo. Isa sa mga "pabling" at hawig daw ni Carlo Aquino sabi ni Chat. Dapat technical support na lang apply mo.

Lala - salamat sa mga advice na binibigay mo sa akin. Think positive always and success is the only option ika mo nga. Good luck sa business mo!

Roger - thanks sa frenship at pagiging totoo mo lagi. Wag mo na lang pansinin ang mga detractors mo. Mahalaga wala kang ginagawang at iniisip na masama sa ibang tao.

Ireen aka Chun-Yang - hanga ako sa babaeng ito. Malakas ang loob at palaban talaga. Sinasakyan lang nya mga biro sa kanya at hindi napipikon. Masarap kausap kasi open talaga sya kahit kanino. One of the boys nga tawag sa kanya (pero nde siya tibo!) Mas palagay lang sya kasama mga guys kesa girls. Thanks sa tawanan at biruan; kahit ayaw mong pa picture kasama ako.

Tina - isa sa mga kasabayan ko ito sa company, night shift pa kami that time. Isa sa mga pinaka matiyaga sa company at maparaan talaga, hindi nya titigilan hanggat hindi naayos ang problema kaya naman deserving syang maging Manager namin. Kagaya ni Miko hindi ko pa ito nakitang magalit man lang or nag reklamo sa trabaho; (kaya naman sinasamantala ng iba!). Good luck na lang sa iyong pag migrate sa Austria next year. Sana ihanap mo ako ng work dyan. hehe!

Mam Irene at Sir Gene - thanks sa pagtanggap sa akin sa loob ng 2 years. Nung mga time na wala pa akong work at nagaantay ng tawag. Sa mga advice na binibigay nyo at mga comments either good or bad.

Mami-miss ko kayong lahat. Pero ang lapit lang naman nang nilipatan ko kaya magkikita pa naman rin tayo. Ilang lakad lang andyan na ulit ako. (dramatic entry na naman ito!)

Uber busy at pagod

4 Reaction(s)
Pasensya na at hindi ako nakakapag update ng blog ko. super busy lang po talaga sa new company. biruin mo ba naman 12 hours ang work dito at 2 hours lang ang break. kaya anung oras na ako nakakauwi sa amin. mga past 10 pm na. sa simula talagang hirap na hirap talaga ako magpa-level ng character ko (it's a gaming company po, and world of warcraft po ang nilalaro) kasi next week alam ko may grade na ang gagawin namin. sa simula si Cy lang talaga ang kakilala ko. then eventually marami na rin akong nakilala, yung iba sa ibang online games din. super po sa init ang room kasi ba naman ilang PC ang nakalagay doon. kaya ang singaw ng init ang tindi. pawis na pawis kami. buti na lang at naisipan nilang ilipat ang iba sa kabilang room (kung hindi pa matotodas ang isang PC, hindi pa nila naisip iyon!) at isa ako sa mga kasama doon. salamat naman at malamig ang place at maraming chickas haha! kaya lang behave dapat kasi kundi babalik na naman kami sa infernal room na iyon, thursday at friday ang off ko kaya andito ako ngayon at online. bukas may christmas party pa kami sa former company ko at take note wala nang hiyaan sasali ako sa sayaw. haha. tapos next week eh party naman sa current company ko. aba tingnan mo nga naman. ilang beses ako makakakain ng libre. nyahaha. sana lang makabili ako ng regalo sa monita ko, wala na kasi akong time makabili this week since start na ako ng work. hanggang dito na lang at kukuha pa ng mga kelangang requirements ko. bow!

partner ko.. asan ka na!?

6 Reaction(s)
Lagi kong iniisip sa sarili ko bakit parang hindi ako kumpleto. anu ba ang kulang sa akin bakit hindi ako masaya ngayon. everytime na tumitingin ako sa picture gallery section ng frenster, nalulungkot nlang ako bigla kasi parang ako lang ang hindi masaya at nag iisa lang habang ang mga tinitingnan kong mga picture ang sasaya nila; parang walang problema. naiisip ko nlang sa sarili ko kelan kaya mangyayari sa akin ang ganitong eksena. yung totoong masaya talaga ako, yung walang iniisip na problema. tumatanda kasi akong parang walang nangyayari sa akin. hindi ko alam worth ba ang aking existence dito sa mundo. parang walang nagpapahalaga sa akin, walang nagmamahal, parang ang lamig lamig.. walang kayakap sa malamig na disyerto. nag sesenti lang siguro ako pero lagi kong naiisip mga ganitong bagay pag nakakakita rin ako ng mag syota. inggit na inggit ako sa kanila, may PDA pa nga dyan. hindi ko alam kung bakit hirap akong makahanap nang para sa akin, wala naman akong standards na binibigay, simpleng tao lang ako. pag nakikita ko sina RJ at Yeng (Pinoy Dream Academy scholars - kapamilya po ako!) na naghaharutan, natutuwa ako sa kanila.. at iniisip ko sana ganyan din ako sa magiging would-be partner ko. sigh. kelan ka ba darating sa buhay ko? pagod na ako kakahanap, Lord magpakita ka naman ng sign na sya na nga ang para sa akin (super korni itong entry na ito. ewan ko ba. hindi lang talaga ako sanay gawing public mga nasasaloob ko, pero kelangan kong ilabas eh. masyado nang mabigat sa loob)

