[Tipid]

0 Reaction(s)
Hindi ako pumasok ngayon sa pagasang malaki ang matitipid ko. At makapag pahinga na rin (sana). Katapusan na kasi ng buwan at ayoko nang mabago ang stats ko sa function namin. As much as possible ayoko pumirmi sa bahay dahil wala naman akong magandang maririnig dun at puro negative nalang ang laman ng bahay na iyon.

Hayz buhay. Sana nanalo nalang sila sa Lotto para tumigil na ang bunganga nila tungkol sa problema sa pera. Ako sa parte ko, ginagawa ko naman ang lahat ng paraan para ma-manage ang mga utang nila na ako ang nagbabayad. Inaalo ko lang sarili ko sa pag divert ng problema sa pagpunta sa bahay ng ka-tropa at usap lang lalo na sa nalalapit na ToyCon, o kaya dito sa NetCafe kung saan nagbabasa ng articles regarding working on another country. Ewan. Hanggang kailan na ganito ang buhay ko, paulit ulit lang.

Kinapos na naman

2 Reaction(s)
Buhay nga naman, kahit anung pagtitipid ang gawin mo. In the end palaging kulang palagi. Nakakainis din minsan ang pakiramdam na palaging ikaw nalang ang gumagawa ng paraan sa pamilya nyo tapos sasabihan ka pa ng madamot kahit halos buong sahod mo eh naibigay mo na sa kanila.

Anu pa ba ang gusto nilang gawin ko. Magnakaw nalang kaya ako sa banko para lang mapunuan ang pagkukulang sa pera. Pag walang pera palaging nagbubunganga. Alipin at takaw na sa pera ang mga tao sa bahay. Kakapagod na minsan ang ganitong sitwasyon. Yung tipong, ginagawa mo na nga ang lahat pero wala pa rin sa kanila.

Araw araw kinakapalan ko mukha ko sa panghihiram ng pera dahil kahit pamasahe ko na nga lang buburautin pa nila sa akin. Syempre natural lang na magbabayad ako sa oras ng sahod ko. Tapos maririnig ko dagdagan mo naman. Iyon ang ayoko talaga sa lahat, ang sinasagad ako. Dahil in the end, sino ba ang mapepeste at obligadong mangutang para sa pamasahe. Ako di ba. Hindi sila. Sarap layasan minsan pero syempre hindi mo magawa kasi maraming bungaga ang umaasa sa iyo. Kahit hirap ka na nga balansehin ang stress sa trabaho at paano aalagaan ang sarili mo. Dagdag pa sa problema ang pagiisip sa kanila. Ewan. Nakakaurat na.

[Hope]

0 Reaction(s)
Give time to grieve, but tomorrow, pukpukin mo ang sarili mo na ituwid ang buhay mo. There is hope, but you have to work your way harder and smarter to find it.
-DragonFly via PinoySG

Sabado galaan

0 Reaction(s)
After magpahinga ng ilang minuto. Napagpasyahan na magpunta sa Trinoma kasama si Iyam para makapag-register sa gaganaping 35th Milo National Marathon. Nagkita kami sa Commonwealth Market, umalis bandang tanghali. Medyo naguulan pa rin kaya nagdala na rin ako ng jacket.

Dumiretso na agad sa PlanetSports Trinoma. Kinausap ang staff. Excited pa naman kami pero nawala bigla nang nalaman na wala pang singlet na pinapamigay, maski ang registration. Nagbi-bid pa daw kung sino ang mag-oorganize. Hayz, kakalungkot, nakakahiya kay Iyam kasi sinamahan pa niya ako sa pagpunta. Tumingin-tingin daw kami sa website ni Coach Rio for updates. Maski sa ibang shop like Merryl eh wala paring singlet, nag-dadalawang isip naman ako sa Reebok kung tutuloy rin since iniisip ko ang budget.

Gumala lang sa mall at nagpalipas ng oras. Tumingin-tingin ng sale since GreenLight sale that time. Nakabili ng murang casual shoes. Kumain rin bago umalis sa mall bandang hapon. Maraming napagusapan tungkol sa mga susunod na byahe at gala. Definitely sure ang Sagada pero napaguusapan rin ang Bohol this August. Hayz, kung mapera lang ako hindi problema mga ganitong bagay.

