Usual

0 Reaction(s)
Since bukas na ang shop sa may highway sa amin pag pauwi ko sa work. Makakapag-update na rin ako sa FB kahit isang oras lang. Kaso mabagal ang connection nina kuya, pag Globe talaga super bagal. La akong masyadong ginawa bukod sa pag check ng emails eh hanap lang ng Blogger templates.

Tanghali na ako nakatulog ulit. Barado pa rin ang banyo namin. Nakakainis talaga. Pati reception sa TV malabo rin. Pabor sa akin dahil makakatulog ako nang maayos.

Kanina pagpasok. Ewan ko ba bakit super senti ako bago sumakay sa jeep. Daming pumapasok sa isip ko. Siguro stress lang ito dahil sa dami ng iniisip na problema. Gusto kong mag-unwind pero hindi ko alam kung saan at sino kasama.

Sa sunday, baka mag bonding kaming magkaka-berks, hindi ako umaasa at ayoko mag-plano kasi hindi siya matutuloy kaya mas mabuting sa araw na mismong iyon. Bukas 1st monthsary namin. *kilig*

Leyawt

5 Reaction(s)
After a couple of months or year na ata. Napalitan rin ang layout. Pero hindi pa gaano ayos. Please bear with me. Sa weekend ko pa siya aayusin. Enjoy your weekdays guys!

Wokaton

0 Reaction(s)
Kagabi galing ako sa haus ng aking baby. Cute ng bahay nila kahit maliit lang, maraming mga palamuti sa bahay pati na ang mini aquarium nila. Bonding lang kasama mga pinsan niya. Mga 7pm umuwi na rin ako at tinahak ang EDSA. Ewan ko anung trip ko kung bakit naglakad ako mula EDSA shrine hanggang sa MRT-Santolan. Akala ko malapit lang, grabe ang layo pala. Medyo nagsisimula na akong pawisan. Buti nalang at malakas ang hangin at napawi rin siya. Sobrang kaartehan ng inyong linkod at namimili talaga ng bus na masasakyan.

Past 8pm na ako nakasakay. May mini eksena pa ang mag-jowa na nag PDA bago sumakay ng bus ang guy. Syempre lahat tinginan. Mamatay kayo sa inggit, iyon siguro ang nasa isip nila nung oras na iyon. Around 10pm na ako nakauwi, sobrang latang-lata ako sa pagod. Nag-text muna kay baby at sa ibang friends na nasa haus na ako. Tinapos muna ang PBB then nakatulog na nang hindi namamalayan.

Kinaumagahan, naalimpungatan bandang 3am. Akala ko blackout, kasi ung nagiisang ilaw na nakasindi eh papatay-patay. Lumingon ako sa labas at hindi naman. Akala ko tuloy may nagmumulto kaya kinabahan ako. Iyon pala eh malapit nang mapundi ang ilaw. Hindi na ako nakatulog nung mga oras na iyon. Inantay ko nalang sumapit ang ika-5 ng umaga. Balak ko sana mag-jogging kaso hindi ko na tinuloy, bagkus eh napag-desisyonnan ko nalang na mag-punta sa tulay tutal ilang buwan na rin akong hindi nakakadalaw dun pag umaga.

Ayun nagsimula na akong maglakad. Sobrang lamig pero buti nalang at makapal ang balat ko kaya ok lang. Marami-rami narin ang tao sa kalsada, usually mga 6am na shift siguro mga ito at iba naman mga estudyante. Mga ilang minuto rin ang lumipas napadaan ako sa aming Town Center, at ang mga ginagawa naman sa kabilang side naman. Malaki na talaga pinagbago ng lugar namin. Dati sobrang tahimik at walang progreso. Ngayon unti-unting naskikisabay sa siya sa pagbabago.

Maya-maya pa nakarating na ako sa tulay. Abala ung malaking tubo na nilagay sa kanan ng tulay, para sa baha siguro. Tumawid ako sa kaliwang bahagi at nagmuni-muni muna. Hindi kaaya-aya ang aking namasdan sa aming ilog. Mula nang tinirahan siya sa ibaba. Naging madumi na siya at maraming isda na ang namatay. Pati ang latak ng semento, umabot na rin sa tubig sa kanan tapos sa kaliwa naman tubig mula sa sewer, nangingitim na. Huwag naman sana umabot sa puntong maging Ilog Pasig na ang sa amin.

Umalis na rin ako bigla dahil hindi maganda ang tanawin na nakita ko at hindi narin masyadong mahangin. Bumili lang sa mini-stop ng makakain. Then nakarating na sa bahay. Kakapagod talaga maglakad pero sulit naman. Kahit papano kaunting cardio. Mamaya pasukan na naman.

Lead me Lord - Gary Valenciano

4 Reaction(s)
LSS ako sa kanya na ito, mula nang marinig ko ito mula sa blog ni Baby Daniel (anak ni Oliver) na nasa mabuting tahanan na sa Langit. Everytime na naririnig ko ito, nakaka-uplift ng spirit. Naka-save na nga siya sa aking phone at sa tuwing down ako lagi ko siyang pinapakinggan at nagkakaroon ulit ako ng pag-asa na magpatuloy sa mundong walang kasiguruhan.Salamat "mindslife" sa Youtube video na ito at nakalagpas ka na rin ng 1 million views.

Natapos din

4 Reaction(s)
Sa wakas, natapos na rin ang aking kalbaryo ng mga interview nitong linggo na ito. Makakapag-pahinga na rin ako nang maayos. Makakatulog nang mahimbing at hindi na magkakabisa ulit gaya ng ginawa ko ngayong linggo. Ginawa ko naman ang aking best shot para dito. Hindi ako umaasa pero favorable naman ang comment nila sa akin. Bahala na kung makakapunta sa next stage. Pero for the meantime; back to normal ulit ang aking buhay. Cheers to that!

Talagang napaka-stressful kapag may inaantay kang interview. Parang ang tagal-tagal at gustong-gusto mo na siyang matapos para wala ka nang alalahanin pa. Mula nang nabigay ang schedule sa akin last Tuesday, hindi na ako nakatulog nang maayos at super research at pagpupuyat ang aking ginawa. Nag-message na rin sa baby ko na sana intindihin niya ang situation ko na hindi muna tayo magkakausap nang madalas dahil sa malaking part ng time ko naka-allot na sa pagbabasa at review sa mga articles na kinuha ko online.

Yebah! Ang sarap ng pakiramdam na parang nabunutan na ng tinik sa lalamunan. Kaya sinumulan ko na ulit ang pagbabalik sa normal na buhay. Nyahaha! Ang saya-saya ko ngayon. Can't wait na weekend na at makapag-pahinga na rin. Sisimulan ko na pagbawi sa tulog mamayang umaga pag-uwi ko. Balik Facebook ulit, sana lang pumayag ang shop sa may harap namin na ma-install ulit ang WoW. Sayang naman kasi ang pinaglaanan ko ng pera at panahon. Huhu!

Umay na Lunes

0 Reaction(s)
Naka-leave ako yesterday pero parang wala lang din. Hindi ako nag-enjoy sa araw na iyon. Lalo na't wala naman akong malaruan ng matino. Mula nang masara ang shop ng ka-berks ko. Parang nahawa ako sa umay effect talaga. Mula umaga nakatunganga ako sa higaan ko. Ayoko bumangon. Nanood lang ng TV. Natulog mag-hapon. Hanggang sa pumasok na nga ako ngayon sa office. Gusto kong magpunta sa Wawa sa may amin pero dahil sa wala akong makasama, heto hindi na naman natuloy.

Last Sunday naman ganun din, tamang trip lang na kumain sa Burger Machine nung umaga at gabi. Na miss ko rin ang burger chain na ito dahil nung nasa elementary palang ako ito na kinalakihan ko at may promo pa silang lunchbox that time. Siyempre maraming nagbago, hindi na siya kasing laki at kasingsarap, marahil nagbago na rin ang panlasa ko. Naglakad buong gabi, gusto ko mag-net pero hindi ko alam sang shop. Naiilang ako sa ibang shop at hindi kumportable. Nagpapawis lang ako talaga at nagbawas ng calories.

Mapupurnada pa ang planong Clark namin this Feb dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Kaya heto isip ng alternative kung saan makakapag-unwind kasama mga berks. After nitong interview na ito, makakahinga na ako ng maluwag. Ang hirap maging empleyado talaga, kailangan paghirapan lahat ng gagawin mo. Kelan kaya ako makakapag-simula ng aking business.

Por a Pren

2 Reaction(s)
Supposedly this weekend, the usual na ginagawa ko - punta sa computer shop ni Angelo para maglaro ng WoW. Nagulat ako sarado. Sabi ng nanay niya tulog daw siya. Umuwi nalang ako. Nag-text ako sa kanya. Reply niya - sarado na ang shop at maghahanap daw siya ng trabaho. Nagulantang ako sa sinabi niya. Wala namang dahilan para isara ang shop at hindi naman ito palugi. In fact last week lang iniisip niya na dagdagan ng PS3 o kaya additional PC.

Hayz ewan ko anu na naman ang pumasok sa isipan nitong kaibigan kong ito. Worried na ako masyado sa kanya. Ngayon ko lang sasabihin ito at patawarin mo ako Angelo kung isusulat ko ito. Minsan kasi napapansin ko bigla nalang siyang nagagalit nang walang dahilan. Makikita mo, tatalsik na naman ang ibang mga bagay sa sahig. Lalo na nung nakaraang linggo, kung saan yung isang sako ng kangkong, hinagis niya sa bubong ng kanilang kapitbahay.

Ok sana kung magagalit siya at magwawala, hindi iyong tahimik pa rin siya at walang imik. Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko alam kung papaano. Ginagawa ko ang tungkulin ko bilang kaibigan niya, kada linggo dinadalaw ko siya para kahit papano may nakakausap siya. Pero mahirap talaga na ipilit sa kanya na mag-open up tungkol sa kanyang nararamdaman.