Just leave me in the rain
My life is in the drain
I"ll seek your love forever
I beg not a different game

I"ll never be a man
Embrace me as i am

Make me alive
Make me suffer
Make me feel

This is it

3 Reaction(s)
Kahapon ang haba ng pila para contract signing. naiinis nga ako at hindi sinunod ang schedule na napagusapan. paano ba naman kasi pinagsabay sabay ang exam, interview at contract signing kaya tuloy around 7pm na ako natawag samantalang 5.30pm ako pinapabalik. anyway; tapos na iyon. start na ako sa Monday kasabay ko si Cy. sana maging smooth naman ang first few days ko sa bagong company. aasikasuhin ko this week mga requirements. buti na lang at off ko pag thursday at friday. Makakasama ako sa xmas party sa former company ko. Bago na namang challenge sa akin ito. Kahit medyo natatakot ako eh haharapin ko ito nang walang pagaalinlangan (dramatic moment na naman!)

mga adek sa "Feel the Rain on you skin.."

2 Reaction(s)
o ayan magsaya na kayo.. sa mga naghahanap sa google ng "feel the rain on your skin" na lyrics habang nag sha-shampoo kayo amp!


Unwritten - Natasha Bedingfield

I am unwritten, can't read my mind, I'm undefined
I'm just beginning, the pen's in my hand, ending unplanned

Staring at the blank page before you
Open up the dirty window
Let the sun illuminate the words that you could not find

Reaching for something in the distance
So close you can almost taste it
Release your innovations
Feel the rain on your skin
No one else can feel it for you
Only you can let it in
No one else, no one else
Can speak the words on your lips
Drench yourself in words unspoken
Live your life with arms wide open
Today is where your book begins
The rest is still unwritten

Oh, oh, oh

I break tradition, sometimes my tries, are outside the lines
We've been conditioned to not make mistakes, but I can't live
that way

Staring at the blank page before you
Open up the dirty window
Let the sun illuminate the words that you could not find

Reaching for something in the distance
So close you can almost taste it
Release your inner visions
Feel the rain on your skin
No one else can feel it for you
Only you can let it in
No one else, no one else
Can speak the words on your lips
Drench yourself in words unspoken
Live your life with arms wide open
Today is where your book begins

Feel the rain on your skin
No one else can feel it for you
Only you can let it in
No one else, no one else
Can speak the words on your lips
Drench yourself in words unspoken
Live your life with arms wide open
Today is where your book begins
The rest is still unwritten

Staring at the blank page before you
Open up the dirty window
Let the sun illuminate the words that you could not find

Reaching for something in the distance
So close you can almost taste it
Release your inner visions
Feel the rain on your skin
No one else can feel it for you
Only you can let it in
No one else, no one else
Can speak the words on your lips
Drench yourself in words unspoken
Live your life with arms wide open
Today is where your book begins

Feel the rain on your skin
No one else can feel it for you
Only you can let it in
No one else, no one else
Can speak the words on your lips
Drench yourself in words unspoken
Live your life with arms wide open
Today is where your book begins

The rest is still unwritten
The rest is still unwritten
The rest is still unwritten

Oh, yeah, yeah

Time to say goodbye

0 Reaction(s)
it's Friday, my last day at the office, maaga akong pumasok; sinusulit ang mga huling oras ko dito. siguradong ma mimiss ko mga pasaway kong mga officemates . ang tawanan nila pag kumakain, ang paglibot libot ng ibang mga walang magawa sa office, si manang, si Petunia (chihuahua ng boss namin), DES Department, walang kamatayang quota everyday, lahat lahat. salamat sa 2 taon na puno ng saya, lungkot, ups and downs.

siyanga pala tinawagan na ako kagabi for contract singing and at Monday start na ng training ko sa gaming company. good luck to me!

Kaya ayoko mag-Cubao

6 Reaction(s)
kanina late na ako nakaalis sa amin. kumain pa kasi ako ng breakfast at nagbaon pa ako ngayon. wala akong choice kanina kung anu na lang ang muna either Philcoa or Cubao na FX/Jeep. ayun Tuazon (Cubao) FX ang nasakyan ko kanina, yung driver kaskasero pa parang jeepney driver; kinaiinisan ko pa imbes na lumiko na sya sa may Katipunan-Aurora interchange eh dumiretso pa sya at dumaan sa Project 4, syempre nde naman ako gala at medyo nag-alala, kung dadaan kaya ito ng Cubao o nde, imbes na sa MRT kami binaba sa may Ali Mall pa (kaya nga nag FX eh para kaunting lakad lang, parang sumakay rin ako ng jeep kakalakad), pagdating sa MRT (6.30am na iyon) ang dami nang tao, as usual puno na naman at nakisiksik na parang sardinas na naman. kaya talaga ayaw na ayaw ko maglalalagi dyan sa area na iyan; bukod sa polluted pa eh dami daming tao. wala lang daily rant lang.