Maraming gagawing activities this June, lalo na ang Toycon this June 18. Nagiisip-isip na rin sa ibang path na tatahakin. Tumatanda na ako at kelangan ko nang magipon para sa sarili ko. Hopefully next year, matupad ko na itong plano ko at pagbabago ng direksyon ng buhay. Hanggang sa muli.

Pesteng Chedeng

0 Reaction(s)
Muntik na namang pasukin ang bahay namin dahil sa buntot na dala ni Chedeng. Buti naman at lumihis na siya ng landas at hindi na tumama pa sa bansa. Sa work naman, sobrang engot ko na hindi ako nagdala ng jacket o kaya payong. Alam ko naman na uulan na pero heto dahil sa katigasan ng ulo eh umalis parin na walang dala. Kaya napilitan nung isang araw na sumilong sa loob ng Commonwealth Market.

Hindi naman ako makapaglakad dahil mataas rin ang agos ng tubig. Mga ilang minuto rin akong nagpatila ng ulan. Nag-text na rin ako sa bisor ko na baka ma-late ako. Hanggang sa humina na siya nang kaunti at nakaalis na rin ako. Grabe, hindi pa naman ako nagdala ng extra na polo that time. Nag-jacket nalang ako na nakatago sa locker at saka suot para hindi mapansin. Masarap umulan pero wag naman na tipong sasabay sa pagpasok mo. Nakakapeste rin siya kahit malamig ang panahon.

Marami pang bagyo na papasok sa bansa at talaga naman. Opisyal nang pumasok na ang panahon ng tag-ulan. Hindi na naman makakatulog nang maayos ang mga tao dahil sa pagbabantay sa tuwing walang humpay ang bagsak ng ulan.

[Empty]

0 Reaction(s)
"I hope something happens. It doesn't matter if it is good or bad; I don't care. I hope something happens so this feeling of emptiness would vanish into the past, fleeting into another confusing phase of life."
-Emptiness, Rudolf's One Midnight Wolf

Who Am I - Casting Crowns

0 Reaction(s)

[Sasama] ako..

0 Reaction(s)
"If you only asked, sasama ako sa'yo, but not because I always go with anyone who'd ask to take me out or kaladkarin ako for that matter. Kung sasama man ako sa'yo tonight, it's because it's you."
-Mundane Glen, Alter's [God]Mode On

Mara[torn]

0 Reaction(s)
daming gustong salihan na race, undecided pa rin pero eto yung nasa isip ko,

Reebok Zigtech Fun Run
June 5, 2011
Bonifacio Global City
5K/10K/15K
Organizer: Pep Squad Events

Registration Fee:
5k – PHP 550
10k – PHP 650
15k – PHP 750

Merrell Adventure Run
June 18, 2011 @ 5:00am
Timberland Heights, San Mateo, Rizal
5K / 10K / 21K
Assembly is at 5:00am for all categories. Race starts at 5:40 am (21K), 5:50 am (10K), and 6:00am (5K).

Registration Fees: (Inclusive of Race Kit and Race Singlet)
P500 – 5K
P650 – 10K
P800 – 21K

35th MILO National Marathon
July 31, Manila Eliminations

Entry fees for Metro Manila Races:

42.195-K Elimination Race - P 500.00
21-K Run - P 500.00
10-K Run - P 500.00
3K Kiddie Run & 5-K Fun Run - P  100.00

Toby's SM San Lazaro
The Athlete's Foot, Robinson's Galleria
Planet Sports Trinoma
The Athlete's Foot Alabang Town Center
Toby's, MOA
Planet Sports Glorietta
ROX, Bonifacio High Street

SM Recto atbp, teh [PS Boys] wagwagan trip - [Part two]

0 Reaction(s)
Saturday morning. Nagmamadali na umalis sa office. Slide shift nga pero around .5.30am naman nakalabas ng office. Inantay ang friend na umuuwi rin sa Montalban na may car at makiki-hitch. Good thing around 7am nakarating na sa amin.