Dagdag ko pang balita, na sinabi sa akin ng isa pa naming kabarkada. Nagwala daw siya sa ibang bahay at naghahagis ng mga gamit. Na-praning mga tao sa bahay na iyon na kabarkada rin namin. Hindi ko pa siya nakakausap nang personal tungkol sa bagay na ito.

Hindi ko na alam anung gagawin para sa kanya. Patuloy pa rin siyang nabubuhay sa nakaraan at hindi makapag-move-on mula nang mamatay ang kanyang nag-iisang kapatid. Kagaya nga ng sabi ni ex niya. Sana nga one of these days makita na niya ang liwanag at makapagsimula ulit. Bagong buhay. Naiinis ako, pakiramdam ko inutil ako at hindi ko siya matulungan. Hindi ko alam kung ano ang pinaghuhugutan niya bakit ganun ang inaasal niya.

Gusto ko bumalik ang dating Angelo na nakilala ko mula pa pagkabata.

Notice

4 Reaction(s)

Wata Wik Again

0 Reaction(s)
Sobrang stresfull ang week na ito para sa akin. Lalo na sa work, grabe - ang daming pinapagawa. Going the extra mile ika nga na hindi na kasama sa function mo pero ginagawa mo parin para lang matapos at masarado na ang account.

Kahapon lang, for the first time after a couple of months or even year. Ngayon lang ako na-late ulit. Kahit pa sakop ng grace period. Count pa rin siya as tardiness. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit kasi ang tagal tagal ko sa CR that time. Nyahaha! Sinamahan pa ng suwapang na jeepney driver at rally sa may QC Circle. Kahit pa nagtatakbo ako papuntang work at todo pawis, wala pa rin.

Kanina naman may interview. I admit hindi ako nakapag-handa para dito at akala ko ganun lang kadali. Pero hindi pala. Grabe ang tension na naramdaman ko that time. Binugbog ako nga mga tanong at ako eto nasamahan pa ng mental block. Kaya tuloy utal sa pagsagot at naligoy pa. Hindi na ako umaasa pa dun. Ginawa ko ang makakaya ko. Sapat na iyon. Kahit magsisi pa ako, wala na rin magagawa.

And come to think na for the first time again nagkaroon ako ng pimples kahit pa anung ingat ko na wag magkaroon. Siguro sa stress na rin kaya lumitaw siya. Una sa cheeks then nung nawala eto sa side ng nose naman. Hayz, san naman kaya lilitaw ulit siya.

Finally makakapag-pahinga na rin ako ngayong weekend. Pero maghahanda ulit para sa susunod na interview this week. Hayz, hirap maging empleyado talaga.

He Says

0 Reaction(s)
"Pero nasanay na ako. Nasanay na ako na hindi na kami nag-uusap. Nasanay na ako na walang kumustahan. Nasanay na ako umagahin sa lansangan. Siguro ready na ako. Ready na ako ma-gain ang freedom ko. Siguro, ready na ako maging single ulit. Lahat naman yata ng bagay natututunan at napagsasanayan."

-Password, The Loves Curiousity

To my Baby

2 Reaction(s)

it's Monday again *yawns*

2 Reaction(s)
Sana nag file nalang ako ng VL ngayon. Sobrang tinatamad talaga ako ngayon. Gusto ko pa maglaro ng WoW ngayon. Lalo na't nasa ibang area na ako ngayon at nakikinig ang GM sa mga request ko. Pero Ok lang, trabaho kasi ito. Kelangan eh. Hays, kelangan ko ng mahabang bakasyon at maraming pera. Har har!

Otaku Expo 2010

2 Reaction(s)

TGIS

3 Reaction(s)
Have a great weekend guys! Miss you baby!

Konfus

3 Reaction(s)
Habang paakyat sa footbridge sa Quezon Avenue pa-MRT. Hindi ko maiwasang malungkot bigla. Meron lang akong naalalang tao. Though masaya ako dahil nakapag-move-on na siya sa last heartbreak niya. Mukhang ako hindi pa sa kanya. Sobrang mahal ko talaga siya na kahit meron na rin ako. Siya pa rin ang iniisip ko. Gusto ko kasing maging kami dahil nakita ko sa kanya ang mga bagay na hinahanap ko sa isang partner sa buhay. Iyon nga lang, mukhang ako lang ang may gusto maging kami. Kaya naman wala akong gana ngayon sa work at nakatulala minsan. Hay, ewan ko. Jinji - meron ka nang special someone. Try to divert your attention. *sigh* Hirap magpakatao.

Dress Code

2 Reaction(s)

Ewan ko nga ba

6 Reaction(s)
Hindi ko maintindihan minsan ang sarili ko. Pakiramdam ko pa rin hindi buo ang aking pagkatao. Ilang tao na ang nagtangkang punuan itong aking kakulangan pero wala paring nagtagumpay. Kelan ko kaya mararamdaman na kumpleto ako. Nalulungkot nalang ako bigla sa hindi malamang kadahilanan. Ayoko na ng ganitong pakiramdam.

Teh Usual

0 Reaction(s)
Sabado. Movie date with a special someone. Still broke at matagal pa sahod that time. Kakahiya, hindi man lang kami kumain at nanood lang ng sine. I thought ok ang Zombieland, it sucks like a zombie rin. Hehe! Pero Ok lang kasama ko naman siya. Kinalikot ko phone niya, daming katuwang mga videos, bluetooth siyempre. Almost 10pm na umuwi. Hinatid muna siya sa sakayan bago ako umalis. Got home before midnight.

Sunday. Usual jogging. Dapat magkaroon na rin ako ng program para dito, hindi yung puro walk, light to medium jog. Pahinga lang sandali. The usual, pag weekend, eh di sa shop ng berks. Playin World of Warcraft pati na rin mga Facebooks apps. Umuwi na rin ng hapon. Text ulit kami hanggang gabi. At iyon ang usual kong araw pag weekends.

Realizations

0 Reaction(s)
Work. Tama na ang panahon ng pahinga at kailangan mag-isip-isip ulit sa pag-angat ng career. Kagaya nga ng sabi ni Ate Vivs kaya siya lumipat eh, bored masyado sa work at paulit-ulit lang ang ginagawa. Wala daw challenge at nakakainip. I agree with her sa ibang mga punto. Wala naman kasing bago. Ilang taon na rin ako sa company at narinig ko ang heads-up ng isang sup sa kanyang agent. Hanggang kailan ba daw siya dun sa function niya mag-stay. Don't you think it's time for you to grow? Iyon ang natatak sa aking isipan ngayon.

Kaya naman next week, seryoso mode na ako at review sa background ng mga internal jobs na apply ko. Narinig ko rin ang side ni Oliver na gusto niyang lumipat ng LOB dahil medyo stagnant na rin siya dun sa function namin. Plano niya na kumuha ng short IT course para may diploma na siya at dagdag credentials. Sabi ko sa kanya kung pwede lang na mag-aral babalik ako, kaso marami akong pinag-aaral ngayon kaya hindi ako makakilos masyado.

Health. Palagi ko nalang sinasabi sa sarili ko na magbabawas ako ng taba pero hanggang salita lang ako. Ilang taon na ang lumipas ganito pa rin ako. Mataba na gurangers. Hehe! Kahit papano nababawasan sa jogging every weekends. Disiplinahin ko dapat sarili ko at pilitin kahit mahirap ang pagpapapayat. Ayoko na sa ganitong katawan kahit marami ang nagsasabi na tama lang daw sa akin. Siyempre gusto ko ibalik ang dating katawan ko kagaya nung nasa college palang ako.

Relationship. Hayz, heto nagsisimula na naman ako pumasok sa panibagong relasyon. Kahit papano may natutunan sa mga nakaraan. Kagaya ni Doc Mike, gagawa ako ng rule - "Don't make relations again with your ex". Nadali na kasi diyan ang isa kong friend kaya mahirap na. Trying my best ulit, and sana magtuloy-tuloy na po siya. Wish me luck. Sa tingin ko naman compared sa mga nakaraan, this is the best relationship that i ever had. Mahal niya ako at nararamdaman ko iyon.

Hanggang sa muli!

Change Status

0 Reaction(s)
basta kung anung bagong scoop, mahilig mag comment mga tao..


Geym

0 Reaction(s)
Dati-rati halos araw-araw update ko mga Facebook game apps ko. Ngayon sa sobrang busy ng schedule. Eto tuwing weekend nalang. Kaya naman nahuhuli na tuloy ako sa ibang mga kakilala ko. Ahehe! Ok lang iyon. Wala namang endgame ang mga java-based games na yan.

Sa WoW naman, heto been following Jame's Horde Levelling guide (minana ko pa sa GamePal), lev. 20+ palang ang aking Tauren Druid. Kakahiya dahil puro greens palang ang equipts. Wala kasing makasama sa WC (Wailing Caverns) instance. Bago umalis sa Barrens kelangan naka Blues/Violets na ako. Nyahaha! Been doin Aquatic Form quest. So far enjoying the Feral Cat form. Grabe ang fastkill. Kakatuwa. Hindi ko lang sure kung kaya ko na makipag PVP ulit since hindi naman ako mahilig makipag-away. Teehee!

Hanggang sa muli!

He Says

0 Reaction(s)
"Wag kang magtangi ng nararamdaman at nalalaman kung wala kang balak panatilihin ang relasyon. Wag mong hintaying ibang tao ang mang-iwan sa'yo. Tandaan, ang umiibig ay nagtitiwala. Kapag nakita mo na ang kaligayahan mo, wag mo nang iisipin na baka may mas hihigit pa sa taong sa'yo na. Sa mundong ito, natural na may nakakahigit at nakakababa."

