Thank you 2012!

0 Reaction(s)
6 years (Teh Other side of [Jin])
9 years (as a blogger)
105 followers
2,255 blog post
4,450 blog comments
114, 923 page views (Blogger)
151, 222 page views (Stat-counter)
19,065,333 page rank (Alexa)

Talamitam - Batulao twinhike adventure

0 Reaction(s)
5am nakarating nasa McDonalds Pasay Rotunda, wala pang tulog at nag charge lang ng cellphone sa cafeteria minutes ago. Dumating si Mark 30 minutes later then si RJ na tinanghali na ng gising at around 6pm. Si Roy mula Alabang siya na daw ang bahala mag byahe papuntang Nasugbu. Sina Ms. Sam and Kristel since me car sila eh diretso na sila sa Km. 83 which is the jump off point at Mount Talamitan.

parusa ang init sa Talamitam, late na kasi kami umakyat kaya ganito ang nangyari na nasunog na ang balat namin, buti nalang at mahangin kung hindi baka na heatstroke na kami, ang bilis ng mga girls at newbies, mga 2hrs ang estimate time pero nakuha namin in 1hr 19mins ang trek

pastulan sa taas, buti nde na heatstroke ang mga baka at kabayo na ito..

embracing nature

the five who dared the fiery Talamitam

dun naman tayo next time, lolx

almost an hour lang ang pagbaba namin, mabilis pero tirik naman ang araw, kaya sunbaked ang glowing skin naming lima

after Talamitam, nagpaalam na sina Ms. Sam and Kristel at na drain din sa sobrang init at pagod kaya hindi na sila makakasama sa Batulao, hinatid lang kami sa Evercrest mga 12nn, meet namin si Roy na since 10am eh andun na at nagaantay sa amin. Quick lunch  then nag proceed na kami sa Batulao at around 2pm, nag tricycle na kami pa shortcut since nag offer sa amin na half price usual fare kaya kinagat na namin. Kahit mainit at nde pa kami nakaka recover sa Talamitam eh nag-enjoy naman kami sa hike kahit pawis masyado, wala masyadong mountaineer along the way kaya solo namin ang kabundukan at wala akong ginawa kundi magsisigaw sa pangungulit lang

taking pics at one of the summits of Batulao

Father, bless the mountains

oo yan ang aakyatin nyo

hapon na rin kami nakausad at natitigil lang kakapicture, tumigil saglit para magpahinga at uminom ng buko juice, mabilisang pace na kami at nagtatakip-silim na at wala kaming headlamp na dala, hanggang sa inabot na kami ng gabi sa daan at salamat nalang sa mga dumadaan na taga nayon na merong dalang ilaw pati na rin sa ibang mga mountaineer at nairaos naman namin ang mahabang daan palabas. Kahit sobrang hapo, wasted na ang itsura at sobrang sakit na ng katawan, masaya parin kami at 2 bundok na naman ang naakyat namin ngayong araw. Salamat sa mga sumama at naging matagumpay ang pagakyat namin. Hanggang sa muling pagakyat sa kabundukan.

Fujiwara Effect of 2012: Friends Old and New

0 Reaction(s)

".. The metaphor of the two pairs of friends merging as one group and interacting with each other created a new friendship and a superb experience that we can look back anytime."
-Fujiwara Effect in Maculot, Sir Ian's Blog


teh Great Outdoors Adventures of 2012

2 Reaction(s)
You just achieved Level 10 Great Outdoors status! You need your own Travel Channel show! (Foursquare Badge)

ang taon ng 2012 ay isa sa mga masayang taon para sa akin dahil na rin sa hindi lang sa pagbibiyahe kundi ang karanasan sa pag trekking kung saan self motivate ang inyong lingkod, tapos na ang panahon na kelangan mag-antay pa ako ng magyaya para lang dito, kelangan magsimula ako sa sarili ko at patunayan na kaya ko ring mag organize ng mga ganitong aktibidad at ma-share sa aking mga kaibigan ang experiyensyang  ito..

