Sana nga

2 Reaction(s)
Malapit na naman ang bagong taon at siyempre nauuso na naman ang resolution na hindi naman natutupad. Kahit hindi matupad itong mga sana ko eh gagawin ko pa rin ang makakaya ko para ma-achieved ko mga ito.

Humaba na at kumapal ang buhok ko sa ulo - Kawawa naman ako siguro dahil sa lahi namin ang ganitong manipis ang hair kaya wala na talaga akong magagawa kahit maka ilang shampoo pa ako dyan.

Mas mahabang pasensya - Pasensya na talaga at may mga oras talaga na hindi na ako makapag timpi at tao ring nauubos ang pasensya lalo na sa mga taong makukulit magtanong nang paulit-ulit na bagay at mga bata na maiingay.

Makapagbigay pa ng malaking pera sa bahay - Para hindi talaga makapos araw-araw na lang pag-uwi ko ng haus hindi nawawala ang reklamo sa bahay - tubig, kuryente, tindahan.. parang walang katapusan talaga.

Makahanap ng high paying jobs para maging stable financially - Domino effect lang iyan, pag stable ka everything follows, sana nga eh matanggap ako sa company na malalabas ko ang potential ko at in return eh palitan rin ng high salary at good benefits. Ayoko na magsalita dito sa current company ko baka lalo pang dumagdag ang kasalanan ko sa mga bweset na iyan.

Mabawasan ang timbang at pumayat - Hay buhay.. puro flabs na lang nakikita ko sa tiyan ko pag naliligo ako at pinagmamasdan ang sarili ko. Kainggit ang mga model dyan at mga naglalaro ng basketball sa labas namin, ganda ng katawan at may 6-packs pa. Kelan kaya magiging ganyan ang katawan ko. Amp. Kelangan ng karagdagan at masusing disiplina sa sarili sa pagkain at exercise next year para kahit paunti-unti eh maging ganun ang katawan ko. Mahirap pero try kong kayanin talaga. Amen!

Mahanap at makilala ang right person for me - Ewan ko bakit ang malas ko talaga pag sa pag-ibig talaga, ibig sabihin ba eh yayaman na ako nito ika nga ni Kris Aquino.. Hmm.. Lagi na lang kasi taken for granted ako kaya ganitong kawawa talaga ako sa huli, Ok sa simula sweet tapos after na may mangyari at medyo nagkasawaan eh wala na rin. Try ko rin naman na walang sex at puro PDA lang kami pero wala rin nagkasawaan rin. Anu ba talaga ang dapat kong gawin kelangan ko ba balanse pero paano.

Sinto

4 Reaction(s)
Pasensya na hindi talaga ako magaling na blogger, maski ang paraan ng pagsusulat ko eh ang gulo-gulo talaga, hindi organized ang mga info. at patalon-talon. Ako kasi eh kung anu ang maisip ko at that moment eh yung ang isunusulat ko sa aking blog.

Akala ko talaga eh hindi na talaga kami magpapansinan ni Tsong at ng mga kasama nya sa office, wala lang ayoko lang talaga ng may nagagalit or nagtatampo sa akin. Iniisip ko rin ang philosophy ni Ate Nat na huwag makipag kaibigan dahil magkakaroon lang ng bonding at ako rin ang masasaktan pag nagkahiwalay or pag nagkagalit man. Pero buti na lang at hindi na umabot pa sa punto na iyon. Si Tsong na mismo ang kumausap sa akin, common problem - walang kamatayang "dispute" mula sa Payroll namin. Hindi na ata mawawala ang bweset na yan.

Mamaya eh maglalakad na naman akong mag-isa, lagi naman ganun ang situation. Naglalakad habang nakatingin sa mga mag syota, sa pamilya nagkakasayahan. Natutuwa naman ako sa kanila pero may kaunting inggit siguro kasi alam mo na. Buti pa sila may kasama ako mag-isa lang na naglalakad. Nakatingin sa malayo at minsa sa bituin o buwan. Minsan eh uupo muna ako sa tabi ng ilog tapos titingin sa malayo lalo na sa ilog, sa mga sasakyang dumaraan sa tulay.