-Ibang daan pabalik, Elyas' Ang mga Lihim ni Hudas

Changes

0 Reaction(s)
- Mas mahigpit ngayon dahil 1:1 na ang ratio ng error, unang araw palang meron nang mali hehe. Wish ko lang na sana maging Ok ang dispute at madaan sa technicality. Hehe! Pero kung ano man ang kalalabasan igagalang ko siya. Mukhang mapapadalas ang paggawa ko ng ganitong action ngayong taon. Mahirap na makabawi pag nagkamali sa una palang.

- Sa shift naman, salamat naman at huling linggo nalang ng aking kalbaryo sa pagiging midshifter. Next week, nightshift na ulit kami. Sana nga lang, hindi ako ma-headbang gaya ng dati.

- Sa career, good luck nalang next time, still thinking of applying to other position. Bahala na si Batman.

- Sa Transpo naman, been trying to take other route aside sa nakasanayan na. Medyo napapauwi kasi nang alanganin dun sa conventional na dinadaanan ko. Tried yesterday ibang route, maaaga umuwi. Butas naman ang bulsa ko. *sigh* Last na itong experiment na ito. Sa ngalan ng maagang makakapasok at uwi.

- Seeing someone again, wish me luck to both of us. Ayaw ko na mag kwento, ma pre-empt lang.

- Sad naman na mababawasan na naman ang mga holidays namin sa office. Recession kasi sa US kaya tipid mode ang company. Ok na rin kesa naman walang trabaho.

- Sa gaming, balik online ulit, sa all time fave na "World of Warcraft". Bumalik na naman ang gamer's urge ko and pangako Tauren Druid ko, lalakas ka sa aking mga kamay.

- Pangako ko sa sarili ko, ngayong taon, - maglalakbay ako sa buong Pilipinas. No matter what. And February will be a jumpstart. Excited na ako lalo na't kasama ko aking mga ka-berks at pag may time - with my special someone. *kilig*

Hanggang sa muli..

He Says

2 Reaction(s)
"I thrive in old friendships. Time weight nothing when I put bonds in relationships. Don't worry. No harm done. Its a gentle reminder to clutch your words like holding your own offspring."


-Words, Galen's Soul Jacker

Teks Adik

0 Reaction(s)
Eto na naman tayo. Ilang taon ko nang binitiwan ang pagiging textus adiktus. Pero hindi talaga maiiwasan. Lalo na't ngayon, iyon lang ang means of communication namin ng nililigawan ko. Hehe! To the point na umaabot hanggang alas-2 ng umaga kapag weekends o walang pasok at ala-1 naman kapag pauwi palang mula sa shift. Kung dati all-text lang load ko, ngayon naka-unli na ako para tipid. Wala lang, hindi ko nararamdaman ang pagtakbo ng oras pag kausap ko siya kahit sa text lang. Hehe! Hindi naman ako umaasa pero masaya na ako sa ngayon na nagkakausap kami.

Sakto naman na, tuwing pag-uwi ko, saka lang siya na lowbat. Kakainis nga lang kasi nga bawal nga mag-text sa loob ng office at nabibitin ako pag ka-text ko siya tuwing breaktime. Lalo ko siyang nakikilala nang mabuti at nagpapalitan na kami ng mga nasasaloob, mga gusto, mga ayaw. Nagbabata-bataan na naman ang inyong lingkod. Pero pakialam niyo ba. Hehe! Ika nga ni pareng Enrico, "walang gamot sa insecurity"! Hanggang sa muli!

Bagong Simula

2 Reaction(s)
Ilang araw din ako hindi nakakapag-blog. Masyado busy sa laro at sa iba pang mga bagay-bagay. Pasalamat lang at hindi pa rin nawawala kahit papano ang urge to do blogging. Maraming dumating at umalis sa aking buhay.

Bagong simula sa lovelife, after a breakup before Christmas, heto Ok na po ako. Kelangan makapag-move-on na agad and seeing someone right now. This time gagawin ang higit na makakaya kesa sa nauna para sa kanya. Mahirap na magsalita baka maudlot pa.

Sa PS Boys naman (tropa ko sa amin), heto si Angelo na ang nag-initiate para sa bi-monthly na lakad ng grupo. Yung abot lang sa bulsa at makakasama ang lahat. Plano palang naman at mga ilang weeks pa naman. Planning to go to Corregidor and Clark Air Base (nasa checklist na this month). Bonding moment namin, ilang buwan na rin kasi kami hindi nagkikita, siguro dahil busy ang schedule sa work o may ibang pinagkakaabalahan ang iba.

Sa sarili ko naman, heto. Masyadong baboy na ako. Kelangang mag-trim na talaga kung gusto mo pa maging mabenta sa iba. Hehe! Kahit pa sabihing Ok naman ang katawan ko ngayon, gusto ko pa rin bumalik sa dating katawang lupa ko nung nasa kolehiyo palang ako.

Sa karera naman sa trabaho. Gagawin ang makakaya, lalo na't ngayon simula ng taon at maraming internal opening na naman sa trabaho. Sa nakaraang taon, salamat nga pala sa mga awards at mga raffle items na napanalunan. Sana maulit ngayong taon at huwag batiin.

Sa ngayon iyan lang muna ang aking battle plan para sa unang quarter ng taon na ito. Sana nga lang may resulta naman itong effort na gagawin ko. Hanggang sa muli!

Welcome 2010!

6 Reaction(s)

Huling Putok

3 Reaction(s)
Jin,

Ewan ko ba sa iyo, nagpapakatanga ka na naman sa isang taong hindi ka kaya mahalin. Kakatapos mo lang sa isang break-up at heto hindi pa nga lumilipas ang isang buwan. Sinusubukan mo na naman at iniisip mo makakahabol ka bago magpalit ang taon. Tanga-tanga mo pa rin hanggang ngayon. Resulta yan ng kaka-daydream mo. Iniisip mo, katulad ng isang fairy tale na naman ang kwento mo na maganda ang katapusan.

Hindi ka na bata, at hindi totoo ang nababasa mo dun. Magising ka sa realidad. Sa ilang taon nilang pinagsamahan, talagang malalim na ang attachment sa kanya ng kasintahan niya. At nung nakipaghiwalay ito sa kanya, iniisip mo naman na ikaw ang lalapitan. Asa ka pa. Tanga. Hindi ka na natuto, diba nangyari na sa iyo yan dati. Between you or yung isang matagal na niyang nakasama. At sino ang iniwan sa ere? Diba ikaw din?

Anu ba kailangan ko gawin sa iyo at hindi ka rin natuto sa mga naganap sa buhay mo. Move on na. Ginawa mo na ang makakaya mo sa pag-aakalang makakakuha ka kahit man lang simpatya mula sa kanya. Kaso, talagang hindi ka niya mukuhang (o di kaya subukan man lang) mahalin. Sapat na iyong ginawa mo na ang lahat para i-comfort siya sa panahon na sobrang down siya. Nasa sa kanya na lang iyon, kung ma-realize ba niya na dapat binigyan ka niya ng pagkakataon na mahalin.

Sabi ng ka officemate mo diba, maraming isda sa karagatan. Hindi ka mauubusan at makakabingwit kapa ng isdang para sa iyo. Kaya iwanan mo na ang parte ng libro na yan tsong. Matanda ka na. Alam mo na kung ano ang tama at mali.

Top 10 Employees New Year Resolution

4 Reaction(s)
1. I will work smarter. Can you identify three things you can do to be more efficient and effective in your current job? Is your staff spending too much time on e-mail, for example? Too much time returning phone calls? Does it interrupt their work too frequently? Sometimes, those job inefficiencies are not very obvious. However, if they can specifically identify them, then those inefficiencies can be eliminated and staff can become more productive. This can increase work satisfaction as well.


2. I will increase my working network in and out of my immediate area and inside and outside my company. Can you encourage your staff to get to know more people? Can you meet more people not just to say hello, but to find out what they do, how they do it and what skills they use to be productive? Let them know about your traits, abilities and interests, too. Ask yourself if you can you interact with them to mutually benefit both your jobs. Can you include them in your circle of contacts so that you can call on them when you need a favor, a contact, or a reference? The reverse should be true as well.

3. I will find three things that I can do to make myself irreplaceable. Why should the company continue to employ you? Why are you good at what you do? Does the company know this? What else should the company know about you? In times of layoffs or terminations, why should the company keep you while dismissing others? If you cannot answer these questions during economic hard times, in particular, your name could easily be included in any "termination group."

4. I will find ways to get along better with my boss and colleagues. Manage upward. If your boss is not managing you well enough or to your liking, then find positive, non-complaining ways to change this situation so that you are able to share your views with him or her. Do you need more (or less) direction, supervision, freedom, responsibility or authority? What can colleagues be doing more of, less of or doing differently to create a more positive working environment that meets organizational goals? Speak up and make sure your voice is heard.

5. I will join at least one company-wide task force or committee. Do people outside of your immediate group, team or unit know your capabilities, interests and skills? Do you know what is happening in other sectors of our company? Do you know the challenges and opportunities faced by people elsewhere in our organization? By joining committees, you not only gain a broader view of the company's goals and issues, you also challenge your own skills, abilities, and knowledge and increase your networking impact.

6. I will join a professional organization in my area. Life and work are about growing and developing yourself. What have you done for yourself lately? Have you met like-minded colleagues who share some of your hopes, dreams, and goals? Do not miss this important opportunity to learn more about your profession while increasing the breadth and depth of your networking circle.

7. I will take a job-related self-improvement seminar. Are there new techniques, tools and concepts that you need to know about to constantly make yourself into a more important and irreplaceable employee? When is the last time you stimulated your own thinking and gained new perspectives on your job and future? A seminar may very well be the stimulus you need to re-energize yourself and increase your job satisfaction.

8. I will develop four goals to help me grow and develop as a more achievement-oriented employee. Stagnation is the kiss of death in today's corporate economy, where layoffs and downsizing occur daily. So, think seriously about what you can do to be more achievement-oriented in addition to taking a seminar and joining a professional group. Do you want to assume more responsibility in your job? Form or chair a taskforce? Rethink and improve a product, policy, or procedure? Create monthly, open-door meetings with the boss. Be creative.