17th Hot Air Balloon Fiesta (02.11.12)
Air Force City field, Clark AirBase, Pampanga
First time sa HotAir Balloon Festival

SAGAda: teh Return (2.23-25.12)
Sagada, Mountain Province
My second time with my friends, very memorable experience and looking forward for my third with another batch of friends

Banaue, Ifugao sidetrip (2.26.12)
Bontoc, Mountain Province
Sidetrip after Sagada, iyon nga lang tapos na ang planting season, kelangan bumalik kung san green ang terraces

Heritage City of Vigan (04.21-23.12)
Vigan, Ilocos Sur

Mt. Daguldol, 688 masl (05.26-27.12)
Hugom, San Juan, Batangas
My 2nd Mountain hike with environmental group GreenLife Icon

Mt. Tagapo, 438+ masl (08.19.12)
Talim Island, Binangonan, Rizal
3rd Mountain, 1st self organized trek

Mt. Maculot rockies, 706masl (08.26.12)
Cuenca, Batangas
4th Mountain, met Sir Ian who became our dayhike guide since then

Mt. Batulao, 811+ masl (09.02.12)
Nasugbu, Batangas
5th mountain with Team Expandables, hindi na ako aakyat dyan pag umuulan sa traumatic mud experience na yan sa baba

South Mindanao visit (9.29.12)
Arrival at General Santos City
First visit to Mindanao, First airline flight experience

Seven Falls Zip-line (10.01.12)
Lake Sebu, South Cotabato
First Zip-line experience

Davao City (10.03.12)
Philippine Eagle Center, Malagos Farm resort
First time in Davao City, was able to visit my Hometown

Mt. Manalmon, 196+ masl and Bayukbuk Cave (11.3.12)
Sitio Madlum, San Miguel, Bulacan
6th official conquered mountain and side trip to one of most technical cave I've experienced

Mt. Pico de Loro (11.17-18.12)
Maragondon, Cavite/Nasugbu, Batangas area
Second overnight camp at Pico de Loro, first traverse and hike with officemates

Maculot - Manabu Twin Dayhike (11.25.12)
Batangas Province
7th Mountain conqured [Manabu], 1st Twin Dayhike

and Hopefully, my last climb of the year would happen at 30th, will try Talamitam/Batulao twin dayhike..

ang TAKBO ng buhay, taong 2012

2 Reaction(s)
mula sa pagsisimula sa 34th National Milo Marathon, naging tuloy-tuloy na rin ang aking pagtakbo nitong taon, nag level nga siya at hindi lang tumatakbo tayo sa flat road kundi sinubukan na rin ng inyong lingkod ang trail run kung saan namalas niya ang ganda ng kalikasan na parang nag trek na rin siya sa mga bundok na kanyang mga inakyat, looking forward sa marami pang takbo na siyang compliment naman sa pag-akyat ng bundok.. Keep on Running!


PSE Bull Run 2012, Takbo para sa Ekonomiya (01.08.12)
Bonifacio Global City, Taguig City
10k, Rank 354, 1hr 9mins 22 secs


Condura Skyway Marathon: Run for the Mangroves (02.05.12)
First run at the Skyway, Meetup with Team Pex Running Club


Outbreak Manila (04.14.12)
Nuvali, Sta Rosa, Laguna
1st Outbreak leg, STARS Alpha Team run


Nature's Trail Discovery Run test run (05.06.12)
Tanay, Rizal
Test run with Running Bloggers

2nd Merrell Adventure Run (06.02.12)
Timberland Sports and Nature club
1st Trail Run, where MUD is just an understatement..
10k, Rank 229, 2hrs 55mins 55secs

36th National Milo Marathon (7.29.12)
SM Mall of Asia
5k, Rank 1580, 35mins 41secs







Ragnarok 2

2 Reaction(s)



Open Beta - see Official Site for details..