Nag senti mode siguro, ito yung pinaka peborit ko sigurong parte ng buhay, laging nagiisip ng mga ganung bagay, pati nga pag namatay o may sakit at na-ospital ako eh anu kaya ang mangyayari, sino sino ang dadalaw sa akin. Wala lang naisip lang, kasi hindi ko pa nararanasan at ewan ko kung gusto kong mangyari ba mga iyon. Basta ewan, parang wala akong pakiramdam talaga ngayon lalo na sa mga pakiramdam ng mga taong nakapaligid sa akin.

Pati na rin sa jeep, naikwento ko na naman ito sa mga previous post ko mga ilang araw lang. Anu pa kaya ang maiisip ko habang nakasakay sa jeep pauwi, bakit kaya ganito ako ka senti at nostalgic pa. Gusto ko ma isolate sa mundong ito at mag-isip ng malalim - kung anung plano ko sa buhay, saan ba ako patungo, sino mga makakasama ko sa aking paglalakbay. Mga ganung bagay, naiinis lang ako sa sarili ko bakit hindi ko ma express ng buo rito sa blog ang aking mga nasasaloob. Siguro isang malaking duwag lang ako para harapin ang consequences na maaring mangyari pag ginagawa ko na iyon. May lakas ba akong magsabi sa lahat. Wala pa siguro sa ngayon. Bahala na!

Uploaded Finally

2 Reaction(s)
Finally eh na upload na nina Tere at Raniel ang mga pics at na grabbed na nga ni Nerissa ang iba rito. Buti naman eh nalagay na nila sa Net kasi ilang araw ko na ring inaantay ang mga iyon. Ayun Ok naman ang ibang pics mukha talaga akong ewan pag walang bonnet. Kasi nakakalbo na ako ngayon talaga (HIV positive at hereditary).

Na save ko na rin siya sa email ko for future viewing just in case siguro. Ang saya ko talaga kasi alam mo na minsan lang mangyari sa ito sa isang taon at buti na lang eh natuloy ako at napilit ko pa sumama si Dhez. Kahit hindi medyo Ok yung natanggap kong gift eh Ok lang. Masaya naman ako kasi kumpleto pa rin ang section ng SC ng batch 03 (solid mula pa 1st year up to graduation).

Traces

4 Reaction(s)
I dunno bakit ngayon hindi ko maramdaman ang Pasko talaga, kagaya ng sabi ko dati parang maykakaiba sa panahon ngayon kaysa mga nagdaang mga taon. Parang malapit nang magunaw ang mundo talaga.

Ewan ko sa sarili ko uber lungkot ako ngayon, siguro dahil kahit may mga friends and family ka pa, there is still something missing that makes you incomplete. I dunno anu iyon. Eto na naman tayo nagpapaka-senti mode na naman, medyo napapadalas ata ito.

Everytime na lang siguro while riding a jeepney and when i stare outside, parang bumabalik ako sa memory lane yung mga happy moments when i was young and a student back then. Parang ang sarap mabuhay at wala kang iniisip na problema whatsoever. When i try to look at the Friendster pics of my friends, naiingit ako sa kanila kasi sobrang saya nila na parang kuntento na sila sa buhay nila at walang iniisip na problema.

Siguro i need to unwind more, pero saan naman, kailan at paano. Hindi ko na kilala minsan sarili baka may multiple personalities na ako nito. Hindi ko makita sa salamin ang dating ako, yung ako na nakangiti palagi, yung kinakaya lahat ng problema, yung kahit mahirap lang eh kuntento naman sa buhay. Hindi naman ako materialistic talaga at minsan eh pagkain lang talaga ang libangan ko. Anu bang kailangan kong gawin para maging masaya at kumpleto. Mag Centrum kaya ako.

Get Together

4 Reaction(s)
Kahapon eh ginanap ang 3rd Annual get together ng block section nung college. Balak ko sana hindi pumunta pero wala naman akong gagawin sa bahay kaya napagpasyahan ko nang sumama na lang. Maski si Dhez eh hindi rin sure pero nadaan ko rin sa pilitan.

Mga 10am kami magkikita at 11am raw usapan, unti-unti naman silang dumating. Alam mo na Pinoy Time up to 1pm eh andun pa kami. Yung iba KJ talaga like Lester, Aryeh at Tatay Jeyps. Minsan lang nga ito mangyari hindi pa sila pupunta, 30 mins after kami nakaalis. Nakakasa na ang lahat at nilagay na sa car ni Bro Arnold.