9. I will evaluate my personal contribution to this organization. List three strengths and three limitations to your overall progress. Identify ways to improve on all six, including what you will need from your direct supervisor or other administrators to help move you along the roadway to success.

10. I will try to improve my relationship with at least one person with whom I do not get along. Take the initiative; meet with him or her and discuss the issues, whether overt or subtle, that prevent you from having positive interactions. Remember that your goal as an employee is to make the best of your talents, create synergies with colleagues and increase the productivity and effectiveness of the company. A clear deterrent to those tasks are problematic people relations. How can you minimize that obstacle to success?

Hopeless

0 Reaction(s)

Yearend

0 Reaction(s)
malapit na naman magtapos ang taon at eto gaya-gaya na naman sa annual awards ni Maryan, ilan lamang sa aking mga faves sa buong taon, maiksi lang din ang aking memorya kagaya ni Maryan kaya eto po ang ilan lamang sa aking naitala..

1 Isang taon na ang nakakalipas nang magpa-survey ako sa aking blog sa tanong na "Sino ang mas pipiliin mo makasama?". At ang hatol - Taong mahal ka 75 (29%), Taong mahal mo 180 (70%).

2 Disaster  - Bagyong Ondoy - grabe ang ginawa ng bagyo na ito sa atin. Talagang ramdam ko ang epekto nito kahit malayo nang kaunti sa Metro Manila. Nalubog sa baha halos ang malaking bahagi ng kalakhang Maynila.

3 Social Networks  - dati sikat ang Friendster dahil siya ang revolutionize ng social networking life ng mga Pinoy pero mula nang magkaroon ng ibang features ang Facebook na pasok sa puso ng mga tao (gaya ng mga applications), napataob na ng Facebook ang Friendster sa ating bansa.

4 Facebook Apps - para sa akin yung Castle Age (though mas marami Farmville at iba pang mga pagsasaka na Harvest Moon clone dyan), nagagamit talaga ang stats ng player at may team-ups pa aginst epic boss.

5 TV Series - hindi naman ako mahilig sa local TV series pero sa foreign naman, siyempre Legend of the Seeker, since I'm a Sword of Truth fan. Syempre the classics "The X-Files" as in ilang weeks kung marathon para matapos lang siya at maintindihan ulit ang buong palabas.

6 Movie - so far 2 movies lang ang nagustuhan ko, yung "Paranormal Activity" at "Avatar" (not the Legend of Aang movie, the James Cameron one), pero siyempre Anticipated na ung "The Last Airbender", sa trailer palang, panalo na!

7 Book - since Dracula fan rin po, siyempre about the great Wallachian ruler ang fave book ko this year - "Dracula: Prince of Many Faces, His Life and His Times".

8 Games - hmm, semi-active lang ako sa mga online games, pero siyempre vow na vow pa rin ako sa World of Warcraft, all time favorite ko ang MMORPG na ito, kaya naman hindi ako papayag na hindi ko ito malaro ulit bago matapos ang taon. Kaya eto starting to play again. Tauren Druid kagaya ng dati. Ahehe!

9 Weekend Pastime - since hindi talaga ako pumipirmi sa bahay, pagpunta lang sa computer shop ng aking barkada ang ginagawa ko twing weekends pag walang lakad, paubos ng oras lang dun.Miss ko na ang mga PS Boys.

10 Out of Town - hmm, twice na naman akong nag Tagaytay and lalo na sa Caleruega, napaka serene and tranquil ng area lalo na pag nasa taas ka ng hill. Ang sarap ng hangin. Ang ganda ng scenery. Puro green. Lalo na ang sunset niya. Ang sarap mag meditate. It uplifts my spirit at nakakawala ng stress. Next year maraming naka booked sa akin travel calendar, minsan kalang mabuhay sa mundo kaya susulitin ko na itong pag uunwind ko. Ang saya-saya.

11 Peers - Bukod sa PS boys. Mahalaga sa akin mga clanmates ko sa Uzzap. Sila ang aking shock absorber at breather sa mga panahon na depressed ako at kailangan ng support. Andyan sila palagi para damayan ako. Salamat guys. Sana andyan kayo palagi thru highs and lows and rest be assured i'm also here for all of you.

12 Hero of the Year - siyempre walang duda na si Pacman ito. 7 titles pa naman. Isa na siyang matuturing na Legend sa Boxing World. Tuwing may laban siya, parang tumitigil ang mundo natin. Lahat nakatutok sa TV at pinapanood kung paano niya talunin ang kanyang mga kalaban.

13 Trapo - Pinaka-trapo sa lahat ng mga pulitiko eh ang ating mahal na Pangulo, na sobrang uhaw sa kapangyarihan at hindi pa nakuntento maging Presidente at tumakbo pa bilang Congressman, para siguro maging Parliament na tayo at maging Prime Minister siya, nakakasawa ang mga balita tungkol sa pulitika. Kelangan ng pagbabago at kung hindi ngayon, kelan pa. Kelan pa kaya tayo makakabangon sa pagkakadapa natin.

14 Happy moment - Siguro nung nagpalit ako ng status na "In a relationship".

15 Sad moment - Nung bamalik ulit sa "Single" ang status ko.

16 Boring moment - ewan ko, pagpipirmi ako sa bahay siguro at yung ibang kasama sa office.

17 Word of mouth - TNT!

SMPABT

0 Reaction(s)
Kakalungkot talaga mga nakalipas na araw para sa akin. Eto single na naman ulit ako. Ayoko na po mag kwento. Sa akin nalang po ito. Hindi ako nagsisisi sa desisyon ko. Para sa ikabubuti rin namin ito. Kahit papano andyan mga kaibigan ko para ma-divert ang attention. Tapos sumabay rin ang iba ko pang kakilala. Ewan ko ba, anung sumpa meron ang last 2 weeks bago mag Bagong Taon at maraming breakup na nangyayari.

Old Pwens

0 Reaction(s)
It was so nice to see those old friends grown up, hehehe! if you think bout it parang kahapon lang..

Some of them eh parang walang utak nun, hehe! as i remember way back in elementary.. theres Donna Martinez, classmate ko since grade 1. I remember dati na nag aaway din kami nito child stuff, hehe! dati when you look at her parang wala lang, pag nakaka away ko pa sarap batuhin ng tsenelas, hehe! peace tyo,=) but look at her now.. Woman with sense.. nawiwili ako pag kausap ko sya, parang sayang lang yung years na nawala na di kami nagkita.. Pero ngayon ayos na, when I need someone to talk too laging nandyan.. mag asawa ka na kasi... hehehe! like i said ako na bahala sa catering and service, hehehe! minsan lang yun ,so dapat special, Theres a lot to say to you pero saka na yun, hehe!.. mag asawa ka na kasi, hehehe!

Another friends dyan sina pogs, Angelo and Jepoy, hehe! were those computer boys dati, medyo geeks! hehe! Angelo friend ko since grade 3 at the same time kababata and kapitbahay ko, as I remember we used to buy itik, play card, holen kung ano uso meron kami nun, hehe! video games kahit minsan nagkakapikunan na kami myqang hapon bati na, and he used to collect bata batuta and funny comics nun, na inubos ko kakahiram at wala nang sulian, I miss this guy, need to do a lot of catch up, hoy! gym uli tyo, ehehe!

Jepoy classmate klo since grade 2, 2nd honor nang class, sya nag turo sa akin mag bike, hehe! eversince we became good friends, last na sama namin nito bago ako umalis papaturo mag gym, silang dalawa ni angelo, ngayon medyo busy na naman sya,,, and my gf na ata ito, hehehe! good for you man! pag kasal mo sa akin uli yung catering and service ha? hehe!

Si Pogz?? classmate ko nung 1st year high.. isa din sa mga geek boys, hehe! minsan nagging kunsensya ko ito kung ano2 kasing mga sinasabi na walang kwenta, hehe! joke! I miss this dude, dibale sa susunod mag titino na ako sabi mo,=) yun lang mas panalo ito my gf na rin, tsk! iba ka talaga pogz, hehehe! basta pag kasal nyo sa akin pa rin dapat bagsak ng catering and service, hehehe! ayos ba?.. see you when I get back, kyo naman isasama ko sa Bar, hehe!

Another old friend of mine.. si Prei, nakilala ko sya grade 4 kami nun, like Angelo kapitbahay at kababata ko din, she used to drop by pag papasok na sa school kasma pinsan nyang si andrew, as I remember nung bata pa nakakalaro ko sya kasama mga bro nya, at sobrang payat, hehehe! parang sakitin lang pero ayos naman...=) I think years din bago ko sya nakita uli.. And she really change... big time.. damn! wow! pero payat pa rin, hehehe! peace pare!=) honestly from that payatot to head turning chick, usually sa bar pag nakakakita ako ng ganyan my song kagad na para dun para ma impress lang,. hehehe! joke! when I get back sana ok ka na and your bussiness masisimulan mo na din yan, basta pag kinasal kyo eh... alam na, sa akin na ang catering and service, hehehe! dont worry guys I'll make it special para naman sulit, or see posters and print adds for details or you can check the website.. hehehe!

When I get back bawi ako sa inyo lahat.. and tnx for the friendship it means a lot to me..=)

-Kenneth, posted via Facebook Blog

Year of the Tiger (with the Dog)

0 Reaction(s)
Forecast for 2010

The Year of the Tiger will be an excellent one for all Dogs with a significant improvement in fortune all year long. They must leave the past behind, for the Ox year was a challenging one, and look forward with optimism and determination. There will still be challenges this year for the Dog, as for all the signs, and it is important that he talk over any potential problems and worries rather than bottling them up. Socially, this is the Dog’s year to shine and many new strong friendships and alliances will be formed. The Year of the Tiger will see increased finances for the Dog with many receiving bonuses or even gifts throughout the year. However, it is important that he takes his time regarding financial matters, checking details and ensuring that he has read all the fine print. May to August will be very significant for single Dogs and all invitations should be carefully considered! September through November will have crucial career opportunities – don’t miss them! Recreational activities and hobbies will also feature strongly, with some able to turn their hobby into their career with great success.