Hug this Christmas

0 Reaction(s)

Uphill: teh Trial

0 Reaction(s)
woke up early at 4am para sa makapag-try ulit mag Timberland Heights, this time solo mode dahil hindi pwede mga kasama ko, akala ko nga uulan buti nalang at hindi, sa simula medyo kaya kaya ko pa pero nung nag kick in na ang elevation dumating na yung hingal mode hanggang sa hindi ko na kinaya ang sobrang slope at naglakad nalang ako at bumawi nalang few meters papuntang entrance, hindi ko tuloy alam kung laban ba ako sa upcoming Caliraya Uphill Run at 21k pa siya, Good luck nalang at kelangan mag practice pa.

madali ang pagbaba as usual pero syempre kelangan kontrolin mo at mababasag ang tuhod mo dahil walang preno siya at gravity na ang nagdidikta sau sa pagbaba mo, sana nga puro downhill nalang para makabawi hehe, kelangan sundan ko pa itong mga takbo na ito para kahit papano kung sakali makasali eh may ibubuga kahit kaunti

Iinom ka paba?

0 Reaction(s)

Sabado

2 Reaction(s)
Kelangan mag-work ng two Saturdays para mabayaran ang 24 at 31 at hindi pumasok sa mga araw na iyon. Mamaya na ang Christmas Dinner ng Team Hybrid at 1521 at Forbestown, excited na sa exchange gift mamaya at feeling ko eh as usual yung third wish ang ibibigay sa akin dahil effort kasi ang first and second wish, well I would be thankful pag iyon nga ang natanggap ko. Super busy rin ang mga susunod na araw hanggang sa January sa aking buhay na parang ang tagal tagal dumating ng weekend para ma fulfill ang mga iyon. Sana magkaroon ng Himala ngayong nalalapit na Kapaskuhan, yung tipong sorpresa na hindi mo inaasahan na may magandang mangyayari sa buhay mo. Siya nawa.

one that Endures

0 Reaction(s)

"In those few seconds that I witnessed the kid, I realized how faithless I have become. Seven years since Nanay's passing, I have lost the courage to truly believe with my entire soul. Two years since a previous relationship, I still find fear residing in the deepest parts of my forgiving heart. And up to this very moment, I still have nothing in me to make me hope that a different tomorrow will come. All I turned out to be is an empty and hollow shell of a man, completely different from the little boy who has nothing but his enduring faith."
-The Faithful, Nox' One Midnight Wolf

NEVER stop TRYING!

0 Reaction(s)


running motivation, Go lang nang Go!

Masugid

0 Reaction(s)

in perness, talagang sinuyod niya lahat ng entry ko at hanggang next page pa siya ng Statcounter :)

Interesting..

0 Reaction(s)

Malas talaga

0 Reaction(s)
For the 4th time, wala na naman akong naiuwi na premyo. Maski souvenir wala rin. Mabuti pa nga sa kabilang company dagsa ang mga giveaways nila. Nahahalata ang pagtitipid na nangyari lalo na't maagang natapos ang palabas at pa-raffle kaya naman nakauwi rin ako agad sa amin para makapagpahinga. Salamat nga pala Onik sa pagsama sa akin, kahit na medyo nakakaantok talaga dun at raffle at food lang naman habol natin dun.

Jogging session at Commonwealth

2 Reaction(s)
5am nang nakarating sa McDo Philcoa para kitain sina Mark at Nelson for our jogging session at Commonwealth. Warm up sa may DBP then off we go. Hindi masyado ramdam ang pagod sa first few kilometers. Iba na talaga pag meron kang running buddies talaga at hindi mo ramdam ang pagod. Nagpahinga lang sandali sa FCM then a couple of minutes, resume ulit and this time pabalik naman sa Philcoa. Sumisikat na ang araw at marami nang tao sa kalye, bandang bumagal na matapos ang 10k at me mga part na naglakad nalang dahil sa dami ng tao. Si Mark tumigil na at almost 16k samantalang ako naman eh pinaabot ko lang mag-19k sa aking Endomondo App bago tumigil. Kumain pagkatapos sa may Centris Elements, then nagpaalam sa bawat isa mga bandang 10am na nangakong susubukan naman mag jog ulit sa ibang area naman. Salamat ulit guys sa isang makabuluhang jog session kahit basag at pilay na ang tuhod, go parin nang go.

