Sunday morning. 5am nagising. Jogging time. Nagkamali pa ng sinakyan, dumiretso imbes na lumiko. So pwersahang mag early walk sa kahabaan ng highway namin papuntang school. Here's the google earth image the school oval kung san po nagpupunta ang inyong lingkod.
Ngayon lang nga ako nagtagal sa jogging, almost 2 hours, siguro naengganyo ako sa dami ngayon nang nag-jogging, dati rati mabibilang mo lang sa kamay mo ang nagpupunta dun, kadalasan puro matatanda pa. Regular pa nga dun si Mang Floro, father ng kababata ko nung nasa San Jose pa kami. Ngayon, makikita mo, mga bata, mga nanay na kasama ang kanilang mga anak, mag-asawa, kasintahan. Nakakatuwa kasi health conscious na ang lahat at nakikita na nila ang benefits of being fit.
Nagpahinga lang ako saglit, then naglakad na ako palabas ng school. Imbes na sumakay ako ng jeep pauwi, trip lang na lakarin pauwi sa amin kahit malayo. Pero this time, sa secondary road ako dadaan at hindi sa main. Maiba lang sambit ko sa sarili. Nagmuni-muni at bumalik sa memory lane, na noong kabataan ko, i used to go this street or that para kitain ang mga classmate nung elementary. Hayz, nostalgia nga naman. Then dumaan rin ako sa depressed area sa bandang ilog. Nevertheless, mas ok pa rin dito kesa sa nakita ko sa Maynila, hindi kasingsikip at dungin ng lungsod.
Past 7 na nang makauwi ako sa amin. Grabe ang pagod at sakit sa paa pero enjoy naman ako dahil kahit papano nakapunta naman ulit sa mga lugar na matagal ko nang hindi nadadalaw. Amen.
A couple of hours later, lang ginawa kundi mag-text lang at nood ng TV. Kausap ko ang friend ko na magpunta naman kami sa Wawa ngayon since maganda ang panahon, kagaya ng iba kong kakilala eh, pag malapit ka talaga eh hindi mo mabibisita mga tourist attraction sa inyong lugar.
Nagkita kami bandang alas-2 ng hapon. Nagbabadya ang ulan dahil makulimlim kaya minabuti ko nang magdala ng payong. Akala ko nga hindi siya matutuloy dahil maarte pa naman itong friend ko na kapag ganun eh di matutuloy pero nag-SMS siya na malapit na siya dun sa meeting place namin.
So ayun, dali dali na rin akong naglakad. Mga ilang minuto pa eh nagkita na kami. Ang porma niya ngayon, sabi ko sa kanya bakit iyan ang suot mo eh pupunta tayo sa ilog niyan. Bahala siya kamo, maputikan at madumihan. Sumakay na kami ng jeep, tingin sa tanawin sa kalsada. Nagsimulang umakyat na sa Wawa, ang bilis niya maglakad, excited kasi kaya ganun. Eh ako hingal na agad sa baba palang.
Buti nalang at napawi na ang itim na ulap at nagsisisi ako kung bakit nagdala pa ako ng payong ngayon. Sinumulan na naming tahakin ang lugar, wala pa ring pinagbago, isa paring Paraiso ang lugar na parang buntot ng Sierra Madre. Sabi ko sa sarili ko, kailangan ma develop na ang lugar na ito para marami rin ang makamalas ng kagandahan nito.
Kagaya ng sabi ko, since tagulan, malakas ang buhos ng tubig sa dam kaya walang cottage sa baba at sa bandang itaas lang. Nakakita pa kami ng mga turistang Koreano sa lugar na nag-eenjoy sa pagsakay sa balsa. At mukhang isang pamilya sila at nakita ko pang nag-iihaw sila ng baboy. Palaging kwento ko sa kanya nung kasama ko si Kuya Al na ginala na niya ako sa ibang parte nang Wawa nang sinubukan namin daannan ang kaliwang bahagi nito mula sa isang hill sa likod ng Eastwood (isang subdivision), kung paano namin tinawid ang nakakatakot at mataas na irigasyon at nakita namin ang buhay sa taas ng kabundukan, ang panghuhuli ng isda at kuhol ng mga taga dun pati na rin ang pagsasaka sa itaas.
Sa ngayon kanang ruta ang dinaanan namin which is bago sa akin at hindi familiar. Hindi kami tumawid sa ilog at nagpatuloy sa paglalakad. Sinuong namin ang kasukalan, mga nagtataasang mga talahib at halaman. Kahit papano me nakikita pa rin kaming mga bahay roon. Kakagulat nga at inabot pa ng kuryente ang lugar nila pero ang tubig mula sa malinis na bukal. Ang problema nga lang sa lugar na ito eh ang pagdadala ng mga kalakal nila, papunta at pabalik. So since malapit sila sa ilog, through raft nila pinapadaan pababa o kaya naman sa isang lumang gulong at pinapaanod nila hanggang sa makarating ito sa lugar malapit sa Dam. Ang mahirap lang dito ang pagdadala nila pabalik ng mga bigas at iba pang kailangan nila.
Hanga ako sa kanila, dahil kung ako lang ito hindi ko kakayanin ang mamuhay sa ganun pero masaya siguro dahil simple lang ang buhay at walang materyal na inaasam which is nakakainggit talaga. Medyo malayo layo na rin ang aming nakarating at kumakapal na ang mga puno, andun na pala kami kung saan pwedeng mangaso basta may permit lang. Ang ganda ng lugar kaso nakakatakot kasi bakit parang me icon ng isang mata sa isang structure dun at inisip ko nalang na parang kulto siya or something. Pasalamat nalang ako at hindi umulan talaga kung hindi, baka ma stranded kami at maputik ang aming damit at shorts.