Muntik pa kaming maligaw kasi itong si Arnold hindi naman pala kabisado ang Bagong Silang sa Caloocan kaya nagtanong-tanong pa kami. Hindi naman kasi malinaw na sinabi ni Angelo kung saan mismo kasi bukod sa Lot at Block eh may Package at Phase pa ang haus nila Charlene. Pagdating run eh sabay sabay nang hinanda ang mga kakainin pati na rin ang inumin sa mesa.

May Crispy Pata, Spaghetti, Tacos, Lumpia at mga fruits kasama na ang San Mig lights pero hindi ako umiinom talaga kaya nag Sarsi at RC na lang ako. May videoke na nirentahan kaya buong maghapon eh kainan at kantahan lang ang nangyari kasama na ang picture syempre pang Friendster at exchange gift. Mga past 8pm na kami umalis kina Charlene. Sa kabuuan eh naging Ok naman at maayos na nadaos ang event. Nakausap pa namin si Cha-cha mula Dubai at namigay pa siya ng choco na pinaghatian. Naging masaya naman ako at nakita ko ulit sila.

Angelo - still a gentle giant at uber sa bait, sana magtago kayo
Dhez - makulit pa rin, walang nagbago; buti at nakasama sa reunion
Raniel - kumag pa rin, pero sobrang yaman na talaga niya
Mark - yung kamanyakan at pagka-green eh nabawasan na
Joseph - pareho pa rin kami ng ugali kaya tahimik na lang ako
Nerissa - wala naman - sobrang seryoso ngayon
Tere - aba girl na talaga siya ngayon at hindi na tomboy
Charlene - ganun pa rin ugali since college
Joselle - good girl na siya ngayon kasi may asawa na

Gawad Perwisyo

0 Reaction(s)
Kahapon at around 9am eh nag announce ang coach namin ng nga pangalan na mag voltunteer para magbigay ng mga goods sa Gawad Kalinga nila sa may Cainta, Rizal. As usual kaming mga proby ang tinawag mga 10 kami that time kasama na ang batch 26 (27 kasi kami!).

Mga 9.45 raw eh bumaba na kami sa reception at sasakay na papunta run. Hindi naman kami nakapag 04 (lunch activity code) kaya natanong namin kung paano iyon eh baka ma over break naman kami nun, then sabi niya eh siya na daw bahala sa Supervisor namin. Pagbaba namin eh hindi pa pala iyon at marami pa kaming kasabay na agents na nauna pang sumakay at naiwan pa kami.

Sadyang hindi pinaghandaan ang activity na ito kasi bakit magdadala ng sasakyan eh inuna pa ang mga tao kaysa sa mga bigas etc, sana dinala na lang iyon para matapos na agad at maihatid na. Buti kung malaki eh kaso ang liit at mga 3 sako lang ng bigay ang nadala, ilang balikan kaya iyon. Kaya ayun naiwan kami at nag-antay lang. Tiyempo namang dumating yung Bisor namin ar around noon at nagtaka siya kung bakit andun pa kami. Ayun sinabi namin na nagaantay kami at on the way na raw ang sasakyan.

After a couple of minutes eh pinatawag ulit kami at pinaakyat na para kausapin. Ayun nasabon nang kaunti kasi hindi nakapag 04 at malamang eh magiging dispute na naman siya at hindi mo na naman alam kung kailan na naman siya mabibigay or kung mabibigay pa nga ba. Ayun tinuro namin si Coach kasi siya raw ang bahala. Depensa naman eh hindi naman raw niya alam na andito pa raw kami (samantalang 11.30am eh umakyat pa kami at nakita niya kami at nagtanong pa nga kung bakit andito pa). Ayun imbes na akuin ang responsibility eh kami pa ang nasisi. Marami talaga ang medyo nag init ang ulo pero cool pa rin kasi professional kami at walang personalan.

