Shock
Pasensya na talaga at hindi ako nakakapag-update sa blog ko kasi dahil nga sa training ko na 12nn-9pm na alanganin talaga, for the past days grabe kung sa exam tustado na utak ko ngayon ewan ko sunog na siguro.. bukod sa pure actual work na kami ang raming quota pa, nagulat lang siguro ako kasi pati keystroke may quota pa at hindi ako sanay talaga sa ganun.. natatapos ko naman ang daily quota ko sa previous employer ko nang hindi kailangan ng ganito may camera naman para i-monitor kung sino ang idle or not bakit hindi na lang iyon ang basehan. Ewan kohindi ko alam kung magtatagal ako rito kasi honestly hindi talaga ako happy sa policy nila at sa work load na ito, may tumatawag pa namang isang company sa akin na akala ko hindi na magpaparamdam, tumawag lang sila ulit at sisibat na ako rito. Mahirap kasi yung ganun hindi ka naman nag-eenjoy sa work mo talaga at pagod ka pa lagi.
by
Jinjiruks
September 23, 2007
5:10 PM
Random
"Lam mo naman diba by na galing akong break-up nun, parang nasanay akong may ka-text lage tapos biglang nawala ng ilang months. Nawalan ng buhay cellphone ko tapos dumating ka, lage tayong magka-text. Nabuhay cellphone ko. Nagkakulay buhay ko, Pati yung sinabi kong hindi muna ako magmamahal, nagbago dahil sa iyo by.."
-By to Jin (via text message)
-By to Jin (via text message)
by
Jinjiruks
5:05 PM
Teh Taping continues...
Nagpaalam na ako sa trainer ko para sa taping sa Sept.19 sa 1vs100, akala ko nga sa Saturday (Sept.22) pa yun pero may gagawin raw si Edu sa Sabado kaya napaaga. Maaga na akong umalis mga 10.30am para maagang makapunta, kahit kalakasan ng ulan sumugod pa rin ako sa ABS. Pagdating run ng mga 11.45am marami nang nag-aantay, kasama na ang nasa 2pm call time. As usual Pinoy time, mga past 2pm na rin kami pinapasok at antay sa Studio 4. Hanggang up to 3.45pm pinapunta na kami sa Studio at mga 5.45pm na nakapagsimula dahil sa technical problems. Buti nalang may practice questions pero still ang hirap pa rin kasi about sa 50's na movies at sa shawarma na iyan. Ayun formal na game na at nasa 2nd question na at almost 1/5 natanggal ulit sa mob. Pagdating sa 4th at 5th eh walang nagkamali at 1st time lang iyon na magkasing-wavelength ayun kay Edu, mga 80k palang ang naipon niya. Pagdating sa 6th qustion dito na nagkatalo kung sino ba talaga ang tama. Ang tanong eh kung saang bansa unang naimbento ang kotse na may karaoke machine, choices were Japan, China and South Korea. Majority answered the obvious Japan while others including me picked either China or South Korea, talagang suspense pa talaga. Habang inaantay ang sagot eh nag-goodbye na talaga kami sa isa't-isa kasi iba-iba ang sagot namin. Hanggang i-reveal na ang sagot.. China!
MALI ANG SAGOT KO!!
at dahil majority sa Japan marami talaga ang natanggal including "the One", 57 ang natanggal at pinaghatian ng 7 natitirang mobs ang pot money. Pampalubag-loob ata yung meal stub na binigay nila (sana transportation allowance na lang). Well hindi mawawala sa akin ang panghihinayang talaga since 1st time kong sumali sa ganitong show at masakit talagang matalo. Kailangan ko pa naman ng pera talaga ngayon. Hanggang sa pag-uwi sa amin eh lumilipad pa rin ang isip ko at hindi talaga makalimutan ang nangyayari. Buti na lang andyan si by para i-comfort niya ako sa ganitong time. Kahit papaano naibsan na at sinabi ko sa sarili ko na susubukan ko ulit hanggang sa manalo talaga ako kahit pa sa ibang gameshow. Kahit papano nag-enjoy naman ako sa show and I'm happy for the unbeatables, pati yung iba ata sa kanila nakaabot sa next taping. Ayun lang salamat sa pakikinig sa kwento kong pang-Pangarap kong Jackpot!