Interesting Dog Facts:
Zodiac Stone: Diamond
Special Flower: Marigold
Best Hours of the day 7-9 pm
Season: Autumn
Horoscope Colors: Silver and Red

credits: Dale's Bum-Spot

Ang Star ng Pasko

4 Reaction(s)
Maligayang Pasko sa lahat. Let Christ be the reason over this season.

Must See Movie

3 Reaction(s)

must see movie.. grabe as in super ganda niya at hindi lang sa graphics pati na rin sa story.. bago magtapos ang taon hope you'll gonna watch this great movie from the titanic director James Cameron..

Anu na

3 Reaction(s)
Matagal-tagal ding walang update at puro pictures lang. Alanganin lang kasi ang shift at medyo demanding ang goals. Plus dagdagan mo pa ng maraming problema sa kahit saang aspect. Unti-unti nang nauubos na naman ang aking bilang na buhok sa bumbunan kakaisip ng mga problema.

Pampalipas lang ng oras ang Facebook, salamat sa Dungeons and Dragons at Castle Age at naaaliw ako sa pagpapataas ng stats ko. Tapos Uzzap sa ibang room, kahit papano nawawala ang pagod.

Condolence nga pala kay Oliver sa anak niyang si Baby Daniel. Sana maging smooth ang recovery phase ng family niya.

Last Weekdays, went to Tagaytay and Caleruega ulit. Pero this time kasama mga berks sa Uzzap. It was fun kahit na empty batt ang cam at kaunti lang ang shots.

No comment sa relationship.

Tagaytay-Caleruega (the repeat) 11.20.09

2 Reaction(s)




Chase Manila YearEnd Party @ SMX, Mall of Asia

0 Reaction(s)

He Says

3 Reaction(s)


Danzou, Naruto Shippuden Ep.476, Sasuke vs. Danzou

Kalbaryong Init

0 Reaction(s)
4th day na ng midshift na ito. Grabe na itong paghihirap na ito. Kainitan ng araw, nasa biyahe ka. Tapos bulok na FX pa ang nasakyan mo. Hindi na talaga ako sasakay sa mga lumang FX na yan. Dapat pinagpapahinga na mga ganyang sasakyan dahil pag tirik ang araw, kung kelan kailangan ng aircon saka pumapalya. Parang tinutusta kami sa looban bukod pa sa pwesto ko na nasisikatan ng araw. Ilang minuto (at parang inabot na ata ng isang oras) rin ang ginugol ko sa pwestong iyon.

Tapos pagdating sa MRT, siksikan pa na hindi na rin kinakaya ng aircon dun at katabi mo mga pawisan rin. Naghalo na ang mga amoy niyo dun. Pagbaba mo pa sa Buendia, sasakay pa ng bus at maglalakad sa katirikan ng araw para makarating sa office. Apat na araw na itong kalbaryo na ito. Hindi ko alam kung makakayanan ko pa ito. Sumasakit na ang ulo ko at natutuyuan ako ng pawis palagi.

Must Watch Movie

0 Reaction(s)

Testing

4 Reaction(s)
2-11pm. Wow start na talaga ng midshift namin. Wala naman akong magagawa kundi sumunod, isang hamak na empleyado lang ako dito sa kumpanya. Kaya kailangan subukan ko ang mga available options sa akin para makapasok o uwi. Masyadong alanganin ang shift na ito, sobrang init pag papasok ka tapos delikado pa pag uuwi ka. Next year ko pa balak mag apartment kaya tiis muna ngayon.

Sa pagpasok, 2 lang pinagpipilian kong route - sa Commonwealth or sa Cubao. Since Php4 lang naman ang difference kaya hindi masyado big deal. Iyon nga lang, hindi ko pa nasusubukan ang travel time sa ganung oras kaya eksperimento muna. Sa ngayon biyaheng Cubao (thru FX) ang kinuha ko. Ok naman ang biyahe pero ayoko na talaga maupo sa unahan. Tirik masyado ang araw at ang init sa harapan. Masusunog ang bag at hita ko niyan. Kaya naman pawis ang likod ko nung pagbaba sa FX.

Buti nalang at may MRT card ako kundi pipila na naman ako ng ilang minuto sa MRT. Buti naman at hindi ganun karami ang mga commuters nung mga oras na iyon. Nakasakay rin ako agad. Bumaba na ako sa Buendia at sinubukan ang isa pang route na bus pabalik sa Estrella (against the conventional The Fort bus at Ayala MRT). Mabilis ang biyahe at hindi mo na kailangan mag-antay nang katakot-takot sa pilahan gaya nung nangyari sa akin dati. Eto pawisang baboy na naman ako habang naglalakad papunta sa office.

Isang malaking challenge eh ang pag-uwi mamaya. Hanggang hatinggabi lang ang terminal sa amin at 11pm pa ang uwi ko. Ayoko nang sumakay sa Taxi pag ganung alanganing oras. Ang gastos talaga. Kaya option ko pag wala nang terminal. Babalik ako sa Batasan Road at dun maghahanap ng diretso na jeep pauwi sa amin. Hayz, ayoko talaga ng ganitong schedule. Pakiramdam ko nag-iipon lang ako kundi sa ospital eh sa libing ko. Umalis nga ako sa comfort zone, pumasok naman sa danger zone. Sana nga at temporary lang ito at next month/year eh back to normal na ang schedule namin.

*UPDATE

Kagabi, todo madali pag-uwi, para maabutan ang ilang nalalabing jeep sa terminal. Nakasakay na rin sa bus agad. Nainis lang nang kaunti kasi sobrang tagal niya sa isang area minsan kung makahakot ng mga pasahero. Anung oras na rin at almost 1am na ako nang dumating sa terminal. Buti nalang at may jeep pa pero punuan pa rin. Pagkauwi sa may amin, walang katao-tao sa lugar namin. Kaya naman nagmamadali rin akong maglakad. Past 1am na ako nakarating sa bahay. Ayoko talaga ng ganitong schedule. Kainis. Masasanay ka sa panganib.

He Says

0 Reaction(s)
"Wag mo na ituloy sasabihin mo, I know what you'll say but I know you know how we both feel for each other, dama ko naman yun, alam kong dama mo din yun, pero I'm choosing our friendship, ayaw kong gumawa ng ikasisira ng pagkakaibigan natin, pipillin ko kung saan mas tatagal tayo.."
-My Love, My First Kiss, Secret Confessions of JayPee

Pesbuk Adik

0 Reaction(s)
Kainis biglang nag-shift ang kaadikan ko mula online games into Pesbuk. Dati rati parang wala lang, flash game lang ito kagaya ng ibang nakikita mo sa Internet. Pero ngayon halos araw-araw kahit man lang isang oras, kelangan makapaglaro ako dahil may hinahabol akong mga stats, achievements at iba pang anik-anik sa games na nilalaro ko.

Una, ang CastleAge - ito ang main culprit kasi ba naman, ok sa akin ang multi-function features niya na bukod sa mga quest, may achievements page pa, random items and yung group battle sa mga epic bosses. Next naman yung Spore Islands, though hindi masyado sikat ito, gusto kong palakasin ang monster ko at tumaas ang biodiversity ng island. Then yung Naruto Shippuden naman, wala lang, mission at jutsus lang. At yung isa sa una kong nilaro, MafiaWars na sa ngayon eh malapit na naman magbukas ang bagong area which is Bangkok. So far, isang job nalang sa Cuba ang naiwan sa akin at patapos na naman ako sa Chapter 4 sa Moscow. Itong apat na game lang ang nilalaro ko sa ngayon, ayoko kasi ng high maintenance game gaya ng Harvest Moon clone na Farville etc.

Siguro pag satiated na ako sa mga ito. Balik shift na naman ako, once na mahiram ko na ang World of Warcraft na installer. Nakaka-miss na rin kasi ang mag-WoW, it has been more than 2 years right now mula nang umalis ako sa mundo ng powerlevelling sa mahal naming GamePal. Very promising ang video game business sa Pinas, iyon nga lang masyado pang bata ito at kailangan pa ng further research para ma pinpoint kung saan feasible ang gaming industry.

MafiaWars Bangkok coming sooner than expected

0 Reaction(s)

How to protect your Password

1 Reaction(s)

Ping Cuerpo - Jonas Cruz showdown

0 Reaction(s)


Cuerpo vows to return to mayor’s post

Suspended official cites Palace order

MANILA, Philippines - Suspended Rodriguez Mayor Pedro Cuerpo said he will return to his post on Monday on the strength of an order from Malacañang granting a stay in his suspension. Cuerpo cited an order dated Nov. 9 from the Office of the President directing the acting mayor, Vice Mayor Jonas Cruz, to “cease and desist” from performing his functions as mayor and relinquish those duties to him.

“Mayor Cuerpo may now reassume his position as municipal mayor in the meantime,” the order signed by Executive Secretary Eduardo Ermita said. The Department of Interior and Local Government (DILG) was also directed to execute the order immediately. But Cuerpo said the DILG had not acted on the order almost a month after it was first issued, prompting his decision to return to office “whether the DILG will implement (the stay order) or not.”

“Otherwise, it will be considered abandonment of duty,” he said, adding that his suspension would have lapsed on Dec. 22. Cuerpo said he expected thousands of his supporters to join him in his attempt to come back to work at the town hall Monday. However, he added that there could be some resistance from the sitting mayor when he returns to his office.

The suspension order, which was issued by the Rizal provincial board in October, stemmed from an old administrative case filed last year against Cuerpo for the construction of the Slope Stabilization and Central Transport Terminal Project in Barangay San Rafael.