Pagkatapos nang mahabang usapan eh bumaba na kami at sumakay na papuntang GK village, ayun pagdating naman run eh hindi na naman maayos kasi wala run ang organizer at ang unang batch eh nag repack na lang ng canned goods, bigas etc. Kami naman eh iyon rin ang ginawa hanggang sa nakakuha kami ng balita na bukas na lang raw itutuloy iyon. Wala lang parang nasayang lang ang oras namin dun at hindi man lang namin nakita ang village namin kasi nasa dulo pa iyon at sa DFA ang sa harapan. Maski paguwi eh naabutan pa ng rush hour (bukod pa sa gutom na wala man lang pakain eh sa amin pa ang gastos pabalik) kaya alam mo na nadaan na lang namin sa tawanan at biruan para makalimutan ang problema.

Sensya guys kung magulo mahirap magbigay ng info kasi mamaya eh makasuhan pa ako pag nabasa ito. Basta next time eh hindi na kami mag volunteer kung ganyan lang naman ang ginagawa nila sa amin. What a waste of time ika nga.

Butas Bulsa

0 Reaction(s)
Naaawa talaga ako sa sarili ko ngayon kasi pati pamasahe eh wala ako, buti na lang eh cash ang natanggap kahapon sa Mini Christmas party ng Department namin ayun solve na ang ilang araw na ito. Uber tipid na naman siguro ako nito hanggang sa puntong hindi na ako kakain pa at inom na lang ng tubig. Buti na lang eh nakahiram ako sa ka office mate ko na kinausap ko dati pa, nakuha na niya kasi yugn 13th month niya sa dati nyang employer.

Kagaya ng nasabi ko eh nagkaroon ng maliit sa salo-salo yung Department namin halos hindi nga tumagal ng isang oras iyon kasi yung ibang shift eh may pending work pa sa itaas. Wala na namang thrill kasi kilala ko na iyong nabunot ko. Yung nakabunot sa akin ang problema ko. Akala ko pa naman eh si Djoanna talaga kasi magaling talaga siyang manloko. Amp! Umaasa pa naman ako na polo shirt talaga ang ibibigay sa akin. Eh iyon pala eh ibang tao nakabunot sa akin.

After nun eh may kaunting raffle pa pero mukhang malas talaga ako kahit kaunti na lang kami eh wala pa rin akong napanalunan talaga. Ayun lamon time na, Ok naman yung carbonara kahit medyo tuyo pero ok lang naman mabuti nang meron kesa wala. Tapos yung kaldereta naman eh uber sa mantika at anghang kaya hindi ko na naubos.

Parang hangin lang na dumaan ang party at ilang saglit lang eh nawala na parang bula ang mga tao, kaya kami na lang nina Mark ang natira, ayun usap-usap nang kaunti. Basta kami na lang ang nakakaalam dun. Mga alas 7 na ako nakaalis at mga 9pm naman nakarating sa amin. Sobrang pagod eh nakatulog rin ako agad after kumain at maligo.

Kakagulat talaga itong nalaman ko sa friendster, hindi ko kasi akalain na ganun iyong former office mate ko.. wala lang. Mahirap na magsalita, pero sayang talaga. Haha! Kung matagal ko lang na nalaman eh basta iyon na. Wahaha! Ang kulit!

Teh word

0 Reaction(s)
Sarchasm - the gulf between the author of sarcastic wit and the person who doesn't get it.

Walang Laman

4 Reaction(s)
Kahapon eh wala lamang pera halos lahat ng ATM kahit saan, akala ko naman eh sa area lang namin. Iyon pala eh pati na rin kina Garry (office mate ko). Hindi raw makapag dispense ng pera mga ATM kasi inubos lahat dahil sa 13th month pay.

Mga hapon eh nakipagkita ako sa isang seller sa eBay kung saan eh napagkasunduan namin ang presyo para sa cellphone na gusto kong bilhin sa kanya. Nakakahiya nga sa kanya eh kasi na late ako ng 30 mins dahil sa uber traffic na iyan. Ayun so far eh Ok naman yung cellphone, naiinis lang ako sa Chinese symbol sa keypad pero wala akong balak na palitan sa ngayon at ingatan ko na lang muna.

Saka na ako mag update ulit, naiilang talaga ako at hindi inspired gumawa ng entry pag maraming matang nakatingin lalo na pag maraming tao sa shop. Ampf!

Kita kita

2 Reaction(s)
Patapos na naman ang week ngayon at heto andito pa rin ako sa tapat ng PC at nag i-Internet, mainit pa kasi sa labas kaya just wanna kill some time here. Kahit papano eh nakakapag update ako rito sa message boards and even my blog.