by
Jinjiruks
4:44 PM
Free Super Sentai MP3
napapansin ko lang kasi na marami talaga ang naghahanap nito at nakikita ko sa counter ko itong keywords ang laging ginagamit nila papunta sa aking site.. here's the updated link ni Dan.. medyo marami na kasi siyang na-upload kaya natabunan na.. Dan's Headstyle Multiply site
by
Jinjiruks
September 17, 2007
1:27 PM
Burnt
Pasensya na talaga at hindi ako nakakapag-update ng blog ko.. super busy talaga sa training this week.. tustado talaga ang utak mo biruin mo mula Lunes up to Friday bawat module nalang may exam pa at kailangan makapasa kundi may retake at bawas pa sa scorecard.. ewan ko sa ibang company kung meron rin silang ganun.. siguro pag ISO certified na pinagmamalaki nila kailangan talaga ang ganun.. everytime na lang laging may pinapapirmahan kahit updates sa mga ginagawa para talaga wala kang reklamo talaga na sasabihin hindi mo nabasa talaga.. Kahapon nakapag actual work kami pero minalas malas eh nag hang ang pc kaya nag buddy-ups na lang kami sa ibang kasama.. iba talaga ang theoritical sa actual talaga.. akala ko alam mo an lahat yung pala nangangapa ka pa rin sa dilim.. pero Ok naman kasi na-challenge talaga ako sa work na ito.. sana nga malagpasan ko itong paghihirap na ginagawa namin up to the end of the month..
by
Jinjiruks
September 15, 2007
12:09 PM
He says...
"I hope that someday, when all of the years of blood, sweat, and tears in the employment world had finally paid off, I already have the breads to fund my trips. I look forward to frequenting the airports and comfortably laying my head on the plane seat, resting my mind in peace without having to worry about my destination, but rather thinking of the journey that promises a one of a kind experience."
-Nap, All Around the World, Open Soliloquies
"...I'm happy because this blog serve as a mirror of my life, I can write anything and even express the deepest thought from my soul."
-Kaizen, Black Hole and a Twist of Life, The Voice within the Soul

September 10, 2007
11:49 AM
Kiko
Eric/Kiko,
Musta ka na bro? Kahit pala isang linggo ka pa lang nawawala, nakaka-miss yung pagsagot sa mga text ng may kasamang "ah.. siguro" at "uhm.. baka nga". Naiingit naman ako sa iyo ngayon, buti pa kayo ng family niyo medyo nagpakalayo muna sa ingay at gulo ng lungsod, siguro ang sarap ng pakiramdam na wala kang iniisip kundi makapag-pahinga ng isipan at katawan. Kung may pagkakataon at panahon lang ako gusto kong gawin din yun. Bugbog na kasi ako sa araw-araw na problema na lang palagi, maski kahit saan ako magpunta. Oh papano bro ingat na lang kayo kung saan mang lupalop kayo nagpunta.
P.S.
Salamat nga pala sa pagiging totoong kaibigan mo sa akin kahit nung nasa GamePal pa tayo hanggang ngayon. Hindi man lang kitang nakitang nakasimangot bagkus ay naka-ngiti pa nga palagi kahit medyo nahihirapan ka na minsan o inaasar ng alam mo na mga taong walang magawa. Dapat siguro eh iyon din ang gawin ko.
Hanggang sa muli,
Jinji

11:12 AM
Change of Status
Since September 9, 2007.. I'm officially "In a Relationship right now!". Sana magtagal kami.
by
Jinjiruks
September 9, 2007
12:35 PM
Teh Taping
Kahapon mga 11.30am na ako nakarating sa ABS-CBN, kala ko nga na-late na ako kasi yung kakilala ko mga bandang 11am nag-text at puno na raw ang unahan, ang akala ko naman that time ay nasa Studio na sila at malapit nang magsimula, ayun pala nasa registration area lang sila at nag-aantay. Kasalukuyang nagsisimula pa lang yung Game 1 that time (Game 2 raw ang batch namin!). Mga bandang 1.45pm pinapunta na kami sa Studio 4 (Kapamilya! Deal or No Deal taping area), akala ko pa naman malaki talaga kagaya nang nakikita ko sa TV, iyon pala ay maliit lang talaga yung set ng show na iyon at mga 1/3 lang ng size ng Studio 10, ayun habang nag-aantay nood lang ng movies, pumirma na naman ng waiver ulit, gettin acquainted with my co-mobs. At around 5pm (wow! ang tagal talaga!), nagtawag na sila ng name at papasok na sa next game (may 24 unbeatables + PBB Season 2 all star cast + other celebs), mga 24 ding mobs ang tinawag at pinapunta pero pinabalik rin, nabitin nga ata sila. Nag "random selection" ulit pero hindi kami lahat natawag, mga 16 lang kaming natira - parang napapa-isip kami na "ah baka next taping na siguro kasi sinabihan na yung mga Game 3 mobs na tatawagan na lang sila ulit. At 7.15pm matapos kumain ng hapunan (salamat sa Meal Stub, wala pa kaming kain mula 11am!) natapos na ang Game 2 at marami raw ang natanggal dahil sa "toothpick" wahaha! Pinapila na kami at surprisingly ako ang unang tinawag at pang #90 mob ako, studio player ang "the One" (pero alam kong pag ganitong mga tipo, mga 100k palang eh kukunin na niya ang pot money kaya mahirap kumbinsihin!), kung sa Studio 4 palang ay namamanhid na ang kamay ko sa sobrang lamig.. lalo na sa Studio 2 (1 vs 100 taping area), kasinglaki rin ng Studio 4 siya at mataas talaga ang mga stairs paakyat sa likod. Ang tangkad pala talaga ni Chairman, kasama sa mga mobs yung band ng Cueshe, mga FM disk jocks (kagaya nina Chris at Nichole ng Love FM) at yung isang Ph.D prof. Nabitin naman kami kay Edu, naka isang tanong lang kami at na-cut na ang show. Kasi it's about 9pm na at may gagamit pa ata sa Studio na iyon. Initially 4 mobs agad ang nawala dahil sa "smiley" question na iyan. Sa Sept. 22 pa kami pinapabalik. Ayun dun natapos ang masayang araw namin, sa totoo lang Ok rin pala sumali sa mga ganitong game show, marami akong nakikilalang tao from all walks of life. Sana nga ma-text rin ako sa Game Ka na Ba? naman.