LSS: How Can I Fall - Breath

0 Reaction(s)


Sa iyo,

Alam kong alam mo na at may nagsabi na sa iyo ng nararamdaman ko, pasensya na at wala akong lakas para ako mismo ang magsabi sa iyo, ikaw na ang bahala kung ano ang reaksyon mo dito at paano ako pakikisamahan, duwag lang talaga ako at hindi maamin sa iyo. Sana lang pag nagkita tayo kung sakali magkaroon ako ng lakas para sabihin ulit sa iyo nang harapan na mahal kita..

Teh only Wish

0 Reaction(s)

"I can wish for this Christmas is that nothing more will happen that will push me to wear a fake and empty smile once again. I know keeping this in my heart will bring me a separate peace only I understand, but even so, I am no longer content. I've always told myself it was far more important to be content than to be happy, but looking back at everything that has happened, I am no longer content in just being content. I'm sad that I'm slowly starting to unlearn the idea that has kept me going through all these emotional problems. Maybe all I want is the ability to actually tell myself I am completely content and happy and desire for nothing else."
-Wish, One Midnight Wolf

Bromance

0 Reaction(s)
"It is those who desire the good of their friends for the friends' sake that are most truly friends, because each loves the other for what he is, and not for any incidental quality"

Rurouni Kenshin teh Movie, thumbs up at Bitin!

0 Reaction(s)

Last Sunday after my morning job. Nagpasya akong manood ng Rurouni Kenshin,  though nagdadalawang isip ako kasi the next week naman eh The Hobbit naman ang palabas. Pero sabi ko sa sarili ko, maraming magagandang reviews ang nabasa ko and decided to give it a shot, since nung schooldays eh napapanood ko naman siya sa Studio 23 pero hindi nagkaroon ng pagkakataon na mapanood ng buo.

Nagyaya ako sa mga friends ko pero busy ang lahat lalo na kasabay pa iyon ng laban ng Pacman at Marquez. So decided na ako nalang ang manood and reward myself sa stressfull officelife im experiencing with. Pagdating doon eh haba ng pila sa SM North pero sa laban naman ni Pacman iyon, marami-rami rin naman ang manonood ng RK. Then pinili ko ang earliest showing that time na 12.45pm. Bumili muna ng snacks then pasok na agad sa Cinema 11.

Puno ang upper area ng cinema mga kasing edad ko usually na mga bata na lumaki sa panahon ng kasikatan ni Kenshin Himura. Tahimik ang lahat sa panonood, tumatawa sa ibang mga eksena.

Personally yung mga part na nagustuhan ko na tumatak sa puso at isip ko, eh yung 1st slash sa face niya kung san yung fiancee ni Megumi eh ilang beses niyang na-slash pero bumabangon parin ito dahil sa will niya na mabuhay pa. Yung agony nung girl over her supposed to be husband. Nakakalungkot ang part na iyon. Next would be yung nakakatawang eksena naman ni Sanosuke na kumain pa sila at uminom bago ituloy ang barefist fight nila. At syempre hindi mawawala ang center ng story na si Kenshin, na sa buong part ng movie eh astig talaga ang moves niya at nganga nalang ako, mabuti nalang at hindi masyado OA at graphic ang moves at natural lang talaga.

Commendable din ang settings ng movie, napaka realistic at feel ko ang ancient Tokugawa era to Meiji restoration age. Mararamdaman mo talaga at parang may inggit na sana ma experience mo rin ang Ancient Japan sa simpleng buhay with matching wooden payong na ewan ko meron paba nun. Iba talaga pag nde Americanize ang movie at Japanese ang director, mapapansin mong loyal talaga siya sa manga at as much as possible yung mga importanteng parte talaga ng story arc eh nasusunod.

