I wished someday I could also find someone to say "I Love You, Man" without malice. Someone who represents the freedoms most men hesitate to give themselves, maybe through fear of ending up alone, arrested or locked inside behavior that looks fun when you're young but crazy when you're older. I wished I could also find that LOVE that doesn't speak its name - that of one straight guy for another."
-Wanted: Best Friend Forever, Kunejo's Better Black & Blank
***
I share the same sentiments with Kunejo, although marami naman akong masasabing close friend (lalo na mga kababata), still hindi ko pa rin mahanap sa kanila ang masasabi kong pinaka-BFF ko. Mula pagkabata kasi naging mapili ako sa aking mga kaibigan lalo na't nagka-trauma na ako dati na nagpabago na pagtingin ko sa ibang mga tao. Kaya iwas ako na makipag-kaibigan lalo na't pag malapit lang sa aming lugar. Hindi na nabago ang pananaw kong ito hanggang sa ako'y nagtapos ng pag-aaral at ngayong nagtratrabaho na. Parang hirap sa akin na lapitan sila at makipag-kaibigan sa takot na baka maulit lang ang nakaraan.
Pero sa isang banda nakakalungkot kasi kahit na andyan ang mga kaibigan mo, still may mga bagay na hindi madaling sabihin sa kaibigan mo. Alam ko may phrase na "kung kaibigan ka nila, maiintindihan ka nila", hindi sa I don't trust them pero hindi natin alam kung anung magiging reaction nila and mas mabuti nang ikimkim ko sa sarili ko ito kesa naman sila ang magbago. Kaya nga hinahanap-hanap ko rin ang taong iyon na masasabihan mo ng lahat ng mga problema at sikreto mo. Makakasama mo sa mga kalikutan ng isip mo, mga trip mo at kung anu-anu pang hindi mo maiisip na pwedeng gawin.
Hindi naman kasi pinipili iyon, kagaya ng minamahal eh kusa rin iyong darating sa iyo sa oras na hindi mo inaasahan. Sana nga hindi na ako mag-antay na kasing-haba ng paghahanap sa special someone. Malay natin andyan lang pala siya at nagsisimula nang makipag-kaibigan sa akin at hindi ko lang siya napapansin dahil sa hindi ako tumitingin.
hmmm.. minsan kailangan mo rin alamin sa sarili mo ang totoong hinahanap mo - kung BFF nga ba o pag-ibig. Draw the line first.
ganyan kasi ang sa akin. pero ewan ko lang kung applicable sayo yan. Sa pagkakaibigan kasi, pupwedeng magkahiwalay kayo but still, andun yung 'kaibigan' factor, but once na magcross ko sa limit, alam mo na sa sarili mong hindi lang kaibigan ang hanap mo.
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
Dear Hiraya
April 14, 2009 at 4:55 PMun na nga ang critical na dapat matandaan, kung alam mo kung hanggang saan lang or limitasyon. kase napaka thin ng line na naghihiwalay sa dalawang iyon, hindi mo alam your crossing the borderline na pala. salamat fjords sa advice. sorry ah hindi ako medyo nakakadalaw sa blog mo, hindi ko alam san ang comment section mo eh.
Jinjiruks
April 14, 2009 at 11:02 PM