Kakabigay lang kanina ng 13th month as expected and computed ganun pa rin, pero masaya na rin ako kesa naman sa wala. Iyon nga lang ang dispute na inaantay namin eh up to now eh wala pa rin at wala akong idea kung kailan ba siya ibibigay. Malamang siguro pag nag resign ka na rito saka pa lang nila ibibigay as backpay siguro. Mga gahaman sa pera na Accounting Department.

Nakakasa na rin ang mga get together namin para sa buong buwan. Sa Dec. 23 eh annual reunion ng Batch 2003 BSCS section SC (na mula simula eh solid talaga ang grupo na ito). Marami na rin kaming nadaanang magkakabarkada mula pa noong college days at heto andito pa rin kami. Ang iba sa amin nasa abroad na, nag-asawa at yung iba single and happy pa rin. Excited na ako makita yung mga taong matagal ko nang hindi nakikita sa loob ng ilang taon. Lalo na si alam na niya yun kung sino siya.

Sa bandang katapusan naman eh get together rin (pero tentative pa lang iyon) ng mga taga Intel (not the big techy firm) mga ex at mga current, sa totoo lang sabi nila hindi na raw masaya ang Intel ngayon hindi kagaya ng dati kasi na alam mo na puro tawanan at biruan lalo na pag kainan time, halo-halong topic napag uusapan. Nakaka miss sina Yus, Miko at si Alu. Yung grupo nila Pete, Guia at Roger lalo na si Mam Tina na kung saan eh wala akong masabi sa kanyang dedikasyon sa work talaga, kahit hindi pa siya umuwi nang ilang araw eh ok lang basta matapos lang ang project bago umabot ang deadline. Miss ko na kayo.

Sa blogging world eh halos hindi ko kayo kilala nang kaunti kaya medyo hindi ko pa naiisip yung get together.. Sina Ymir at Jeff ang balak ko unang kitain kasi sila lang mga kauna-unahang naging friend ko dito sa blogosphere. Eh ang tanong eh kailan ba talaga, wala namang usapan tungkol dun.

Hindi ko pa alam anu mangyayari sa akin next year, siguro paghahandaan ko talaga ito nang mabuti at talagang loyal at strict ako sa long term goals ko. Bago man lang mag 30 eh dapat stable na kami at may matatawag na aming bahay talaga, wala lang. Iyon lang naman iniisip ko sa ngayon yung maging kuntento or kampante na sina Mama at wala nang inaalalang utang pa, kasi ang laki nang gastos nila sa akin na hindi ko pa naibabalik ang favor sa kanila.

Nakakahiya nga talaga at kailangang pursigido na talaga ako next year para guminhawa naman sila. Hindi ko na iniisip ang sarili ko. Sila muna bago ako, kasi mahalaga sila sa akin. Ang kaibigan they'll come and go pero in the end ang family pa rin ang matatakbuhan kahit anu pa ang mangyari sa buhay mo. Tama na nga.. nagiging pang MMK na ito. Hanggang sa muli!

She Says

0 Reaction(s)
"Maybe I'll share my life with somebody... maybe not. But the truth is, when I think back of my loneliest moments, there was usually somebody sitting there next to me."
-Ally McBeal

Wari

2 Reaction(s)
Tuwing umuuwi na lang ako eh at pagkasakay sa dyip eh, habang umaandar ang sasakyan eh hindi ko lubusang mawala sa isip ko kung anu na ba talaga ang nangyayari sa aking buhay ngayon at saan ako patutungo.

Puro pagbabalik tanaw at mga nangyayari ngayon ang nasasaisip ko, yung mga tanong na kung bakit hindi pa ako masaya ngayon sa buhay kong ito, hindi kagaya ng dati nung ako'y bata pa. Hindi ko na makita yung ngiti sa aking labi ngayon at hinahanap hanap ko pa rin.

Anu kaya ang nagawa ko, anu kaya mga kasalanan ko kung bakit ganito ako ngayon, sandali lang nman ang kasayahan at mas matagal ang panahon ng lungkot. Ewan ko, anu ang kelangang kong gawin para maging masaya ako, maski ang entry na ito eh magulo rin at walang patutunguhan.