Masyadong bitin ang palabas, kagaya ng naririnig ko sa ibang moviegoer na sana merong sequel siya na lalong kapana-panabik ang Juppon Gattana story arc. Can't wait mapanood ang epic battle between Shishio and Kenshin. Sana nga please, me next installment ang RK at marami ang matutuwa dito. Amen!

then it's Love

2 Reaction(s)

Do you stay for their confessions of love, because you don’t want to hurt them??
It isn't love, it’s pity.

Do you belong to them because their sight makes your heart skip a beat??
It isn't love, its infatuation.

Do you pardon their faults because you care about them??
It isn't love, it’s friendship.

Do you tell them everyday they are the only one you think of??
It isn't love, it’s a lie.

Are you willing to give all of your favorite things for their sake??
It isn't love, it’s charity.

Does your heart ache and break when they’re sad??
Then it’s love.

Do you cry for their pain, even when they’re strong??
Then it’s love.

Do their eyes see your true heart, and touch your soul so deeply it hurts??
Then it’s love.

Do you stay because a blinding, incomprehensible mix of pain and relation pulls you close and holds you there??
Then it’s love.

Do you accept their faults because they’re a part of who they are??
Then it’s love.

Would you give them your heart, your life, your death??
Then it’s love.

Now, if love is painful, and tortures us so, why do we love? Why is it all we search for in life? This pain, this agony? Why is it all we long for?

This torture, this powerful death of self? Why?

The answer is so simple because it’s LOVE. It is such an addictive thing that even people who are not having it wish to experience it and share it with others.

Emo

0 Reaction(s)

I failed to understand a few things.
I even, at times, close my mind from matters I never want to face.
I get depressed.
I mess up when I can't manage everything coming by.
I just look blankly out there when I can't help myself anymore.
I mourn, I become sad.
I try to transform my emotions into something else, just to forget.
I lie.
I make mistakes.
I get jealous and upset.
I feel down.
I am hurt.....
but I still choose to exist.
Just because..

Sunday comeback Jog!

0 Reaction(s)
Last Sunday dahil hindi ako natulog sa pag-jog at nauna ang katamaran, sinabi ko sa sarili ko na kelangan ko makabawi this week. Maaga palang eh nagising na ako, buti nalang at hindi nauna ang katamaran at bumangon agad ako kahit kasarapan pa ng tulog at malamig

imbes na sa san jose ang route ko, mas minabuti ko nang mag Wawa route para hindi nakakasawa at paikot ikot kapag nasa San Jose oval area lang na 250m lang siya


then start na ng Wawa jog, sarap ng hangin kaya ganado ako, feel good run at masasabi kong nag improve ako kahit kaunti dahil hindi man lang ako tumigil for 3km na pagpunta ko doon then saka nalang naramdaman ang hingal nung lagpas 8k nalang, nag stop over sa MiniStop para bumili ng juice para replenish energy. Then ung 2nd leg eh Eastwood Subdivision to Barangay San Isidro ang next attempt ko. Sinundan ko ang route na ginawa namin ni Rene pero nalito parin ako sa dulo niya palabas kaya nagtanong na rin ako. Medyo bumigay na rin ang paa ko at sumusundot ang pulikat at sakit sa paa nung bandang 15.5km na ako, sayang nga at hindi ko pa nakumpleto ang 16k at kelangan ko nang huminto. Was happy though kasi na break ko ang 10k record ko na 1hr 18mins during the jog. Need to train more kung gusto ko talaga ma overcome ang 16k barrier.

at dahil nga hindi ko na kinaya mag jog at pumipitik talaga ang cramps, naglakad nalang ako at nag reserve ng energy hanggang sa makasakay ako sa bandang Barangay Tagumpay ng jeep. Marami rin akong nakasabay na joggers na San Isidro ang route nila. Baka next time, uulitin ko ulit ang route na ito, mataas ang elevation niya pero maalikabok. Me nakikita akong ibang route papasok sa Mascap pero not sure kung safe ba dun, need to research more.