by
Jinjiruks
12:09 PM
Feeling Rich
My blog is worth $27,097.92.
How much is your blog worth?
Mayaman na pala ako kung ganun.. ($1 = Php 46.58) so $27, 097.92 = Php 1,262,221.163
by
Jinjiruks
September 7, 2007
11:40 AM
Isyu
to all,
Pasensya na sa inyo at medyo hindi ako nakakapag-update sa blog. Start na kasi ng training ko sa bagong work at medyo alanganin pa nang kaunti kasi 12nn-9pm ang sked. Non-voice namana ng job pero ewan ko bakit kailangan namin mag exam for FCC (Federal Communications Commission) /FTC (Federal Trade Commission) "Sales Rules" & TCPA (Telephone Consumer Protection Act) things na yan.. masyado silang strict sa pag clock-in ng mga daily activities, laging pinapaalala.. every minute counts.. Well ayun so far marami nang kakilala na co-trainees, meron pa nga as far as Cavite pa ngayon - up to Marikina magastos kaya (Php 150 raw) kung tutuusin. Kahaon medyo nagulo lang ang sked namin nang bigla na lang pinalipat ng account at pinauwi nang maaga. Medyo naiinis lang at nalito kami, kasi lama mo na bigla kaming iniwan ng trainer namin not knowing kung anung reason behind that. I mean iyon ang binigay na job offer at nakapasa kami sa mga exams na binigay nila then all of a sudden malilipat kami bigla w/o a concrete/solid reason. It's kinda unfair lang kasi, bakit ganun ang ginagawa nila sa amin. May speculation tuloy na "over-hire" ang positions na iyon at nag "random selection" ang ginawa nila kung sino ang mag-stay sa position na iyon. Nag-antay kami sa lobby at hindi tlaga umalis hanggat hindi namin nalilinaw anu ba talaga ang reason behind that. Sinabi lang sa amin hindi nila mahagilap at nakauwi na raw yung sa training dept., at mag-antay raw sa call nila up to noon this Friday at pag wala tawagan na raw namin kung kailan yung "re-training" namin sa lilipatang account. Sana nga magkaroon na ng linaw itong paglipat naming ito. Kahapon nga pala nag-text na sa akin yung studio coordinator ng 1 vs 100 at this Saturday raw ng hapon ang taping.. wish me luck na sana maka-kubra kahit papano ng pera.. huhu! Hindi ko talaga alam kung anung strategy ang gagawin kasi puro namang common sense (na hindi common sa lahat..) ang mga questions nila kaya aasahan ko na lang ang stock knowledge ko talaga.. para maging "unbeatable's"..

11:06 AM
Basted
Last week pinagtapat nitong matagal ko nang ka textmate na may nararamdaman raw siya sa akin at willing naman siyang maghintay, gaya-gaya na nga kami kay Turismo.. toinks! hoping but not expecting. Pero ayoko talaga nang ganung may umaasa sa akin dahil parang pine-pressure niya akong sagutin siya. Sa totoo lang wala talaga akong maramdamang "spark" sa ngayon (baka nag aantay ng "spurt") at sa ngayon mas gusto kong magkakilanlan pa kami ng matagal. Hanggang sa sinabi ko sa kanya ang side ko, marami pa namang diyan na mas higit pa sa akin at mamahalin talaga siya - ayun sabi niya naiintindihan naman daw niya at ganun daw talaga buhay lagi raw siyang nate-turn down, umiiyak pa ata at naglasing. Mali ba ang ginawa kong pagsasabi ng totoo sa kanya? Ayoko talaga siyang paasahin na mutual ang nararamdam ko na sa totoo ay hindi naman.
by
Jinjiruks
September 2, 2007
12:40 PM
Subscribe to:
Posts (Atom)