Nagmamadaling kumain at nagbihis para puntahan sina Angelo at Rene sa FX Terminal para mabilis kaming makapunta sa Divi[soria]. Hindi makakasabay si Thomas at babawi nalang next time. Sina Emer at Abundio naman sa may Recto na namin kikitain. Sorry guys at 8am na ako nakarating dahil marami pa akong inasikaso.

Nakarating sa LRT station by 9am. Kaunting prank kina Emer at sinabing nasa Recto na kami at bakit wala pa sila nang ganitong oras. Sorry ulit at kailangan nyo pang mag-taxi imbes na mag LRT. Hehe. Puro tawanan ang usapan nang magkita kami dahil nga sa hindi naman nag-eexist ang SM Recto at na-mistaken for Isetann ko ang place. Puro sisi at tawanan ng kwento nila mula sa Taxi driver na nasakyan nila.

Nagpatuloy ang laugh trip at kumustahan. Lalo na kay Emer, kung si Abundio eh halos isang taon naming hindi nakita, ano pa kaya kay Emer na ang huling kita ko pa eh mga 3-4 na taon na. Malaki ang kanyang pinagbago at medyo lumobo na rin siya dahil na rin sa sedentary lifestyle sa office, na walang ginawa kundi ang kumain at umupo sa loob ng 8 oras at minsan na-extend pa tuwing may overtime.

Bumaba na ng jeep dahil traffic na, dumaan sa Tutuban Mall then lakad ulit sa Divisoria Mall para mangalap na kinakailangan para sa proyekto namin na hindi ko muna sasabihin at sa takdang panahon pa. Inabot kami ng tanghali, pero si Emer lang ang nakabili matapos ng sakit ng paa kakaikot sa Mall.

Minabuting magpunta sa Quiapo para dun maghanap. Nakabili kami nina Emer at Abundio ng kailangan namin pero syempre marami pang dapat bilhin para makumpleto ang bawat isa. Past muna sina Angelo at Rene at nag-canvass muna sila. Bale next week eh or sa katapusan ng buwan bago sumapit ang June. Harinawa kahit papano kaunti nalang ang kailangan sa susunod na buwan.

Hinatid sina Emer at Abundio sa sakayan dahil meron pa silang pasok at overtime mamayang hapon samantalang kami eh sumakay na rin pauwi sa amin. Salamat sa bonding ulit lalo na kay Emer na ngayon lang namin nakita ulit. Hanggang sa muling pagkikita and hopefully kumpleto na tayo na bibili ng mga gamit and all set na tayo this June.

Nag-enjoy po ako kasama kayo. Kakawala ng weekdays stress ang bonding at tawanan ng tropa. Bukas back to reality na naman sa trabaho. Have a nice weekend guys!

All by [Myself] - Eric Carmen

0 Reaction(s)


I don't want this feeling..

[If only I could..]

0 Reaction(s)




very heartwarming Singaporean ad, matatagalan pa bago maging open minded ang mga tao sa ganitong issue..

ang [Natutunan] ko

2 Reaction(s)
"Sa kabila ng lahat, may natutunan ko, hindi ko sasayangin ang oras ko sa mga bagay na hindi nakakapag-pasaya sa akin. Hindi ko obligasyon ang taong mas piniling maging malungkot dahil sa nakikita nilang mas masaya ang iba. Walang sigurado sa buhay, maaaring bukas makikita niyo pa ako, pwede din namang huling blog post ko na to. Walang pwedeng magsabi kung kelan matatapos ang buhay... kung kelan titigil ang paghinga. Pero isa lang ang alam ko, na hawak mo ang desisyon para i-enjoy ang buhay.