Hanggang ngayon pakiramdam ko parang may kulang pa rin sa akin at hindi mapunuan ng mga bagay sa aking paligid, maski yung mga taong inaakala ko na makakapag papuno sa akin eh hindi ko rin mahanap sa kanila. Bakit kaya ganito ang buhay puro pasakit na lang. Kailan ko kaya mahahanap ang kasagutan sa aking mga tanong, kailangan pa bang mamatay ka muna para makita mo ito sa kabilang buhay.

Were Back..

4 Reaction(s)
Kakagulat talaga mga balita ngayon, pagbukas ko ng email eh bungad agad sa akin ang e-mail ng GamePal saying na back to business ulit sila. Naalala ko lang yung mga grudge namin sa company na iyan. Luckily eh may nahanap pa akong co-gamers na nagbigay ng not so nice reaction sa isang blog. Here is teh comment..

***
I started working for Gamepal since December 2006. I have been in there for five months and there’s not a day that i don’t sweat because of scorching environment. Philippines is a tropical country but when i enter my workplace, I just say to myself “Welcome to hell” its like entering an instance in WOW there’s a barrier between cool and hot environment.

And our pay was only $220 a month that amount of money can be made by Americans in as little as 4 or 5 days and we have to do it for a month it was really hardwork and we have to play 4 accounts of World of Warcraft. Eric Smith (OWNER of Gamepal) was a real-life Slave driver when his employees are experiencing lag he would still insist on the 4 account policy.

Thank god it was reduced to 3 accounts because the PL’s (power leveler) can handle the 3 accounts very efficiently with a bot program of course. i was one of the chosen to becone a guinea pig for their experiment they want to see if a PL can handle 2 computers with 3 accounts on each other that makes 6 accounts(damn with my excellent performance)

Thank god it did’nt happen my time with gamepal was shortlived on march 2007 there was massive firing of personnel luckily i was not one of the chosen i suspect that they based the firing people on their IQ good thing i had high IQ so it did not happen to me in the end out 200 PL only 60 people remain only the best of the best remain i forgot to say they changed the game that we play from WOW to FFXI i really did’nt like FFXI maybe because i was really into WOW.

Then on april 29 they told us that all employees are now relieved of position i guess that’s why ERIC SMITH has not been sighthed for a month he was probably hiding from the angry mobs of ex-employees he fired because he was firing people with concrete basis what he did was a violation in the labor code of my country.

They said Gamepal Philippines may return in about 6 months then they are going to call us then we became regular employees i was amazed that some of my colleagues actually stole computer parts in the computers that we are using they stole

7 1G DDR2 RAM
2 geforce 7600GTS 256 DDR2 video card

Maybe it was just for revenge, I wish was able to get at least 1 of those RAM’s. Wow i said a lot things about gamepal. I like playing wow with american players they had etiquette unlike players here in philippines ( they’d just ignore most of the time only a few percent would help if WOW is release in my country ),they really help people with their quest well its the opposite i when run into characters of different faction they always ganked me.

***

Ang sa akin naman eh wala naman na akong grudge na naiwan sa GamePal wala naman akong magagawa bout that kung magtanggal sila, oo sa simula eh nagalit talaga ako kasi bigla na lang magkakaroon ng tanggalan nang walang pasabi kahit 1 week. Pero nakalipas na iyon at alam ko naman ang reason bakit sila nalugi, I won't say on public basta kakambal na ata ng mga Pinoy iyon.

Just in case na magkaroon ng hiring eh Part time lang kukunin ko para may extra income kahit papano, mahirap na mag Full time, history repeats itself. Ayoko nang magulat pa ulit. Hindi ko pa alam kung operational na ang Manila office nila rito since nag declare sila ng bankruptcy and maybe sa ibang site na sila magbubukas ulit.

Random

0 Reaction(s)
"Life, at it's best, is pure and sweet. Moments like this, caught in your hand, stored in your heart, is all a man needs."
-StoneTree, The Dark Homecoming

Nang dahil sa Pag-ibig

0 Reaction(s)
Kakapagod lakad namin kahapon kasama parents ko regarding sa loan concerns sa Pag-Ibig. Mula work eh diretso na agad ako sakay ng Cubao para magkita kami dun at sumakay ng MRT, akala ko pa naman eh wala pa sila, iyon pala eh nasa taas na ang bumibili ng ticket, amp talaga ayun sumunod nalang ako at nakita ko nga sila run.