Coma ulit

0 Reaction(s)
Matapos ang ilang oras na OT sa office, mahilo-hilo habang naglalakad pauwi sa katirikan ng Haring Araw, samahan pa ng putik at pawis. Bagsak agad sa higaan ko sa matigas na sofa na ilang taon ko na ring higaan sa amin. Mga bandang gabi na nang nagising ako. Iba talaga pag dayshift ka, nasasayangan ako na buong araw ng Sabado eh tulog ka at gising na naman sa gabi. Parang Sunday lang ang masasabi mong kumpletong araw. Nakaka drain na masyado ang trabaho na ito. Kelangan ko na mag-isip isip para sa sarili ko.

Hope

0 Reaction(s)

Naruto#612, Teh Shinobi Alliance Jutsu

Sponge Cola -- Makapiling Ka

0 Reaction(s)


sarap lang ng pakiramdam yung mga sandaling kapiling ka, hanggang alaala nalang iyon at hindi na muling mauulit pa, nakakalungkot pero iyon ang realidad..

Pula

0 Reaction(s)
Sobrang stress na naman kanina. Namumula na nga daw ang makinis kong noo. Muni-muni nga nung madaling araw sa harap ng isang hospital. Nakaka-miss ang maglakad lang nang magisa sa BGC, pantanggal stress at isip-isip muna sa mga plano sa buhay.

Masakit pero Totoo

0 Reaction(s)

"Loving someone that doesn't love you is like reaching for a star. you know you'll never reach it, but you just got to keep trying."

Traffic light by Sarene Cas

0 Reaction(s)

matagal kong hinanap ang video na ito mula nang mapanood ko years ago.. until now tagos parin sa puso kasi totoo at nararamdaman ng bawat isa.. can't help it na maging senti paminsan-minsan lalo na't puso na ang usapan, masyado lang talaga na emosyonal ang mga Pinoy..


credit to Sarene Cas for the video :)

Arestado

0 Reaction(s)
Hirap talaga kapag buong araw eh nasa loob kalang ng bahay lalo na at weekend. Hindi ako sanay na ganito pati na mga tao sa bahay na nasanay na sila na mga maghahating-gabi na ako kung makauwi mula sa byahe lalo na sa pamunundok ko nitong mga nakaraang mga buwan. Me balak sana na magpunta sa may Roxas Boulevard para mag jogging kasama ang isang friend pero dahil sa sama ng panahon eh hindi na siya natuloy. Kaya eto buro sa bahay hanggang sa abutin na ako ng Lunes kung san balik na naman sa mundo ng realidad at mababangis na hayop sa lungsod, Sana lang sa susunod na linggo ay hindi ganito ang mangyari.

Re-United

0 Reaction(s)
Nagkita kita ang ilan sa mga miyembro ng barkadahang PS Boys na sina Angelo, Rene at Thomas sa bahay ni Angelo sa bandang San Jose Oval area. Sayang at hindi pwede si Billy na nagbabantay ng tindahan, si Mike naman walang magbabantay sa bahay nila. Si Cyril, Abundio at Emer naman busy rin sa pagpapayaman.

Kaunting salo-salo lang ng spaghetti na gawa ni tita Bebang. Usap-usap at kwentuhan hanggang sa pagpunta namin sa school oval. Ganda ng panahon, blue ang langit, maraming tao at nag practice ng cheerdancing ata ang mga kabataan. Samantalang kami, naupo sa bandang puno ng Ipil. Kaunting debate lang sa religion si Angelo, palitan ng kuro-kuro.

Matapos ilang minuto ay napagpasyahan nang umuwi at plano na magkita muli kung hindi busy sa susunod na linggo, sana this time kasama na rin sina Mike at Billy at iba pa.

Mas masaya siguro bago man lang matapos ang taon, kumpleto kami. Ang samahan na umabot na ng 14 na taon ngayon.