Masaya ako. Kuntento ako. Sinusubukan kong makagawa ng mas maraming tama kesa sa mali. Sinisikap kong maging isang mabuting kapatid, anak at kaibigan. Pero sa kabila ng lahat, may mga tao pa ding pinipiling mas pansinin ang mali, kakulangan at ang pagkakataong maka sakit ng damdamin ng iba."
-Dahil Minsan Nangangamoy Galit Din Ako, Bunwich

Teh [Darling of the Senate] does it again

0 Reaction(s)
“Huwag mo nang pasukan ito. E kung kaming mga senador, hindi kami pumapasok sa pagboxing pero kung gusto mo e pwede rin [Don’t get yourself involved in this anymore. We senators don’t engage into boxing but if you want, then we may]"

“God said in the Bible, 'Go forth and multiply.' That meant that God wanted man, not necessarily to literally multiply, but to go out to work with the rest of the human beings of this planet and to apply the stewardship theory. Meaning to say, taking care of each other, who are all in the planet living together."

“They are quoting Jesus … but none of them were living when he was around plus they're quoting God but the Bible says no one has ever seen God. In fact, if we claimed to have seen God, as I said, you are in urgent need of psychiatric care" 
-Senator Miriam Defensor Santiago, quoting Rep. Manny Pacquiao to back off regarding the heated RH Bill issue.

full article here

ang [Sarap] Magbiyahe!

0 Reaction(s)
Ang sarap magbyahe! Explore ang mga lugar na hindi mo pa nararating. Accomplishment mo yon kapag napuntahan ang lugar ng gusto mo. Sarap ng feeling!
-Reminisce, Marco Polo's Kol me Empi

kita-kits ulit this November sa Sagada, Empoy and Mami Yanah, miss you guys!

me chance pa kayang makita natin ang kailaliman (est. 12 feet) ng Bokong Falls

lazy/siesta time malapit sa Sagada Church

hehe, hindi ko malilimutan ang scene na ito, too bad ma eexeperience ko ulit itong part na ito at marami pa akong mararanasang hirap sa full circuit ng Sumaguing Cave

[pS boys] wagwagan [tRIp]

0 Reaction(s)
Maagang nagkita-kita sa town plaza ang PS boys na sina [Angelo, Rene, Abundio, Thomas at ang inyong lingkod]. Canvassing time and Marikina at Cubao ang destination namin. Nakaalis na bandang 7.30 ng umaga.

Unang pinuntahan ang Marikina at dumaan sa palengke, bumili na rin si Rene ng toys sa kanyang kids, nahilo naman si Abundio sa free na kape. Nagbigay ng downpayment sila Thomas sa isang shop at babalikan nalang niya ang materials.

Sumaglit sa Marikina Riverbanks para tumingin tingin rin. Pinagtripan ang ice scramble at snowy cone. Then sumakay na ulit papuntang Cubao. Kumain saglit sa isang fastfood then umalis din kainitan ng tanghali papuntang Camp Crame. Nagtingin-tingin ulit. Nag-canvass ng street price.

Kaunting harutan na parang mga bata. Epekto ng kape at ice scramble siguro. Nagikot ikot ulit sa mga tindahan hanggang sa makarating ulit pabalik sa Cubao. Grabe ang init at naglalaway na ang aso at baka na-heatstroke na rin.

Throughout the day, naka 2 down si Abundio, 1 down kami ni Angelo at walang nabili sina Rene at Thomas. Hehe!

Next week ulit ang wave 2 ng pag canvass namin ng mga gamit sa Divisoria naman at kasama na ngayon si Emerson na inaabangan ng lahat, kung totoo ba ang sabi-sabi na bloated na ba siya at kaya nyang panindigan ang character niya. Wahaha!

Maraming salamat ulit PS boys sa bonding time, it's been a year na rin since sumama si Abundio sa tropa at buong araw walang ginawa kundi sumakit ang tiyan kakatawa at panay ang kwentuhan. Really enjoyed your company. Till next week ulit. Hehe! Hopefully yung mga priority eh mabili na natin.