Pagkabili ng ticket eh sumakay na sa crowded na MRT (wala namang bago roon, dati na namang masikip at puno na pagdating sa Cubao. Then bumaba kami sa Ayala station, sa mapa kasi sa haus eh nasa Paseo de Roxas yung place iyon pala eh mas malapit pag nilakad sa Makati ave, napagod lang kami kakalakad at tanghali pa naman that time.

Then nung andun na kami eh ang rami pa ring tao sa The Atrium of Makati kung saan naka base ang Pag-ibig, ayun inasikaso na yung problema sa housing loan then nag sinabi sa amin na ilipat na lang sa pangalan namin yung lupa para ma re-structure yung amortization namin kasi kung alam nyo lang kung magkano kada month ang babayaran namin pag wala pa kaming ginawang action.

Then pagkatapos eh umuwi na kami, sumakay ng bus papuntang Buendia MRT then sa Quezon Ave kami bumaba, buti hindi pa traffic that time, then at around 5pm eh nakarating na kami sa amin, wala lang nag kwento lang ako. Hehe! Sensya medyo boring, wala lang kasing ma post sa ngayon eh! Next time na lang ako babawi!

He says

0 Reaction(s)
"There are certain things (like relationships) that we can’t just throw away like its trash. We have to take in consideration everything that’s attached to it and if you really want to let it go, we have to ask ourselves if that’s what we really wanted. Because once we let go, we can never take it back."
-Falling Out, Jhed (The Dork Factor)

Usual day

0 Reaction(s)
Wala namang bago sa ngayon. usual Internet after ng work, ayun first time ko magkaroon ng MTD report, buti typo lang at hindi instructional. Malapit na sana ang sweldo time. Hehe! Sana nga eh malaki laki kahit papano ang 13th month kahit medyo bago pa lang. Balak ko sana cellphone muna kasi yung digicam eh pangarap siguro muna sa ngayon.

Random

2 Reaction(s)
"Be the REASON for someone's happiness, NOT just a part of it. Be a PART of someone's sadness, but NOT the reason for it."

Balik sa Dati

0 Reaction(s)
Pasensya na at hindi ako nakapag update ng blog. Medyo tinatamad lang kasi ako at walang mahanap na bagay na ma-post.

Yehey! sa wakas eh balik to 5-2 na ulit nang sked ko at hindi na ako mahihirapan pang gumising nang maaga nito. Mga 3am na ako gising ngaun unlike nung nakaraang weeks na 2am na bawat lakad ko eh patingin tingin ako kaliwa at kanan kung may tao ba, baka mamaya kasi eh nasa tabi ko na at magulat na lang ako. Pero gusto ko lang sa shift na iyon eh paguwi maaga ako nakakapag net rito sa pantry namin na ginagawa ko na up to now.

Ang daming sim sa bahay, nasasayangan talaga ako sa mga iyon at mag expire na lang na hindi ginagamit kaya naman eh ginamit ko na at sayang naman, multi network ako ulit meron smart, globe at sun pero yung luma ko pa ring number ang priority ko, syempre sentimental sa akin ito kasi since 1999 pa itong sim at upgrade na lang at ginagawa ko at cell number retention. Sana nga eh magtagal pa ito at umabot ng isang dekada sa 2009.

Buti na lang at nag text na ang baby ko sa akin talaga, ewan ko paranoid ako masyado at natutukso talaga sa mga nakikita ko sa net. Hehe! Wala lang pero loyal pa rin ako sa kanya sa Dec.9 nga pala ang 3rd months namin at hindi sa 3 (my fault!), ayon natutulungan na niya ngayon ang family niya, alam ko namang sila dapat ang priority kesa sa akin basta wag nya lang ako kalimutan at pagsawalang bahala. Huhu! Miss you baby!

What a Blow

3 Reaction(s)
haha.. kakatawa naman itong video na ito from YouTube.. share ko lang!

KJ mo!

2 Reaction(s)
killjoy - someone who spoils the pleasure of others

Guys pasensya na talaga at hindi ako makakapunta sa mga activities na dapat kong i attend this day una, sa college get together party;no worries pupunta naman ako sa actual event na iyon; pangalawa eh kina jaja, tan, kuya rob and other opismeyts ko, hindi rin ako makakapunta sa company pre-Christmas party.

