Legend of the Seeker, season 1-2 / season 3 cancelled
Sword of truth fan, sayang nga lang at hindi na siya masusundan. More than 10 pa naman ang sequel na at too bad hindi na natin siya mapapanood as a TV series. Nasasayangan ako sa recent developments sa pag cancel ng show at umaasa pa rin ako na in due time babalik rin siya sa ere at babalik ulit ang RPG hunger ko for this kind of show.
Fringe, season 1-2 / season 3 - Sept 2010
Medyo nawala ang momentum ko nung nabitin ako (hindi kasi kumpleto ang nabili kong DVD nito at ung 2nd rin and finally after a couple of months, nakakuha rin ng kumpleto). Hindi ko alam kung ako lang pero bumagal ang plot niya bandang season 2, natutuwa ako sa pagpapalit ng intro based sa story, naging retro at bloody red naman nung season 2 finale. Sana hindi magaya sa sliders ang theme nya na may invader thing pa sa ibang dimension. Yung love interest between Peter/Olivia ang inaantay din ng lahat.
CSI, season 1-10 / season 11 - Sept 2010
Hindi talaga ako fan ng forensic sciences, pinilit ko siyang panoorin at i-appreciate pero hindi ko talaga siya nagustuhan at pinapanood lang pag no choice na talaga. Although natutuwa ako sa mga side comments nila lalo na sa crime scene. Siguro hindi ko lang tipo ang masyadong realistic at malayo sa fantasy/supernatural theme.
Heroes, season 1-4 // season 5 cancelled
Naumay na rin ako dito since naputol ang momentum ko nang hindi na naman kumpleto ang nabili kong DVD niya, paunti-unti pinapanood ko siya pero sa ngayon, wala pa akong drive para ituloy siya at yung kapatid ko panay ang spoilers sa akin na nawawalan na ako ng gana.
Aside from Ghost Whisperer and Supernatural. Siguro balak ko ring panoorin ang Bones and Blood. Sabi nila maganda daw. Paisa-isa lang muna siguro at pag may time na.