[Paano?] ba maging ma[saya]

0 Reaction(s)
"Gaano ba kasarap sa pakiramdam ang maging masaya? naaalala mo pa ba kung paano ang umasa? o marahil, nasabi sa sarili na sana'y nakilala mo na siya noong una pa lamang? sabihin mo sa akin kung bakit kahit mahirap mabuhay, nagagawa mong tumawa. para kanino ang iyong mga ngiti?"
-Asa, Alter's [God]Mode On

[Check]

0 Reaction(s)
Kakatapos lang bumisita sa resident dentist ng area namin. Hindi nya maalala ang name ko pero nang tingnan na niya ang baby teeth ko saka palang niya ako nakilala. Done with my bi-annual oral prophylaxis and nagpa-update na din ng lightcure. Daming ring kwento si Dra. Genet habang ginagawa niya ito. Kung san saan kami napunta mula sa kwento niya sa asawa niya hanggang sa supermarket. Nanghingi na rin ako ng advice about sa oral antiseptics and ung swollen gums ko. Dahil daw sa trauma iyon at hindi bacterial. As much as possible kiddie toothbrush daw gamitin ko at ung electronic nalang kasi kawawa na daw ang gums ko sa ginagawa kong way ng pag toothbrush.

Mamayang hapon kikita ulit with the PS Boys para sa canvassing na gagawin namin bukas. Hanggang sa muli.

Random Picture - Outland's Majestic View [WoW]

0 Reaction(s)

 nakakamiss ang wow..

Wishlist - World of Warcraft Horde Crest Zip-up Hoodie

0 Reaction(s)

The Saltwater Room - Owl City

0 Reaction(s)


really really like this song..

[Chum]

0 Reaction(s)


DSC00144 by jinjiruks
bunso sa mga pusakals, pamangkin ni Chester at Raptor

Parang Ondoy

4 Reaction(s)
Kagabi nakaranas na naman kami ng tuloy tuloy na paguulan. Akala ko matatapos rin siya pero nang magsimulang umabot na sa interior ng gulong ang baha na syang indicator namin na papasukin na ang bahay namin.

Nataranta na naman mga tao sa bahay dahil signos na naman ng tag-ulan at puyatan na naman sa paglilimas ng tubig baha. Pag ganitong sitwasyon, aantayin muna namin matigil ang pagulan para nde magsayang ng energy sa paglilimas ng tubig, kaso halos 2 oras na eh walang patid pa rin ang paguulan.

Unti-unting pumasok na nga siya at umabot pa hanggang binti ang tubig baha. Mga pusakal sa bahay eh nakatingin lang habang pinapasok kami ng tubig at biglang umakyat sa mataas na lugar. Inabot hanggang madaling araw ang kapatid ko bago tuluyang natuyo ang sahig namin at sa wakas eh humupa na rin ang delubyo na dala ng bagyong si Bebeng.\

Senyales naba ito na tapos na ang tag-araw dahil sa pagpasok ng bagyo sa bansa. Malamig nga pero kawawa naman kami pag tuloy tuloy ang paguulan. Shet talaga.

Lumilipad

0 Reaction(s)
Weekend na naman, paboritong araw ng mga nagtratrabaho sa office lalo na dun sa mga toxic na sa trabaho at kulang ang ilang araw na bakasyon.

Maraming plano ngayong Sabado kaso kelangan magpahinga muna at bumawi ng lakas para sa paggising sa hapon. Balak sanang dumaan kina Angelo para pagusapan ang mga bagay-bagay para sa Linggo.

Kaso mas minabuti ko nang mag Net para makapag update sa mga nangyayari sa cyberspace dahil interval nalang ako nakakabisita dahil na rin sa demand ng trabaho at kelangan ng mahabang oras ng pahinga.

Biglang umulan nang maggagabi, kaya salamat naman at malamig ang pagtulog natin ngayon.

Sana nga next week na para sahod time na at nang makabili na ako ng bagong sapatos dahil naghihingalo na siya at kelangan nang palitan. Hindi naman luho iyon kundi kelangan na talaga.

Sayang at hindi ako makakasama sa Pahiyas next week dahil na rin sa dami ng gastos eh kelangan magtipid tipid muna. Hirap talaga pag inaasahan ka sa inyo. Hindi ka makabili ng gusto mo, kelangan sila muna bago ikaw.

Maski sa lablayp bokya hehe, panay ang reminisce sa nakaraan. Sana nga mabago na ang cycle na ito at palagi nalang akong senti at emo.