at the wall of the storm

9 Reaction(s)
kahapon hindi ako alam ang mararamdaman ko. halo halo kasi. panay upo tayo at labas ako ng office. kakaayos para sa mga kelangan na ayusin bago ako makapasa ng clearance sa company. oras ang kalaban ko dito. pero napaka unfair naman talaga ng itong company na lilipatan ko. hindi ka man lang bibigyan ng reservation slot kahit aware sila bout the company policy na 2 weeks notice. hindi ba nila maintindihan iyon? alam ko urgent ang hiring nila pero wag naman nilang baliwalain ang ganitong policy. nakapasa naman ako ready naman ako for contract signing. wala naman akong bad record. ewan. im taking the risk right now. what's left is their assurance that pag nabigay ko na ang clearance eh magpipirmahan na ng contract.

pero kanina nawala ang stress ko at kakaisip ng mga problema nang makita ko ang pagbubukang liwayway sa may bandang Katipunan. ganda ng ulap at ng bughaw na langit. (biglang napakanta ng "blue sky..") kaya napagisip isip ko. isa lang ito sa mga trials na binibigay sa akin para next time na mangyari ulit ang ganito eh malalampasan ko sya at ako'y magtatagumpay (ang drama mo na naman!)

*sigh* I dont know what to do now!

0 Reaction(s)
I dont know what to feel today. Halo halo kasi. nalaman ko na ilang slots na lang available sa position na sinasabi ko sa company. almost 50 slots nlang pala at pag pinatagal ko pa ito ng 2 weeks eh baka wala nang mangyari sa akin. kaya naman ngayon pinagpupursigi ko na ang "immediate resignation" sa current company ko para makapag sign na ako ng contract sa kabilang company. Time is my enemy right now. Sana tumigil muna ang oras kahit mga ilang Linggo lang or ma plantsa na ang resignation ko. Alanganin kasi hindi ko inaasahan na ganito kaaga sila tatawag.

Tuloy Pa Rin - Neocolours

0 Reaction(s)
Sa wari ko'y
Lumipas na ang kadiliman ng araw
Dahan-dahan pang gumigising
At ngayo'y babawi na

Muntik na
Nasanay ako sa 'king pag-iisa
Kaya nang iwanan ang
Bakas ng kahapon ko

CHORUS:
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin

Kung minsan ay hinahanap
Pang alaala ng iyong halik (alaala ng 'yong halik)
Inaamin ko na kay tagal pa
Bago malilimutan ito

Kay hirap nang maulit muli
Ang naiwan nating pag-ibig (alam ko na 'yan)
Tanggap na at natututo pang
Harapin ang katotohanang ito

CHORUS:
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin

Muntik na
Nasanay ako sa 'king pag-iisa
Kaya nang iwanan
Ang bakas ng kahapon ko

CHORUS:
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko (tuloy pa rin)
Nagbago man ang hugis ng puso mo (hugis ng mundo mo)
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo (hamunin)
'Pagkat tuloy pa rin (tuloy pa rin)
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko (tuloy pa rin)
Nagbago man ang hugis ng puso mo (oh..hoh..)
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo (handang harapin ang mundo)
'Pagkat tuloy pa rin
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin

New Look again..

7 Reaction(s)
walang magawa kanina.. kaya naisipan kong magpalit ulit ng blog layout.. tamang tama lang kasi ang theme nito.. madilim at mga posteng papunta sa kawalan.. kagaya ng nangyayari sa akin ngayon.. naglalakad ako sa daanan na hindi ko alam ang nasa dulo.. madilim, walang kasiguruhan dahil pipilitin kong tatahakin ang bagong landas ng aking buhay.. (ang drama mo!)

Moving on..

3 Reaction(s)
kumusta ulit sa inyo. sensya at hindi masyado updated ang blog ko. busy kasi lagi at walang masingitan ng oras. kaya naiintindihan ko kaya hindi nyo rin minsan nabibisita ang blog ko. kahapon habang nasa practice kami ng presentation namin para sa xmas party eh nakatanggap ako ng tawag mula sa company na pinag-exam ko. kung pwede na ba daw ako mag start sa Lunes. binigyan na ako ng job offer. i was caught by surprise. napaaga kasi ang tawag nila imbes na last week of December to first week of January daw sila tatawag. bigla tuloy ako napagisip, bakit ang bilis naman; alanganin naman kasi 2nd week na ang xmas party at usually 1-2 weeks ang notice upon resignation. hay buhay. kelangan mamili na naman ako, isang give up at isang kukunin. mahigit 2 taon na rin ako sa company ko ngayon, siguro its time for career shift, since nag eenjoy naman talaga ako sa gaming at dito ang passion ko, dito ako masaya, dito ako nag eenjoy, dito stress reliever ko, eh desidido na ako na lumipat na sa isang gaming company. saka ko na itutuloy.. ang dami kong iniisip ngayon..


ika nga ni William James..
"He who refuses to embrace a unique opportunity loses the prize as surely as if he had failed."