-full story here

Traffic na naman kaninang umaga at hanggang Plaza lang ang tricycle na sinakyan ko. Babalik na naman kasi sa office niya ang suspended mayor namin at makikipag-showdown naman siya sa acting mayor namin. Ang gulo-gulo nila. Ilang buwan o baka nga taon na itong issue na ito. Ilang beses nang suspinde at bumalik sa opisina ang aming butihing mayor dahil sa isyu ng katiwalian at negligence sa mga constituents niya.

Sana lang maayos na ng kapulisan ang peace and order sa munispyo dahil matagal na ang away na ito at masyado nang nakaka-perwisyo sa mga tao ang kanilang bangayan. Lalo na siguro pag malapit na ang eleksyon. Wala ako masyadong masasabi sa isyu na ito kundi bukod sa istorbo. Pare-pareho naman silang tiwali. Walang mapili sa kanila. Pulitika nga naman. Gagawin ang lahat sa ngalan ng kapangyarihan.

Symbol of Loyalty

0 Reaction(s)
while browsing wikitravel at Shibuya (a Tokyo ward known for its popular shopping and eating district) - one of the prominent landmark there was the Hachiko statue near the Shibuya station.

here is the story of the famous dog loyal to his master..



In 1924, Hachikō was brought to Tokyo by his owner, Hidesaburō Ueno, a professor in the agriculture department at the University of Tokyo. During his owner's life, Hachikō saw him off from the front door and greeted him at the end of the day at the nearby Shibuya Station. The pair continued their daily routine until May 1925, when Professor Ueno didn't return on the usual train one evening. The professor had suffered a stroke at the university that day. He died and never returned to the train station where his friend was waiting.

Hachikō was given away after his master's death, but he routinely escaped, showing up again and again at his old home. After time, Hachikō apparently realized that Professor Ueno no longer lived at the house. So he went to look for his master at the train station where he had accompanied him so many times before. Each day, Hachikō waited for Professor Ueno to return. And each day he didn't see his friend among the commuters at the station.

The permanent fixture at the train station that was Hachikō attracted the attention of other commuters. Many of the people who frequented the Shibuya train station had seen Hachikō and Professor Ueno together each day. Realizing that Hachikō waited in vigil for his dead master, their hearts were touched. They brought Hachikō treats and food to nourish him during his wait.
This continued for 10 years, with Hachikō appearing only in the evening time, precisely when the train was due at the station

That same year, another of Ueno's former students (who had become something of an expert on the Akita breed) saw the dog at the station and followed him to the Kobayashi home where he learned the history of Hachikō's life. Shortly after this meeting, the former student published a documented census of Akitas in Japan. His research found only 30 purebred Akitas remaining, including Hachikō from Shibuya Station.

Professor Ueno's former student returned frequently to visit the dog and over the years published several articles about Hachikō's remarkable loyalty. In 1932 one of these articles, published in Tokyo's largest newspaper, threw the dog into the national spotlight. Hachikō became a national sensation. His faithfulness to his master's memory impressed the people of Japan as a spirit of family loyalty all should strive to achieve. Teachers and parents used Hachikō's vigil as an example for children to follow. A well-known Japanese artist rendered a sculpture of the dog, and throughout the country a new awareness of the Akita breed grew. Hachikō died on March 8, 1935, of filariasis (heartworm). His stuffed and mounted remains are kept at the National Science Museum of Japan in Ueno, Tokyo.

In April 1934, a bronze statue in his likeness was erected at Shibuya Station, and Hachikō himself was present at its unveiling. The statue was recycled for the war effort during World War II. After the war, Hachikō was not forgotten. In 1948 The Society for Recreating the Hachikō Statue commissioned Takeshi Ando, son of the original artist who had since died, to make a second statue. The new statue, which was erected in August 1948, still stands and is an extremely popular meeting spot. The station entrance near this statue is named "Hachikō-guchi", meaning "The Hachikō Exit", and is one of Shibuya Station's five exits.

Last year, CNN sneaked onto the set of Hachiko A Dog Story, the tale of a long-life devotion of a dog to its owner, an upcoming family drama movie starring Richard Gere.

Movie Poster




















US Trailer


All by myself again

0 Reaction(s)
Ang hirap-hirap ng ganitong sitwasyon. Sa mga panahon na low spirit ka at sobrang down. Hindi ka man lang matulungan ng partner mo. Na supposedly kasama mo to cheer you up and giving you a heads-up. Instead, patuloy ka lang na nilulubog sa putikan sa patuloy na pag-criticize sa iyo. Bugbog na ako sa mga iniisip, hindi mo pa ako matulungan. Anu pa silbi mo ngayon sa akin, na sa ganitong pagkakataon na kailangan kita, mas pinili mo pa ang ibang tao kesa sa akin. Tapos sasabihin mo pa sa akin, i should see a psychiatrist.

Wala naman akong pakialam kung mabasa mo ito. As if may pakialam ka sa akin. Hindi mo nga tinatanong kung anung mga gusto at ayaw ko, eto pa kaya. Pag nilalabas ko problema ko or frustrations, ikaw pa itong nagagalit sa akin. Anu na lang ang pwedeng kong gawin na kaaya-aya para sa iyo, lokohin sarili ko na Ok ako despite na in reality me problema talaga. Pasensya ka na transparent akong tao, hindi ko kaya magkunwari. Kung anu ang nararamdaman ko, nakikita sa kinikilos ko.

Sa ngayon, reality check ako ngayon. At pagiisipan ko mga susunod na hakbang. Kung wala talagang pagbabago na mangyayari. Then kahit ayoko, kelangan ko gumawa ng drastic action para sa ikabubuti at ikatatahimik nating dalawa. Sabi nga sa kanta - "If you really love me, then show me that you give a damn.."

** Update

Nagkita kami kanina, nagkasabihan ng nasasaloob. Status quo. Hanggang sa matapos manood ng movie. Pagkauwi nagkausap nang kaunti. Nag sorry siya sa akin. Naramdaman ko naman na sincere iyon. Sa ngayon, nasa lowest spot na naman kaming dalawa at pipilitin naming makabangon muli mula sa pagkakalugmok sa mga trials ng relasyon namin.

World of Warcraft can be beaten?

0 Reaction(s)


They said it couldn't be done. Well, to be fair, it can't -- however, if one were to track the completion of Blizzard's super successful World of Warcraft by the number of achievements a player had unlocked, then a Taiwanese player has effectively solved that game tape. A character named "Little Gray" on the Wrathbringer server has completed all 986 of the game's 'cheevos, killing 390,895 creatures and finishing 5,906 quests along the way.


However, this triumph of human resolve has been diminished by one small caveat: one upcoming winter holiday–tied achievement, titled "BB King," remains locked, but due to a glitched PvP achievement that apparently unlocked twice, his statistics say he's batting a thousand. With the game's Winter Veil festivities approaching, we expect Little Gray will unlock that last feat soon, at which point the credits will roll, and his account will be permanently erased. Or the server will explode. Definitely one of those two.

-via Joystiq.com

at Enchanted Kingdom

2 Reaction(s)

Mood for the Day

1 Reaction(s)
Ewan ko, wala akong gana ngayong araw na ito. Nakapag-facebook naman ako. Hindi ko lang siguro na upload yung mga pics ngayon dahil sarado ang shop ng friend ko. Pero ewan ko, siguro sa work environment at sa mga tao na rin. La man lang nakakapag-spark ng interest ko sa kanila. Kasawa na.

Next Chapter on teh Twilight Saga

4 Reaction(s)

No more happy Uzzap days

0 Reaction(s)
Starting December 1, may bayad na ang Smart Uzzap at Php 10/day siya. *sigh* Tapos na ang maliligayang araw ng mga kuripot diyan (kasama na ako dun). I guess bye bye time na sa mga chatmates at dun sa may number at naka bonding na text-text na lang. Malamang sa PC na lang ang iba magpapatuloy or yung iba mag-aantay nalang ng next announcement. Hek hek!

Kansel

0 Reaction(s)
Kakalungkot talaga. May lakad sana kami ngayong Linggo, kaso dahil sa madalas na pagbabago ng sked niya, kanselado na naman ang lakad namin. Ewan. Parang ayaw talaga kami pagtagpuin at pagsabayin sa pag-unwind sa stressfull work.

Clip: Fall for You - Secondhand Serenade

2 Reaction(s)


Fall for You
Secondhand Serenade

The best thing about tonight's that we're not fighting
Could it be that we have been this way before
I know you don't think that I am trying
I know you're wearing thin down to the core

But hold your breathe
Because tonight will be the night
That I will fall for you
Over again
Don't make me change my mind
Or I won't live to see another day
I swear it's true
Because a girl like you is impossible to find
You're impossible to find

This is not what I intended
I always swore to you I'd never fall apart
You always thought that I was stronger
I may have failed but I have loved you from the start

Oh, But hold your breathe
Because tonight will be the night
That I will fall for you
Over again
Don't make me change my mind
Or I won't live to see another day
I swear it's true
Because a girl like you is impossible to find
It's impossible
So breathe in so deep
Breathe me in
I'm yours to keep
And hold on to your words
Cause talk is cheap
And remember me tonight
When you're asleep

Because tonight will be the night
That I will fall for you
Over again
Don't make me change my mind
Or I won't live to see another day
I swear it's true
Because a girl like you is impossible to find

Tonight will be the night
That I will fall for you
Over again
Don't make me change my mind
Or I won't live to see another day
I swear it's true
Because a girl like you is impossible to find
You're impossible to find

Ok na

0 Reaction(s)
Nagkausap na kami kahapon, Ok na kami. Yay! Dun na rin ako nakitulog sa kanila. Hindi ko lang alam kung nakatulog ba siya sa lakas ng hilik ko. Me work pa siya sa call center kaya sabay na kami umalis sa kanila. Hatinggabi na rin ako nakauwi kanina. Maganda ang gising ko kanina kasi wala na akong iniintindi na problema. Maski ang officemate ko na nakatampuhan ko, Ok na rin kami. Sarap talaga ng walang issue sa ibang tao.