***

Nagising nang maaga at naghanda para sa jogging.Hindi ko inaasahan na makakasama ko pala doon sina Rene at Thomas, after ng ilang laps huminto na kami at nag-usap nalang sa gagawin na activities ng tropa. Nakausap rin si Rowell kanina sa jogging area, grabe ang laki mo na rin ah. Kelangan mo na rin magpapapayat.

Sumaglit kina Angelo para pagusapan kung matutuloy ba ang pag canvass niya ng PS dahil balak niya isabay sa Internal cafe ang PS gaming. Pinuntahan rin si Abundio after dumaan kina Angelo, pero wala siya at nasa bakasyon daw. Sana lang eh makasabay siya sa amin sa June. Usap sandali at hinatid ako nina Rene at Thomas. Sana lang eh matuloy ang plano namin at hindi puro drawing lang.

Sarap ng panahon, malamig at walang tao sa bahay dahil lahat sila eh nasa bahay nina Uncle habang panood ang panalo ni Pacman kay Mosley. Congrats Manny sa bagong Tagumpay na binigay mo sa ating bansa.

LSS - Only Reminds me of [You] - MYMP

2 Reaction(s)


nung binuksan ko ang Friendster account ko
naalala na naman kita..
I hate this feeling,
to the point na kelangan save ko pa mga pictures mo bago mag sign off ang Friendster
I dunno what went wrong..
masyado lang ba tayong mapusok
nung mga panahon na iyon..
pero alam ko sa sarili ko na ikaw na ang matagal kong hinahanap
kaya lang tadhana na ang naghiwalay sa atin,
despite of the numerous attempts to contact you,
mas minabuti mong hindi nalang magparamdam..
alam ko masaya ka na sa buhay mo ngayon,
can't help it, just can't stop loving you..

Are you ready for [Toycon 2011]?

0 Reaction(s)

[30 Second] speech

2 Reaction(s)

He Says

0 Reaction(s)
"It makes life much more easier to handle. Ending things is painful, however with that pain, one starts a renewal. Once the wounds have healed, a person is reborn. Stronger or weaker: it depends on the choices one will make. In that pain lies sweet sorrow, a reminder that one is alive, yearning for solace in the ironies of life."
-End of the Road, Rudolf's One Midnight Wolf

Nestle 100 years - [Pag-ibig]

0 Reaction(s)

Repost/Reloaded Week

0 Reaction(s)
Sorry kung hindi nakakapag update ng blog for the past few days, umabot lang siguro ang saturation point sa blogging at pahinga ng mga ilang araw. Hindi rin naman ako nakapag net ng halos 2 weeks. At least hindi ako FB dependent unlike others.

Excited at hoping na matuloy ang aming plano this coming Toycon sa June. Kelangan paghandaan at may concrete progress bago matapos ang buwan.

This weekend kakagaling din ng Tali Beach sa Nasugbu, Batangas. Enjoy at fulfilled kasi this is the first time na naramdaman kong nag work ang totoong team building. Yung mga peeps na hindi ko ka-close before eh naka bonding ko at nakapagpalagayan ng loob. Masaya ako at kahit papano palagay na ang loob ko sa team. Thanks po ulit sa masayang team building at hanggang sa uulitin.

Hmm, after Anawangin Cove and Tali Beach. This May, balak ring pumunta sa Pahiyas Festival with my MAC peeps. 2nd time ko pupunta sa ganitong festival after Panagbenga last February. Umaasa rin ako na within this coming months, matuloy rin ang Pinatubo trek na plano ng Prinsipeng Gala na kasasabi lang sa akin na aside sa Anawangin na overrated na at crowded na eh meron pang 2 new cove na sinabi si Kuya Robert sa kanya. Alam kong hindi niya ito palalagpasin.

Iyon muna for the meantime. Theme for life . "Work Life Balance" - lumabas labas at mag enjoy pambalanse sa toxic and stress sa office. Hehe!

Manila EA Team Renier summer fun at [Tali Beach]

0 Reaction(s)