May personal reason ako kaya hindi ako makakapunta at saka isa pa eh wala na akong budget kahit pa sa transpo man lang kasi nabigay ko na naman ulit sa tindahan, kasi nakikita kong papaubos na naman ang laman nito ulit at madalas eh ito ang nagliligtas sa amin pag gipit kami. Tawagin mo na akong KJ wala naman akong pakialam talaga sa comment nyo sa akin. Wala naman akong magagawa run. Sana nga eh hindi lang dumating sa point na iyon na kung anu pa masabi nyo sa akin.

Sa work naman eh ganun pa rin frustrating pa rin an Payroll Dept kasi yung disputes namin eh hindi pa na resolve baka mamaya eh sa backpay pa ibigay ng mga le*** na yan, hindi na sila nakakatuwa talaga, kung ganyan sila na tatamad-tamad eh mabuting mag resign na sila, isa sila sa mga anay sa kumpanya. Ilang minuto lang nyo gagawin yan eh tumatagal para kayong gobyerno, mga bulok pes**!

Sa Dec 3 ulit eh 3rd months na namin ng baby ko, hindi pa kami nagkikita at miss ko na siya talaga. Antagal namang dumating ang half ng December para ma-treat ko naman siya na manood ng sine at kumain sa labas. Busy pa rin siya at nag aajust sa work niya. Maraming ka opismeyt ko nangungulit sa akin na ipakilala ko raw, pero KJ nga ako at ayoko, low profile lang kami at private; hindi ko ikanakahiya meron lang matters na hindi na dapat pang for public scrutiny. Sana nga eh pag may time kahit a simple walk lang sa may river eh Ok na sa akin with my Baby watching th fishes and other non biodegradable things na palutang lutang dito. Haha!

Malapit na naman ang Pasko, wala pa ring bago sa buhay ko. Maski mga bagong gamit wala pa rin, sapat lang kasi kinikita ko at usually eh sa gastos sa bahay napupunta. Yung balak kong bilin na cellphone eh nde ko na muna iniisip. Hindi ko pa naman talaga kailangan iyon.

Teh Word

0 Reaction(s)
Frisbeetarianism (n). - the belief that when you die, your soul goes upon the roof and gets stuck there.

Apply

0 Reaction(s)
Kahapon eh nagpunta kami ng kapatid ko sa Megamall (since walang pasok) para mag apply ng wireless lanline sa PLDT, sana nga eh may makuha kami kasi naka ilang balik na kami sa may Marcos Hi-way na branch nila at laging wala. Ang daming tao talaga, lalo na sa mga ATM areas kaya nagantay pa ako nang matagal sa pila talaga para mkapag withdraw.

Pagkatapos eh napunta na kami sa PLDT sa 5th floor, pinababa kami sa may Dept Store 2nd floor area nila kasi mas mabilis raw application run, kaya ayun punta naman kami, then pagrating dun eh Ok naman at mabilis ang pag aapply 2 IDs lang kelangan nila at hindi na kasing rami ng hingi sa mga office talaga nila.

Pero amp! na out of stock na rin raw sila run, pero bukas raw (which is ngayon!) may 16 units na darating, pero malabo pa rin since marami na rin ang pending. Sana nga eh matawagan na para magkaroon na kami ng linya tlaga. Ang hirap sa payphone kasi abusado minsan yung iba na wala pa ngang 3 mins eh o mga ilang seconds lang after that eh Php 10 na agad ang charge nila.

Hindi pa ako umuuwi kasi sa haus ngayon at nasa pantry area lang at nag-Internet, sayang kasi wala na pasok bukas kaya samantalahin ko na ito. Sana nga eh natawagan na siya at pauwi na ngayon dala yung unit.

Hindi ko pa rin sure kung makakapunta ba ako bukas sa Christmas Party ng company namin kasi nagtitipid ako ngayon sa pera nang kaunti kasi alam mo na hindi naman ganun kataasan ang salary ko at sapat lang talaga para sa mga pang araw-araw na gastusin talaga. Pagiisipan ko muna ito nang mabuti siguro. Bahala na ulit!