Mukhang narating na namin ang dead end ng trail na iyon at nakasalubong namin si Mang Gerald, taga roon at nagtanong kung me daanan pa ba sa lugar na iyon. Sinabi niya na delikado na roon at bato na ang nasa paligid nito at pag nadausdos ka pa eh malalim na bahagi ng ilog. Kinausap namin siya na san pwede sumakay sa isang balsa o kaya bangka pabalik, dahil gusto lang namin masubukan makasakay sa ganun, tama tama naman at may kakilala pala si Kuya kaya kinausap na rin niya ito at sinabing kung pwede ihatid kami sa may paanan malapit sa dam.
Although nakasakay na naman ako sa banka, at hindi kalaliman ang ilog, nakakatakot pa rin dahil nga me dala kaming cellphone. Binalanse muna bago kami umalis. Grabe ang scene na nakita ko habang sinasagwan kami ni Kuya, ang mga ulap na bumababa sa kabundukan kahit mas-alas 4 palang ng hapon. Ang gandang tanawin, sinabi ko sa sarili ko, pwede na akong mamatay ngayon dahil namalas ko na ang isa sa mga magagandang tanawin na nakita ko sa buong buhay ko. Lalo na ang dalawang bundok na siyang seal ng aming lugar, ang alamat ni Bernardo Carpio, ang dalawang matayog na kabundukan na pinagmamalaki ang sarili niya sa sinumang nakakakita nito.
Nagkwento rin si Kuya sa amin habang tinitingnan namin ang mga tanawin mula sa ilog. Kung paano ang buhay nila run, kung hanggang san may ilaw, kung paano pag madilim na, yung buhay nila nung panahon ng hagupit ni Ondoy, yung mga namamatay dahil inaalay sa diwata ng ilog, issue rin sa NPA since mabundok ang area, yung military outpost na hinahanap ko, kung taga san siya at halos taga Antique ang mga taga roon. Nakakatuwang marami kaming nalaman bukod pa sa nageenjoy sa aming munting paglalakbay.
Narating din namin ang paanan ng Dam, at bumaba na rin kami sa may mababaw na lugar at nag trip na naman itong friend ko na sa kaliwang bahagi naman kami pumunta, nakita kasi namin na parang may maliit na ilog rin sa kaliwa nito at curious kami kung san galing ang agos nito. Nilakad ulit namin, ang lamig ng tubig at malinaw siya, compared sa silt mula sa main river, masasabi kong parang sapa o batis siya na hindi ginagalaw kaya malinaw siya at pwede pa atang inumin.
Medyo nahiya naman kami dahil merong naliligo sa bandang ibaba, nagpaalam naman kami nang makadaan. Grabe parang nasa ibang mundo kami habang tinatahak ang kung saan nagmula ang maliit na ilog na ito. Makikita mo ang mga kawayan sa kaliwa at ibang nagtataasang mga puno. Naka ilang liko kami at nakita rin namin ang pinanggagalingan niya, isang maliit na talon at hindi masyado puntahan ng tao. Bago na naman ito sa akin at sa pagbalik ko, hindi pwedeng hindi siya babalikan kung sakali naisip ng barkada na magpunta ulit sa lugar na iyon. Hindi na sana kami tutuloy pero dahil sa akin at may nakita akong maliit na hagdan sa kaliwa nito, sana hindi ko nalang sinabi ito, at ayan umandar na naman ang pagigng adbenturero kaya umakyat kami.
Nakasalubong pa nga namin at ilang taga roon at naligo rin pala. Medyo mabato ang falls na iyon at delikado pag nagslide ka dun. Sa taas naman nito, tuloy pa rin ang agos niya pero dahil hapon na nun, minabuti na naming called it a day at bumalik nalang sa ibang araw. Medyo malayo na kasi at malay ba namin kung ayaw ng mga enkanto na merong mga taga lupa na mapapadpad dun, ako hindi ako naniniwala pero ayokong makakita ng mga laman-lupa kung sakali man na totoo sila. So ayun, tinahak na namin ang daan pabalik sa baba ng Wawa, humanga sa mapuputing bato (limestone) kung saan bakit tinawag na Montalban (white mountain) ang aming bayan.
part of Montalban, showing the water system from Wawa dam (marked as A),
passing through the area of M.H. Del Pilar
Sumakay ng jeep, grabe ang pagod. Nagpahinga habang nagpapahangin.Hindi alintana ang mga pasahero. Nakakatuwa dahil sa loob lang ng isang araw. Marami akong natutunan sa bayan namin at napuntahan. Nakakilala ng mga lokal sa area na iyon. Basta, sarap ng pakiramdam at hindi mo maipaliwanag ang kasiyahan na nadarama ko sa araw na iyon. Kung pwede nga lang na ulit ulitin ko iyon ay gagawin ko, pero pangako ko sa sarili ko iyon na maglalakbay ako bilang treat sa sarili at sa awa ng Diyos eh nakakapaglakbay naman kahit papano.
Pasensya na medyo mahaba ang post na ito. Hindi ko ramdam ang haba nito dahil nageenjoy ako at gusto kong ibahagi ang eksperiyensyang ito. Hanggang sa muli at salamat po sa pagbisita palagi sa aking blog.