Testing the Waters

2 Reaction(s)
*sigh* Nalulungkot ako ngayon, sa nakaraang mga araw halos more than 2 weeks na. Madalas kaming nag-aaway. Gusto ko lang naman sabihin ang side ko, pero hindi niya maintindihan iyon at nagagalit pa sa akin. Ako na rin ang gumagawa para magkaayos kami. So far, nakakita ako ng liwanag sa dilim. Handa na siya makapag-usap sa akin at susubukan naming ayusin ang gusot na nangyari.

Sana nga within this week maayos na at bumalik na sa normal ang buhay ko. Ang hirap hirap ng ganitong pakiramdam. Hindi ako at peace at hindi makapag-concentrate sa work. Hindi ko rin alam kung paano sisimulan ang usapan namin. Bahala na siguro. Think positive!

Addicted to Castle Age

0 Reaction(s)

Tambay at Pila

4 Reaction(s)
Buong linggo la akong ginawa kundi tumambay sa computer shop ng barkada ko. Nagpapalipas lang ng oras. Nag-iisip. Minsan praning na sa ilang kadahilanan na mahirap sabihin in public. Kelangan ko rin siguro ng time na makapag-isa. Mag-isip kung anung hakbang ang susunod na gagawin. Ewan ko. Gusto ko mag-unwind ulit. Pag-isipan mga ginawa kong aksyon na siyang nagpabago na naman sa takbo ng buhay ko.

Kanina uminit na naman ulo ko sa haba ng pila ng ATM sa may banko sa amin. Paano kasi iyon lang ang matinong banko dun. Sana naman madagdagan pa para hindi ganun kahaba. Nakakainis lang kasi ang mga taong kung mag withdraw ginawang papalit ng buong pera ang ATM. Mag withdraw ng 400 or 900 para lang maraming 100. Ewan mga bwisit kayo. Bumili nalang kayo sa Mercury drug para mapalitan yan. Isali mo na rin ang mga matatanda na hirap nang magbasa sa screen ng ATM. Kung bakit kasi mag withdraw sila eh nde naman nila mabasa. Kaasar, imbes na sandali lang ang transaction sa ATM tumatagal ng mga 2-3 minuto. Next time magsama kayo para siya na lang ang mag withdraw sa inyo. Mga istorbo.

Wizards Second Rule

0 Reaction(s)
i've learned this lesson the hard way, first from my officemate then now at my loved one.. *sigh*

"The greatest harm can result from the best intentions. Kindness and good intentions can be an insidious path to destruction. Sometimes doing what seems right is wrong, and can cause harm. The only counter to it is knowledge, wisdom, forethought, and understanding the First Rule. Even then, that is not always enough."
-Stone of Tears: Chapter 63, page 634

Si Chowmaster/Solaboi Bradley

0 Reaction(s)


Last Thursday night, 6pm na ako nagising. Supposedly may get together ang college berks ko dahil si Bradley aalis na naman patungong New York (bakasyon mode for a week sa Pinas) and flight na niya Friday noon. Almost 8pm na ako nakarating sa SM Fairview, traffic pa rin kasi at nasa rush hour pa. Idagdag mo pa na ilang metro nalang sa SM saka pa nagpa-gasolina si manong at mahaba pa ang pila. Sino ba naman ang hindi ma high-blood niyan.

Pagdating ko sa YellowCab naabutan ko na agad sina Bradley, Tere, Neri, Arnold and Lester. Nakasalang sa mesa 2 box ng pizza at isang large bucket ng chicken. Pagtingin palang, hindi ko na alam kung mauubos ba namin iyon. Binigyan agad ako ng plate ni Brad at siya na ang naglagay ng slices of pizza at chicken. Ayun kaunting kumustahan dito at doon. Siyempre na-miss ko si Bradley kasi it's been a while (mga 2 years na ata) since last kami magkita. And napa-whoa talaga ako dahil ang dating botchog ngayon gymfit na at medyo baliktad pa kami ng kalagayan ng katawan ngayon. Nakakahiya talaga. Hehe.

Dumating si Charlene ilang minutes after ko dumating then, si Aryeh naman - sumaglit lang din para makibalita. Puro tawanan lang at bali-balita ulit. Ang word for the day "Sola", isang brand ng beverage. Kami lang ang malakas tumawa sa area namin dahil puro Solahan nalang ang usapan. Sinariwa namin ang nakaraan nung nasa kolehiyo palang kami, mga nakaraang professor namin lalo na si Mam Ruby na dati eh tatlong oras naming pinagusapan at sumakit ang tiyan kakatawa.

Past 10pm, magsasara na mall, kailangan nang maghanda sa pag-alis, nauna na sina Lester, Arnold at Aryeh sa pag-alis (hanep me mga wheels, kainggit); dapat sana nakisabay nalang ako sa kanila para hindi na ako gumastos pa. Siyempre picture-picture muna. Kasi next year pa babalik si Brad. Mami-miss ko ang pag-chow at mga kalokohan namin. 'Till then Bradley. Have a safe trip pabalik sa Tate.

Clip: Evangelion 2.0 - You Can [Not] Advance trailer

0 Reaction(s)

Wata Wik

0 Reaction(s)
Kakaiba itong linggo na ito sa akin. Ngayon lang ako ulit nakadama ng "pagod" sa trabaho na dati eh petiks lang nang kaunti basta tamang work lang. Hindi na ako makapag sideline nang kaunti sa net dahil sa demand at taas ng goal namin ngayon. Kasalanan naman namin iyon. Bawat isa may pangangailangan rin at naghahabulan sa incentive o di kaya para sa annual appraisal. Siguro 'wag na lang magsisihan kung bakit umabot sa ganun ang lahat.

Nawala ring parang bula ang isa sa mga internal jobs na apply ko. Pero ok lang iyon, siguro hindi pa talaga oras para sa akin na lumipat at kailangan paghandaan ko ang interview portion dahil dito ako nadadali madalas dahil nauunahan ako ng kaba palagi. Magbabasa ng mga resources sa Net para sa mga tips at advice para next time handa na ako.

Minsan hindi ko rin maramdaman kung bakit ganito ako sa aking minamahal. Masyado akong seloso at nag-iisip ng hindi maganda sa kanya. Dahil ba malayo siya at hindi kami nagkikita madalas (once kada linggo - ok na rin!). Hindi ko alam pero hindi ko makuhang magalit sa kanya pag nagkakaharap kami. Gusto ko siya pagalitan pero nawawala iyon pag kasama ko siya. Ewan ko ba, siguro dahil sobra ko siyang mahal kaya nawawala lahat ng tampo at hinaing ko sa kanya pero minsan dapat niyang malaman kung ano ang nasasaloob ko para magkaintindihan naman kami.

Miss ko na mga berks ko at mga ex-classmate. Hanggang ngayon puro drawing parin ang supposedly na get together. Nabulok na kasama ng mga pananim na sinalanta ng bagyo ang plano na magkita-kita. Hanggat maari ayokong ipatong sa akin ang burden sa pagiging organizer. Nadala na ako. Please naman, pagpahingahin niyo na ako at imbitahin niyo nalang ako. Nakakadala na ang ibang hindi man lang pumupunta. Nakakawalang-gana minsan.

Tink Pasitib

0 Reaction(s)
Kagabi sobrang antok, nakakahiya sa mga kasama sa office pati na rin sa sup. Hindi kasi ako nakatulog nung hapon at nanood lang ng Naruto DVD. Stressed out ulit kahit nag unwind sa Pansol last week, mukhang kulang pa ang pahinga. Think positive lagi kahit puro negative ang nasa paligid mo.

Kanina salamat na lang at medyo mahaba-haba ang tulog ko, siguro iyon lang ang kailangan ko; mahabang oras ng pagtulog para pagpasok, refreshed at energized ulit.

Agua Calienta, Pansol, Laguna

2 Reaction(s)

Alala

4 Reaction(s)
Habang nakikinig sa kantang "Lost in Space", bigla lang nag flashback sa aking isipan mga nakalipas nang pangyayari. Me naalala lang akong isang tao. Mga masasayang sandali kasama siya. Ok na sana siya eh, kaya lang lumagpas na siya sa kanyang boundary at hindi ko na nagustuhan ang susunod na mga pangyayari. Hindi ko na kailangang elaborate pa at baka kung anu ano na naman ang sabihin ng mga nakakabasa nito. Basta ang mahalaga, tapos na at nagkaroon na ng tuldok ang nakaraan. Meron na kaming kanya-kanyang landas na tinatahak ngayon. Good luck nalang sa kanya, kilala na niya kung sino siya.

Puyat na naman

0 Reaction(s)
Akala ko pa naman maayos na ang tulog ko kanina. Kung bakit kasi maaga akong natulog at hindi muna nag-antay ng tanghali. Ayun 2 oras lang tulog ko at hindi na ako nakatulog pagkatapos nun. Kainis, yung gusto ng katawan mo na magpahinga pero yung utak mo active pa rin. Kahit umulan nang saglit hindi pa rin ako nakatulog.

Hayz, pagod na pagod ako nitong week na ito. Sobrang stressful lalo na ang unexpected na interview nakadagdag pa. Inaliw ko nalang sarili ko sa pakikipagtext sa kakilala ko. Sana nga next year talagang totohanan na out of town ang gagawin ko. Sasama ako lumuwas sa probinsya papuntang Mindoro at pumunta sa isla dun kung san nakatira yung friend ko. Waa, nakakatakot kasi hindi pa talaga ako nakakaranas ulit na tumawid ng dagat. Matagal pa naman iyon at pwedeng hindi matuloy.

Restless

0 Reaction(s)
Kakapuyat sa part ko ang araw mula kahapon hanggang ngayon. Hindi ko inaasahan yung interview na this Thur na, hindi man lang kami pinagbigyan sa aming 3rd monthsary. Kailangan ko pa tuloy umuwi sa amin para gumawa ng resume at ipasa.

La kaming pasok kahapon (US Holiday) pero sige sinadya ko talaga ang The Fort para lang ipasa ang resume ko, sobrang antok na ako paguwi na paghiga ko sa sofa eh nakatulog agad ako at sinabi ko sa sarili ko na madaling araw na lang ako review for the interview.

Salamat at nakaraos na rin ang challenge na ito sa akin. Hindi ako umaasa na makakarating ng 2nd stage, for experience purpose nalang siguro dahil it's been almost 2 years since my last interview for my job. Parang refresher siguro ito of what to expect again everytime na aaply ako.

Finally mamayang umaga, makakatulog na rin ako nang maayos na walang iniisip kundi magbalik sa normal ang lahat.

He Says

6 Reaction(s)
"I say just be true to yourself.. everybody is bound to get hurt when he's/she's with someone, whether it be with a male or a female.. what matters is that youre honest with yourself.. siguro when youre already comfortable with who you are, true love will finally open its doors for you.."
-tormented, Mukamo forum

Tumaba ka ah!

0 Reaction(s)
Kagabi naabutan ko pa dati kong mga ka-teammates, langya talaga. Lahat sila iisa lang ang sinasabi. "Tumaba ka ah", Hayz ganun na siguro ako kataba. Pati BMI ko 26 something na rin nasa "Overweight" status na siya. Buti na lang si mahal sinasabi na hindi naman ako ganun kataba, pampalubag loob. Maski kaninang umama si mami Tek iyon din ang sinasabi na tumaba daw ako.

Matitiis ko ba naman kasi na nasa harapan ko ang pagkain at sinasabi sa akin, kainin mo ako. Kahit anung iwas ko talaga, kahit situps hindi ko pa rin nararamdaman na lumiliit ang aking tiyan. Nakakababa ng self-esteem pag ganito itsura mo. Kaunting panahon nalang magiging Buddha na rin ako; sana hindi umabot sa ganun. Kainis kelan kaya babalik ang aking katawan sa dati, nung kapanahunan ko nung kolehiyo.

Thirst for Adventure

0 Reaction(s)
Maagang nagising kanina, nanood ulit ng Lord of the Rings trilogy, sobrang haba ng film na tinapos ko nalang muna ang first part. Kahit ilang beses ko nang pinapanood ang movie, hindi pa rin siya nakakasawa. Nakakaiyak lalo na nung nahulog si Gandalf kasama ng Balrog. Kainis, nararamdaman ko talaga ang mood ng story.

Iniisip ko sa sarili ko, sana andun nalang ako sa loob ng movie at kasama sila sa mga adventures nila. Nakakapagod na kasi minsan ang real world. Hindi na ako masaya at enjoy sa buhay. Nawala na ang thrill gaya nung kabataan ko pa, sa dami ng mga problema at iniisip sa buhay.

Palagi kong sinasabi sa sarili ko na sana man lang kahit isang beses lang sa buhay ko, maranasan ko ang totoong adventure gaya ng pinapangarap ko noong bata pa ako. Alam ko imposible ang mga napapanood mo na ganung tipo ng paglalakbay. Ewan ko, gusto ko minsan magpakalayo-layo dun sa lugar na hindi ako kilala, makikipagsapalaran sa ibang tao at makapunta sa ibang exotic areas na hindi pa nararating ng kabihasnan.

O kaya mas malapit sa realidad, kung saan makapunta sa ibang malalayong lugar, kahit mini out of town ng isang linggo; being one with nature. Hay, ang sarap siguro nun at kahit papano maiibsan ang stress at pagod na aking nararamdaman, moment of peace. O di kaya extreme games din, gusto kong subukan mag skydiving, kayak, bungee jumping mga ganun lang kung saan may thrill at nagpapalakas ng tibok ng puso mo.

Hindi naman mangyayari iyon kung uupo lang ako dito at mangangarap, siyempre kelangan may gawin din ako para matupad ang mga iyon. At gusto ko kasama ko ang aking mga kaibigan pag nangyari iyon. Iyon na siguro ang isa sa mga masasayang mararanasan ko sa aking buhay.

Long Sleep

2 Reaction(s)
Medyo mahaba ang sleep ko kanina. Kahapon mga 3-4pm ako nakatulog at nagulat na lang ako na 1am na pala pagigising ko. Naabutan ko pang nanonood ng Mirror na movie ang kapatid ko at sarado na ang tindahan. Tanghali na kasi ako nakauwi kahapon. Gumala sa Megamall nang kaunti. Tingin sa MegaTrade puro Sale ng ToyKingdom, then sa dulo naman mga appliances. Akala ko aabutan ako ng ulan nung hapon na iyon.

Ayun after magising nang ganung oras, tinapos ko nalang panooring ung season 1 ng Legend of the Seeker, hindi ako nagandahan sa ending. Akala ko pa naman breath-taking daw gaya ng promotion nila, hehe. Hinika lang ako sa bilis ng pangyayari kung paano madaling namatay si Darken Rahl. Episode 6 palang sa US ang season 2 nito kaya medyo antay-antay lang muna.

Not sure kung sasali sa fun run sa MOA this 3rd week of November. Wala pa ako gears kasi nakakahiya naman, ayoko mangako sa aking sup na makakasama ako pero gagawin ko ang best ko. Hehe!

Clip: Paranormal Activity Trailer

2 Reaction(s)

Bisi-bisihan

2 Reaction(s)
Mula nang magbago ang goal namin this month, naging super busy na ako at maski ang pag-update sa blog na ito hindi ko na magawa. Tuwing pauwi ko nalang nadadalaw ang ibang site na pinupuntahan ko. Hayz, ang hirap na at mas challenging na hiniwalay na ang 2 function na ginagawa namin. Kaya ganito kaunting adjustment sa mga nakasanayan nang gawin.

Hilo

3 Reaction(s)
Kaninang umaga pagsakay ko sa bus, pagkaraan ng ilang minuto, nakaramdam ako ng biglang pagkahilo. Tuwing ganitong panahon na lang kung saan umaambon-ambon nararanasan ko ang ganito. Siguro isang factor na rin iyon pati na ang bus siguro since sarado ang mga bintana at walang hangin na pumapasok.


Pinipilit ko nalang na ibaling ang attention ko. Muntik na akong masuka kaya ipinikit ko nalang ang aking mata. Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang nakababa na ako ng bus. Hayz, ayoko talaga ng ganung pakiramdam. Pagsakay sa jeep, walang palya talaga na nakakasabay ko si masungit at ang alagad niya. Pagkarating sa bahay, umupo agad ako at sumandal sa sofa. Hanggang sa humiga na ako at idlip sandali.

2 oras lang ang tulog ko dahil hirap akong makatulog dahil sa ingay na rin sa bahay. Pero paggising ko medyo bumuti naman ang aking pakiramdam hanggang sa pagpasok. Sana lang paguwi mamaya, hindi ko na maranasan ulit ang pagkahilo.

Nomu

0 Reaction(s)
Met Arcin yesterday sa St. Francis, then sumakay sa FX papunta sa kanila. Bumili sandali sa Quiapo ng DVD ng Legend of the Seeker, mahirap kasi panoorin sa YouTube lalo na't minsan hindi ok ang connection. After that, diretso na kina haus nina Arcin. After kumain natulog nang mga ilang oras, then nag-text si Christian na by 3am sa Malate daw (undertime na lang daw siya).


Nagising kami by 10am, nag-net muna sandali to kill time. Nauna kaming dumating bago si Blast. Hindi na ako nakisali sa inuman nila, nag milktea lang ako. Daming pinagusapan, daming kwento ni Blast. Walang tigil kakatawa namin. Wag na yung details, privacy daw. Inabot na ng umaga silang dalawa. Medyo lasing na sila. Mukhang ako na naman aalalay sa mga ito.

Naglakad lang saglit sa Baywalk, loko itong si Christian lahat ng nagjo-jogging hinaharang at yung mga sasakyan, gusto magpabangga, itong namang si Arcin, puro bulalas at namumula na. Ako na hindi lasing ang mas kinakabahan sa mga ito. Dumaan lang saglit sa work area ni Blast, naki-CR then hinatid na rin si Arcin pauwi sa kanila.

Salamat nga pala Christian sa noodles at choco-yey! Bait-bait mo talaga, good luck dun sa kung anu man iyon. TNT. Mami-miss ko ito (puntong Kapampangan) hehe! Hanggang sa susunod. Halos 11am na ako nakauwi sa amin. Nagpa-antok lang saglit habang nanonood ng biniling DVD. After maligo, nakatulog na rin by 1pm.

Clip: Legend of the Seeker trailer

0 Reaction(s)




















Pagkatapos ng Bagyo

0 Reaction(s)
Salamat na lang at maganda ang panahon ngayon. Kahapon ng umaga, sobrang lakas ng hangin habang pauwi ako sa amin. Pag-uwi mo sa bahay, brownout pa. Buti na lang at bumalik rin ito bandang tanghali.

Whole day kahapon ako natulog, nagising lang ako sa Panday sa ch.2 then natulog ulit. Nagising nalang ako sa MMK episode then hindi na ako nakatulog mula nun. Nanood lang ng Ju-On kagabi at Last of the Mohicans. Natulog sandali then around 8am nagising na naman.

Ganda ng panahon ngayon at balita ko hanggang bukas daw. Pero merong shallow LPA sa kanan ng Pinas pero by Wednesday pa siya makakaapekto. Sa mga pupunta sa sementeryo, mag-ingat sa mandurukot, huwag magdala ng mga pinagbabawal, huwag masyado gawing pista ang puntod at mag-ingat nalang sa papunta at pauwi. Wala kasi kaming patay dito at sa probinsya pa.